Maang na napatitig si Annie kay Chester. "Hindi pa ako naghapunan. Alam ko, ikaw rin," sabi nitong kinukumbinsi siya para pumayag. Ayaw niya sana. Ngunit kumakalam na talaga ang tiyan niya at sa amoy ng pagkain, lalo siyang ginugutom. "Sige, pasok." Wala siyang nagawa dahil parang mababaliw na siya sa gutom. Walang lutong pagkain sa kusina at hindi na niya nagawang magtake out mula sa resto dahil na rin sa presensiya nito kanina. "Akin na. Upo roon!" Tinuro niya ang sofa kay Chester at kinuha mula sa kamay nito ang supot ng pagkain. Nagulat pa siya dahil hindi pang-isahang tao ang in-order nito. Napanguso siya dahil mukhang sinadya nitong damihan iyon para sa kanya. Pinoy delicacy ang mga binebenta ng restong pinapasukan niya. Iba't ibang uri ng luto, kapampangan, ilocano, bisaya

