Tipikal ang lunes na iyon para kay Chester. Kahit na may nangyaring gulo kanina sa pagitan ni Annie at ng baklang kaklase nila. Tipikal dahil gaya pa rin sila ng dati ni Annie. Hindi siya nito pinapansin. Kahit pa gusto niyang lapitan ito at kausapin. Magpasalamat man lang sa nagawa nito. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Kaya naghintay na lamang siya sa uwian. Nakatayo siya sa may gate palabas sa unibersidad. Naka-park na ang kanyang sasakyan sa labas at hinihintay niya si Annie para makausap. Wala si Alex na tutulong sa kanya dahil nagpaalam itong may pupuntahan at ayaw naman magpasama sa kanya. Sinabihan na lamang siya nito na kausapin si Annie para maging maayos naman silang dalawa. Napatayo siya ng tuwid nang makitang paparating na si Annie. Marami itong dalang libro. Nagtagpo an

