Tinanggap nang buo ni Annie na kahati niya si Chester kay Alex. Na hindi na lamang silang dalawa kundi may asungot na dumagdag sa pagkakaibigan nila. Masaya ang bawat araw na magkasama sila at nang makilala nang maigi si Chester ay nakapalagayan niya naman ito ng loob. Hindi nga lamang talaga maiwasan ang pagiging aso at pusa nila minsan. Lalo na sa mga bagay. Magkasalungat kasi palagi ang kanilang pananaw. Kay Alex lamang yata sila nagkakamabutihan. Sumasang-ayon siya kay Chester lalo na kung sa kapakanan ng babaeng kaibigan. Natuto siyang pagkatiwalaan ito pagdating kay Alex. Sa ilang mga araw ay pilit siyang kinakausap ni Kelvin. Ngunit hindi niya ito binigyan ng pagkakataon maski ang makalapit sa kanya. Bantay sarado si Alex sa kanya maging si Chester ay damay na. Hindi naman siya g

