Chapter 10

1863 Words
Nakailang katok na si Annie ay wala pa rin nagbubukas sa pinto. Nayayamot na siya kaya mas nilakasan pa niya ang ginawang pagkatok. "Naku kung hindi lang talaga kay Alex! Hoy! Hindi ako maghihintay rito na pagbuksan mo ah!" inis na sigaw niya para marinig siya ni Chester sa loob. "Hmmm." Umismid siyang ibinaba ang supot na naglalaman ng lugaw na niluto. Tumalikod siya at akmang aalis na nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Wala siyang balak lingonin ito kaya nagpatuloy siya sa paglalakad. "Hey," paos at mahinang tawag ni Chester sa kanya. Dahilan rin para tumigil siya. "Why you're here? Bumuga siya ng hangin bago harapin ang binata. Pinatigasan pa niya ang hilatsa ng kanyang mukha para ipakita rito na galit pa rin siya rito. Ngunit agad iyong nawala nang magtama ang mga mata nila ni Chester. Mapupungay ang singkit nitong mga mata. Pulang-pula ang mukha at magulo ang buhok. "Why you're here?" ulit nito sa tanong. Lumapit siya nang bahagya rito. "Inutusan lang ako ni Alex," pinilit niyang magmukhang galit ang boses. "May pinadala siyang pagkain. Kainin mo," sabi niyang itinuro ang nasa baba ng pinto. Dumako naman ang mga mata ni Chester doon bago muling tignan si Annie. "Thanks," ika niyang pilit yumuko para kunin iyon. Nanginginig ang mga tuhod niya at nanghihinang pilit iyong inabot. "Sige, alis na ako," ika naman ni Annie at muling tinalikuran ang lalaki. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay mabilis siyang napabaling dahil sa malakas na kalabog na tila may bumagsak. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nasa sahig na sa may pinto si Chester. Ngatal ang katawan niya at hindi halos makagalaw. Saka lamang niya nagawang puntahan ito at alalayan nang pilitin nitong bumangon. "My head..." reklamo nito. Hinawakan niya ito sa kamay at isinukbit iyon sa kanyang balikat. Hindi na nagulat pa si Annie nang maramdaman niya ang sobrang init na katawan ng binata. Sumisingaw ang labis na init nito sa katawan at tila pa nga napapaso siya. "I felt dizzy. Siguro noong bumangon ako," sabi nitong paos na paos. "Nanghihina ako." Umirap sa hangin si Annie. Halata nga dahil bigat na bigat siyang alalayan ito. Patungo sana sa kuwarto pero dahil nga hindi na niya yata kakayanin ay sa sofa niya dinala ang binata. Pinaupo niya ito roon. "Nanghihina ka na pala, bakit ka pa bumangon at naglakad?" inis na usig niya rito. Gusto niyang magalit dito ngunit tila naawa naman siya. Dahil hindi na lang ubo at lagnat ang iniinda nito kundi maging bukol sa noo. Namumula na kasi iyon at may kaunting bukol. Masama nga yata ang pagbagsak nito. "Ayaw ko nga sanang tumayo, but you keep on knocking. Galit ka na nga yata..." Napairap siya nang bigla itong ubuhin. Dali-dali siyang kumuha ng tubig sa kusina. Bachelor's pad ang unit ni Chester at ang sala at kusina ay halos magkadugtong lang. Walang partition na dingding kaya kita niya agad saan tutungo. Kumuha siya ng tubig na ipa-iinom dito. Iyon nga lamang ay malamig iyon dahil galing sa ref. Hindi naman niya puwedeng painumin ng tubig na galing sa faucet dahil lasang chlorine iyon. "Uminom ka," utos niya rito nang makabalik sa kinaroronan ng binata. Patuloy pa rin kasi itong inuubo. "Thank you. Biglang nangati..." Napanguso siya sa itsura nito. Hindi niya tuluyang maiiwan ang lalaki dahil sa kalagayan nito. "Humiga ka muna riyan. Ipapainit ko ang lugaw," sabi niyang tinulungan pa itong makahiga sa sofa dahil halatang hinang-hina na. Pagkatapos nitong makahiga ay wala na rin siyang kiyeme na pumasok sa nag-iisang kuwarto na naroon. Gulo pa ang kama at halata ngang maghapon na nakahiga lang ang binata. Kinuha niya ang kumot na nasa kama at isang unan para dalhin kay Chester. Pagdating niya roon ay tulog na ito ngunit halatang nilalamig dahil yakap nito ang sarili. "Hay naku. Ang sabi ko, aalis rin agad eh," sita niya sa sarili habang maingat na inaangat ang ulo ng binata para mailagay ang unan. "Pero hindi naman ako masamang tao para iwanan na lang na mamatay ito," muli niyang saad at nilunok ang sinabing kahit mag 50-50 pa ang binata ay hindi niya pag-aaksayahang alagaan. Kinumutan niya ito pagkatapos. Dinala niya ang supot na naglalaman ng lugaw sa kusina. Maayos na maayos ang kusina ni Chester kaya alam na ni Annie na wala itong kinain maghapon. Binuksan niya ang refrigerator mulu at napaikot na lang ang bola ng kanyang mga mata dahil talagang tubig lang ang laman noon. "Paanong hindi manghihina? Walang laman ang ref at hindi rin kumain. Hay naku!" inis niyang bulalas. Balak sana niyang ilagaan ng luya ang lalaki dahil halos wala na talaga itong boses. Kaya ayaw man niya ay nagpasya siyang lumabas na muli. Bago iyon ay hinanap niya muna ang susi ng condo ng binata para hindi na niya ito gisingin pagbalik. Ngayon nga ay nasa baba na siya at naglalakad. May nakita siyang supermarket kanina na malapit. Bago makarating sa bilihan ay tinawagan na muna niya si Alex dahil text nang text. Isa pa iyon. Sinabi niyang magpahinga pero hindi nito ginawa. "Aso mo, 50-50 na!" inis na bungad niya rito. "What? Saan siya? Sa hospital ba? Pupuntahan ko..." Napairap siya sa hangin. Kung kaharap niya ito ay talagang nasabunutan na niya. "Okay siya. Papunta nga ako sa store para ibilhan ng makakain dahil aso mo, ginugutom yata ang sarili," sabi niya at papasok na sa tindahan. "O siya. Matulog ka na. Uuwi rin ako mamaya." "Salamat babes." Pinatayan niya si Alex ng telepono at hindi na sinagot pa. Naiinis siya ngunit hindi niya alam para kanino ang inis na nararamdaman. Nanlaki ang mga mata ni Annie nang magbabayad na siya ng pinamili. Nasa halos isang libo na kasi iyon. Ang balak niyang luya lang na bilhin ay kung ano-ano na ang nabili niya dahil sa nakita niyang walang laman na refrigerator ng binata. Maging ang kusina nito ay talagang walang kalaman-laman. Isang coffee maker at oven lang ang nakita niya roon. Nabubuhay ang lalaki sa mga pa-take out-take out lang na pagkain. O siguro ay sa resto na lang ito kumakain. Ibabalik sana niya ang ilang mga prutas ngunit nahiya na siya nang makita ang mahabang pila sa kanyang likuran. Kaya naman napilitan siyang kunin na ang mga iyon. "Sisingilin ko rito si Alex..." mula sa isip ay sabi niya. Naglalakad na muli siya papunta sa condo ni Chester. Papasok pa lamang siya nang maulinigan niya ang tila ungol mula sa sala. "Ma, no...don't go. Ma!" Rinig niyang ungol na mula kay Chester. Tila binabangungot ito. "Ma..." Mabilis niyang naibaba ang pinamili sa sahig at agad na dinaluhan si Chester. Bumabaling-baling pa ang ulo nito at pawis na pawis. "Hoy!" Tinapik niya bahagya ito para magising. Ngunit mas lumakas ang pagtawag nito sa ina. "Gising, hoy." Naupo siya sa gilid ng sofa at hinawakan na niya ito sa balikat upang yugyugin. Ngunit hindi pa niya ito nayuyugyog ay bigla naman itong bumangon at niyakap siya. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa ginawa nito. Bigla siyang nakaramdam nang matinding kabog ng dibdib. Dahil doon ay pilit niyang itinulak ang mainit na katawan ng binata. "Please, let me hug you. Let me hug you," paulit-ulit na usal ni Chester na humahagulgol. Umiiyak ito at lalong humigpit ang yakap sa kanya. Tila siya naestatwa sa ginagawa nitong pag-iyak. Unang beses niyang makarinig ng pumapalahaw na lalaki. Hindi na niya nagawang magpumiglas o itulak ito. Hinayaan niyang umiyak si Chester sa balikat niya. Puno ng hinagpis ang bawat hagulgol nito. Ilang sandali sila sa ganoong ayos nang maramdaman niyang tila bumigat ang ulo nito sa kanyang balikat. Malalim na rin maging ang paghinga nito. Kanina pa ito natigil sa pag-iyak at alam niyang nakatulog na muli ito. Dahan-dahan niyang muling inihiga si Chester. Inayos na muli niya ang kumot sa katawan nito habang hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito. Tila naging maamo ang mukha ni Chester para sa kanya. Ang luha sa pisngi ang nagpapatunay ng kahinaan ng binata. Isang kahinaan na para sa kanya. Dagdag points sa isang lalaki. Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon. Nababaliw na yata siya dahil bigla na lamang lumambot ang puso niya kay Chester. "Naku, Annie!" pagalit na saad niya sa sarili. Lumayo na lamang siya kay Chester dahil baka tuluyang malimutan niyang may atraso pa kanya ito. Pumunta siya sa kusina at naglaga ng luya. Buti na lang din at may mga kaldero na naroon sa ibabang cupboard. Pagkatapos niyang mailaga ang luya ay inilagay niya sa isang termos. Isinunod niyang initin ang lugaw. Tamang-tama nang maiinit iyon ay siya naman pagbangon ni Chester mula sa pagkakahiga. "Ang sakit ng ulo ko," rinig niyang reklamo nito. Napairap siya habang dala na ang nainit na lugaw. "Kumain ka para makainom ka ng gamot,"sabi niya at ipinatong sa center table ang pagkain. Iniwan niya rin agad ito at kinuha naman ang mainit na luyang tsaa para dalhin dito. "Ah!" Agad siyang napatakbo sa gawi nito nang marinig ang kalansing ng kutsara at ang pagkabasag ng mangkok. "s**t!" anas nitong mura na pilit inaabot ang nabasag. "Sandali, ako na..." naiiritang tinabig ni Annie ang kamay ni Chester. "Bakit ba kasi nahulog?" "I can't feel my hands. Nanghihina pa ako," sabi nitong pilit siyang tinutulungan ngunit muli, tinabig niya ito. "I'm sorry." Gusto niyang magalit. Gusto niyang ipakita rito na hindi ayos sa kanya ang nangyayari. Dapat ay silipin niya lang ito pero heto siya, pinagsisilbihan na niya. Napakagat labi siya nang marinig niya ang magkakasunod na buntong hininga ng binata. Tiningala niya ito mula sa pagkakayuko. "Diyan ka lang. Kukuha lang ako ng pamunas..." Mabilis niyang nilinisan ang natapon ng lugaw. Napulot na rin niya ang basag na mangkok. Buti na lang at hindi iyon nagkapira-piraso mg maliit. Tahimik si Chester habang naglilinis siya. Maging siya ay hindi rin nagsasalita. "Dalhan kita ng kakainin mo..." "No, mamaya na. Kapag kaya ko na. I still can't eat by myself..." Napairap na lamang siya. Eh ano pa nga ba ang gagawin niya? Ayaw naman iwanan ni Annie si Chester dahil kargo pa ng kunsensiya niya kung matuluyan nga ito. Kaya heto siya, dala ang pagkain. "Susubuan na lang kita. Lalo kang manghihina kung hindi ka kakain. Kailangan mo rin uminom ng gamot." "No, go home now, Annie. Gabi na," tanggi nito ngunit sumandok pa rin siya sa lugaw at itinapat sa bunganga nito. "Kain! Huwag kang mag-inarteng parang bata," saway niya rito nang ayaw ibuka ang bunganga. Napatitig si Chester kay Annie. Nang hindi ito tuminag ay siya na ang sumuko. Binuka niya ang bibig. Wala siyang malasahan. Ngunit madaling lunukin ang pagkaing isinusubo nito kaya lunok na lang siya nang lunok hanggang sa maubos nga niya ang isang mangkok ng lugaw. "Inumin mo na ito." Inabot sa kanya ni Annie ang isang tabletas at tubig. Sinunod niya ito kahit ayaw na ayaw niya ng gamot. "Thank you." Hindi siya pinansin ni Annie. Dala nito ang mangkok at muling nagtungo ito sa kusina. Naririnig niya ang kalasing kaya alam niyang naghuhugas ito. Muli siyang nahiga. Nawala na ng kaunti ang hilong nararamdaman niya. Nakatulong na nagkaroon ng laman ang sikmura niya. Pumikit si Chester hanggang sa makatulog siyang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD