KINABUKASAN, umalis ang apat na magkapatid kasama si Owen upang bumili ng mga gamit nila at mga kakailanganin sa bahay ng Tiyahin. Mabuti na lang at bakasyon na. Pagkatapos nilang mamili, kumain sila sa paborito nilang fast food chain at umuwi na rin. Nagpaalam na rin ang dalaga sa tatlong kapatid niya dahil sa condo muna ni Owen siya tutuloy. May pasok pa kasi siya at may trabaho rin. Binilin niya ang mga kapatid na samahan sa gawaing bahay ang kanilang Tiya. Sumagot lang ang mga ito at nagpaalam na rin sila sa matanda. Mabuti na lang at mabait ito sa kanila. Umalis na sila roon at dumiretso sila sa condo ng binata. At namangha si Madice sa ganda ng condo nito. "Ang ganda rito, Mahal," tuwang sambit niya. Ngumiti naman si Owen. Hinapit siya nito at hinalikan sa labi. "Mas maganda ka

