Araw ng Martes nang magpaalam si Ronnie kay Madice. Iyon din ang araw na may natanggap siyang nakakahong regalo. Walang pangalan kung sino ang nagbigay. At hindi rin alam ng delivery boy kung sino ang nagpadala . Binuksan niya ang regalo at sa pagkabigla ay naitapon niya iyon. Gano'n na gano'n ang nakita niya noon sa harap ng kanilang pinto. Larawan nang patay na pusa ngunit may isa pang larawan doon. Isang nasusunog na bahay. Nang mapansing may maliit na papel na nakalagay roon ay pinulot niya at binasa iyon. “Hindi ka talaga nadadala, Madice at napaka-despirada pa. Malaking perʼwisyo na ang naidulot mo sa amin, lalo na sa anak ko! Dahil sa ʼyo, nag-iba na nang pakikitungo sa akin si Owen! Kaya ipakikita ko sa ʼyo kung paano talaga ako magalit! Makikita mo!” sabi sa nakasulat k

