Pagkalatag nila sa airbed ay nagsitungo na sila sa banyo para magsepilyo at makapaghugas para makatulog. Nauna sila ni Alex at sumunod si Chester. Ipinagtaka pa nga ni Alex kung bakit may sepilyo na roon ang lalaki ngunit nagkibit balikat siya at hindi ito sinagot. Pero noong ibigay na niya ang kumot kay Chester ay doon na ito umangal dahil gusto nito na gamitin ang kumot na iyon. "Ako gagamit nito..." apela ni Alex sa kanya. Niyakap ang kumot at muling inamoy. "I really like the scent, kahit mukhang panlalaki..." Nagkatinginan sila ni Chester. Hihiga na sana siya nang biglang bumangon si Alex pagkatapos ng ilang sandaling pagkakahiga. "Sandali..." sabi nitong dala pa rin ang kumot at lumapit sa kinaroroonan ni Chester na nakaupo pa rin sa sofa. "Kaamoy mo ang kumot ah!" Umiwas ng

