Lunes na ng umaga. May exam sila kaya todo ang review ni Annie sa kanyang mga notes. Tutok na tutok siya roon kaya hindi na niya namalayan na may isang bulto ng tao na palapit sa kanya. Puno ito ng ngiti sa labi. "Hey! Busy?" Panggugulat ng taong iyon. Mula sa pagkakayuko, bumaling si Annie sa nagsalita. Nakatayo ngayon si Kelvin sa kanyang harapan. Kaya pala biglang nagkaingay ang paligid dahil na kanina ay medyo tahimik naman. "Exam?" muling tanong nito at kinuha ang notes niya t'saka binasa. "Wow, ang sipag naman," palatak nito bago isauli ang kanyang notes. Nginitian niya si Kelvin. Kakausapin sana niya ito at ie-entertain ngunit hindi na siya nito napansin dahil distracted ito sa paglapit ng kanyang mga kaklase. "Goodluck sa game ninyo sa Friday, Kel," sabi ng isang babaeng ni h

