Simula nang mangyari ang isang gabing pakikipagtalik ni Madice kay Owen sa motel ay hindi na siya nagtrabaho sa club. Pumunta siya sa grocery para bumili nang pangangailangan nila. Habang siya ay nakapila sa counter, isang lalaki ang pamilyar na nakangiti sa kanya. Nagdadalawang isip tuloy siya kung ngingitihan ba din niya ito. "Hi!" bati nito sa kanya nang makalapit ito. "Hello," ganti niya. Pagkatapos niyang magbayad sa cashier ay umalis na siya roon ngunit hinabol siya ng lalaki. "Wait" pigil nito sa kanya. Tumigil siya. Nilingon niya ang lalaki. Lumapit ito sa kanya kaya nagtataka tuloy siya kung anong kailangan nito sa kanya. "Anong kailangan mo Mister?" tanong niya rito. "Sabi ko na nga ba, eh. . . Ikaw 'yan. Ikaw iyong dancer sa club, hindi ba?" nakangiti nitong ta

