Hindi malaman ni Chester kung ilang oras siyang nakatulog. Ang alam niya lamang ay ngawit na ngawit na siya sa pagkakahiga sa iisang posisyon. He passed out at wala na siya maalala pagkatapos makainom ng gamot. At si Annie... Bumalikwas siya ng higa nang maalala si Annie. Alam niyang hindi panaginip na naroon ang dalaga sa bahay niya kagabi. "What time is it?" tanong niya sa sarili pagkatapos makapagmuni-muni. Lumingon siya sa parte kung nasaan ang telebisyon at katabi nito ang isang digital clock. Alas nuwebe na ng umaga. Sinipat niya ang sarili. Wala na siyang lagnat. Paos pa rin ang kanyang boses at inaatake ng ubo minsan, pero magaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi gaya kahapon na akala niya ay katapusan na niya. Binaba ni Chester ang mga paa sa sahig na napapatungan ng carpet. Na

