Magkasabay na pumasok sila Annie at Chester sa restaurant. Mali, dahil hindi akalain ni Annie na makakakuha iyon ng atensiyon lalo na sa mga kasamahan niya. Muli niyang binalingan si Chester na nakataas ang isang kilay sa kanya at nakataas rin ang gilid ng labi na tila pinipigilang mangiti. "Maupo ka na. Kunin ko lang ang menu," utos niya rito at sinimangutan. Tinalikuran ni Annie si Chester at nagtungo sa counter upang kunin ang menu book. Babalik na sana siya kay Chester ngunit pinalibutan na siya ng mga kasamahan. "Sino iyon. Ang guwapo ah!" tanong ni Laura na kinikilig pang lumingon sa gawi ni Chester na ngayon ay busy sa telepono. "Iba kamandag mo, Annie. May ibang fafa na naman." Inirapan ni Annie si Laura. Aalis na sana siya ulit ngunit muling may nagsalita sa mga kasamahan

