"H-Hindi pa po," tipid nʼyang sagot. Tumitig sa kanya ang kaharap na lalaki ngunit siya ay umiwas. Waring sinusuri siya nito. "Okay. Baka siguro, kamukha mo lang," pahayag nito. "P'wede mo bang alisin 'yang suot mong maskara para makita kita nang personal?" untag nito. Tumikhim siya dahil hindi pa rin nito inaalis ang paninitig sa kanya. "Ehem!. . Uhm, H-hindi ho namin pʼwedeng alisin ang maskara namin, Sir. H-hindi ho ba nabanggit ni Ms. Clarity sa inyo?" Napabuntong-hininga ang lalaki. Akala niya ay makalulusot siya rito. "Oo nga pala. Well, it doesn't matter to me if you wear a mask. What matters to me is your femininity," walang preno nitong sabi sa kanya. Napapikit si Madice. Naalalang hindi niya naisuot ang kanyang roba. Kaya pala, titig na titig sa kanya ang dating kasintah

