Toxic

4666 Words
Avich’s POV Matapos ang aming praktis ay nagkumpulan ang mga instrumentalist sa bagong member ng Musical worship team. Oo. Bagong member dahil dito na raw siya magsisimba samin according to kuya Marv. Hindi ko alam kung nagsimba ba siya sa ibang simbahan pero ang alam ko lang galing raw sa ibang bansa si Levi. Levi. Levi Hudson ang pangalan niya. Gosh, kahit ang pangalan nakakatindig balahibo! Naku, Avich maghunos dili ka bata ka! “Bro, can you play some more?” Sabi ng aming bassist na si Kuya Ariel. “Wow, naman Ariel marunong ka pala mag-english bro?” kantyaw ng aming Guitarist na si Kuya Franco. “Siyempre naman! Akala mo ikaw lang marunong?” “Haha tama na yan, boys. Ang mabuti pa iintroduce natin ang mga sarili natin.” Sabi ni Ate Kaira. Ang aming pinakabatang worship leader. Ang galing kasi niyang kumanta. Lahat ginaganahan pakinggan siya. Kahit ako. “Okay!” “Ah, Levi ako pala si Ariel. Nice to meet you pre” sabi niya at nagkamay sila. “Levi. Nice to meet you as well.” Shems, ang boses men! Ang husky and ang lalim pa! Naku makalaglag panty… “Franco men.” “Hello, ako si Kaira. Welcome to the team, Levi!” “Thanks” “Lance, Bro. You know the Lance in ML? That’s me!” “Naku, puro ka kalokohan, Lance.” “You play ML too?” tanong ni Levi. “Oo naman! Ikaw din no? Nakangiti ka eh. Naku, alam ko magkakasundo tayo brad” Pssh, ang boring kaya ng ML. Matapos ang kanilang kulitan ay pinatugtog nila si Levi. Ako naman nagpapanggap lang na nagce-cellphone pero ang totoo, nakikinig talaga ako sa kanila. Hindi naman masyadong malapit. Naghihitay kasi ako sa pagplay niya ng saxophone. Favorite instrument ko kasi ang saxophone kaya lang wala kaming pambayad ng tutor. Kaya ayon, hanggang sa panaginip ko nalang ako nagsa- saxophone. Tumugtog si Levi ng kantang ‘I Stand in Awe of You’ Unang note palang nagsitayuan na ang mga balahibo ko. Ang ganda ng pagplay niya. Hindi oa, hindi masyadong magara. Yung saktong-sakto lang pero sobrang gandang pakinggan. Para tuloy akong hinahaplos sa malamig na gabi.. Hayss.. Malapit nang matapos ang kanta nang tinawag kaming lahat para kumain na for dinner. Medyo nanghinayang ako pero marami pa namang bukas since mananatili na siya rito. Ang exciting! Vella's POV Kararating ko lang sa school at pumasok sa classroom. Nakita ko si Avich na walang binabasang novel at nakatulala lang sa kawalan. Bago yan ah.. Mostly, pag wala pang teacher nagbabasa lang yun ng novel o di kaya natutulog. Pero ngayon nakatulala. “Uy, Vich. Okay ka lang?” “H-Ha? Ah, oo bakit?” Umupo ako sa bakanteng upuan niya. “Tulala ka.” “Ha? Di naman.” “Sure ka jan?” “Oo nga!” iritadong sabi. Di ko na siya kinulit. Mukhang magagalit na eh. “Okay, chill. Relax.” Nag roll eyes siya dun. Katahimikan ang namagitan saming dalawa tapos bigla siyang nagsalita. “Vella, kasi ano..” “Ano?” Tumingin siya sakin ng may malaking ngiti. Wow, 360 degrees lang ang peg? Ang laki ng pinagbago ah. From sungit tapos masigla. Di ko talaga mabasa tong babaeng to kahit matagal na kaming magkaibigan nito. “Kasi, ano may bagong member kami sa worship team. Diyos ko, Vella ang gwapo! Alam mo yung tall, dark and handsome? Siya na ata ang tinutukoy sa mga novels na binabasa ko!” “Wow, may bagong pagsasawaan na naman.” Marami na kasing naging crush tong si Avich. Pero madali lang siyang nawawalan ng gana. Minsan pag nalaman niyang gusto rin siya ng gusto niya, na tuturn off siya. Sabi ng bruha nawawala daw yung thrill. Hay naku, sigurado akong mahihirapan tong makipagrelasyon sa opposite s*x nito. “Haha di no. I’m sure seryoso na ako this time. Iba kasi siya sa mga crush ko. He’s matured and hindi siya presko. Yung mga crush ko kasi parang mga bata. Tapos ang clingy pa! Kaya positive ako na siya na talaga!” Nagshrug ako don. “Sige ikaw bahala.” Maya - maya dumating na din si Ma’am. … Flip. Tiningnan ko si Avich na sobrang concentrate sa pagbabasa ng novel na hawak niya. Nakaupo sa harap ko. Buti naman di na siya tulala gaya kanina. Flip. Pero seriously, parang walang kasama tong babaeng to pag nakahawak ng libro! Flip. Nandito kami sa library naghihintay na magbukas ang school gate para makauwi na kami. Maaga kasi kaming pinauwi ng last subject teacher namin kaya kailangan naming maghintay hanggang sa oras ng buksan ang gate ng school. Gustuhin man naming makauwi ng maaga pero hindi pwede dahil kailagan naming sumunod sa polisiya ng paaralan. Masaya man ako kasi hindi ko mararanasan ang walang hanggang pagkabored ko sa last subject nayun, pero boring rin pala rito kasi wala akong kausap! Si Avich kasi tutok na tutok sa novel na yan. Natatakot pa kong magsalita dahil ayaw na ayaw niyang maistorbo sa pagbabasa. Hayss.. Kaya wala na akong magagawa kundi kumuha ng libro at magpretend na magbabasa. "Vich, gisingin mo ko pag-uwian na." sabi ko sabay pinatayo ang librong hawak ko para matakpan ang pagtulog ko. Bawal kasi matulog sa library. "Hmm" wala sa sariling sagot niya. Oh di ba? Bongga ng attitude ni gurl! Moments later, may naramdaman akong tumapik sa akin. "Vella, tayo na." Ah, si Avi pala. "Mmmhh" I stretched out my arms before ko niligpit ang libro na kinuha ko. Habang naglalakad kami papuntang school gate, kinuwento naman ni Avich sa akin ang nangyari sa librong binasa niya kanina. She looked animated as she spoke with gestures, making me pay more attention to her. Minsan ko lang kasi siya makitang ganito. After all, she wears a poker face most of the time. Hindi ko malaman kung anong iniisip niya. One moment tawa kami ng tawa, tapos bigla nalang siyang hindi namamansin! Hindi naman siya masama. May pagka moody lang talaga siya. "The heck! Kinilig talaga ako dun! haha" sabi niya after niyang inanimate yung kilig scene daw sa novel. Tumawa lang ako sa reaction niya. Alam ko naman ang sinasabi ng iba tungkol kay Avich. Na sobrang moody niya at minsan parang di mo makausap ng matino. Minsan snob din daw siya. Ilang beses na akong tinanong ng iba kong kaklase kung ba't kinaibigan ko siya eh ang pangit ng ugali niya. Sinabihan pa nga nila ako na wag ko na daw siyang kaibiganin pero hindi ako nakinig sa kanila. Hindi kasi nila nakikita ang nakikita ko kay Avich. They only look at the surface. Pero palagi kong nakikita si Avich. At nakita ko siya. Ang totoong siya. Nakikita ko na hindi lang siya poker. Na marami ring maganda sa kanya pero tinatago niya ito. Tinatago sa maskara ng pagpopoker face. "Natapos mo na ba yung novel?" "Di pa. Pero uy, I have to tell you a secret!" "Ano yun?" Lumapit siya sa akin nang konti bago nagsalita. "You see, pagod na kasi akong maghabol ng deadline sa borrow time ng library. So guess what I did?" she said with a mischievous twinkle in her eyes. Oo. Alam kong hindi pwede yun pero may Romance Novels ang library namin. O di ba? Bongga ng school namin! I gasped after hearing that. "Wag mong sabihin sa akin na ninakaw-" "Secretly borrowed! Yun ang term dun hindi stole! Ibabalik ko naman pag tapos na 'ko." sabi niya tas tinupi yung dalawang braso niya sideways, ang dalawang kamay niya was joined together flat behind her head. So para siyang nagrerelax sa hangin. Umiling nalang ako sa kanya. "Grabe." "Haha sikreto lang natin yun ah!" I didn't answer to that, at nagtanong lang ng ibang bagay. "Nga pala, paano yung choir praktis mo?" Napansin ko kasing ilang araw na siyang hindi pumupunta ron. Tsaka hindi na rin siya masyadong nagkukwento tungkol dun. "Nah. Pagod na'kong umuwi ng late. Kaya I quit." Grabe! Yun lang dahilan nito? Eh nung una gustung-gusto niya makasali! Pero dahil lang sa pagod na siya umuwi ng gabi eh, nagquit? Grabe. Di ko talaga alam kung paano umaandar ang utak ng babaeng 'to. "Eh pano si Ate Hannah mo?" sabi ko sa kanya ng pabiro. Crush niya kasi yun. O di ba? Kababaeng tao eh may crush sa kapwa babae? Kakaiba mag-isip tong babaeng to talaga. She made a face. "I lost interest after I imagined me and her kissing that one time I wasn't able to control my heart's desire." "Why? Di ba dapat kabaligtaran? Di ba dapat mas lalo kang gaganahan sa kan-" "Kadiri kasi." she interrupted with a sour face. "haha Bilis mo talagang mawalan ng interest sa mga crush mo." "Not my anime men though. Plus, guess what?” “Ano?” “Ay nasabi ko na pala sayo. Yung bagong member namin.” “Ah.. nga pala anong plano mo? Paiibigin mo ba?” Base kasi sa kung pano mag-isip si Avich, maaari niya talagang gawin ang bagay na yan. “Ha? Ano, wala naman akong plano.” “Ganun? Kala ko may pasabog kang gagawin eh. Haha” “Anong pasabog ka jan.. Ewan ko sayo. Tara na nga makauwi.” sabi niya at lumakad na. Pssh, ang dali mairita nito.. Sumunod naman ako sa kanya. “Avich, hintay!” Avich’s POV “Anong pasabog ka jan.. Ewan ko sayo. Tara na nga makauwi.” sabi ko at naunang lumakad iniwan si Vella. Kung ano ano kasing pinagsasabi. Kesyo sinabi ko sa kanya na seseryosohin ko si Kuya Levi dapat ba may gawin ako? Di ba pwedeng tumingin lang? “Avich, hintay!” ika ni Vella. Kinuwento ko kasi sa kanya ang tungkol kay Kuya Levi habang naglalakad kami patungong gate pauwi. Medyo excited ang bata niyo lalo’t Wednesday ngayon. Bible study naming mga youth. Excited kasi baka.. andun siya. Si Levi. Ahihi. Pero siyempre di tayo pahalata no. Kala niyo sakin cheap? Sa totoo lang he’s older than me. He’s already 28 years old. Mga kaedad lang talaga nina Ate Kai at nila Kuya Ariel. Pero sa isip ko hindi ko siya matawag na kuya. Haha “Avich!” tawag ng isang pamilyar na boses kaya napalingon kaming dalawa ni Vella. Nakita namin si Ate Hannah tumatakbo patungo samin. “Ate Hannah?” “Avich, buti naabutan kita. Gusto ko lang tanungin ka kung bakit di ka na pumupunta sa praktis. May problema ba?” sabi ni Ate na hinihingal. Napatingin ako kay Vella na natingin din sakin. Ay, pano ba to? Akala ko naman hahayaan lang nila ako. Wala din namang kumontak sakin sa tatlong araw na di na ako nagpraktis kaya akala ko okay na. Eh bakit andito ka Ate Hannah? Naku, ano bang sasabihin ko? Na napagod na ako kaya naisipan kong magquit? Feeling ko ang sama-sama ko naman. “Ah, wala naman te. Ano kasi, ang hirap na kasi umuwi sa gabi. Alam mo naman minsan natatagalan tayo ng praktis. Di na kaya ng powers ko.” “Ganun ba? So ibig sabihin di ka na talaga babalik sa team?” Napayuko ako. “Ganun na nga, te. But dont worry, I’ll be cheering you among the crowds. Magkikita pa naman tayo.” Nagsad face si Ate. “Di na ba talaga magbabago isip mo? Sayang kaya ang talent mo. Kahit si Jel, tinatanong kung babalik ka pa ba.” Huh, that’s new. Mostly sa mga taong kakilala ko wala namang paki sakin.. “Ganun ba te? Okay lang yan te. Nagagamit ko pa rin naman sa simbahan ang talent ko. Pakisabi rin kay kuya Jel salamat sa concern. Mamimiss ko kayo sa chorale.” “Simbahan? Bakit, ano bang religion mo?” “Ahm, born again daw. Yun ang tawag samin.” “Ah, I see. Parang kakilala ko lang. Haha Anyways, kung yan ang sagot mo di naman kita mapipilit. Sige yun lang talaga pinunta ko rito. Mag-ingat kayo ng kaibigan mo ah, Vich” “Opo, see you around, ate Han!” Umalis na si Ate Han pagkatapos nun. “Mukhang malungkot ata siya.” Nagkibit balikat ako. “Ganun talaga ang buhay. Haha” “Di ka man lang ba kinilig jan sa pagpunta niya sayo?” “Ha? Medyo. Ewan. Parang tanga naman ang puso ko. Minsan gusto ko si ate. Minsan hindi. Ewan! Tayo na nga.” Lumakad na kaming dalawa ni Vella para makauwi na. Dumiretso ako sa simbahan. Sa totoo lang di naman ako active sa church. Lalo na sa mga Bible study. Minsan lang pag gusto ko. Pero ngayon, ewan ko ba nagustuhan ko atang pumunta sa church ngayon. Haha baka umiiwas lang din ako sa gawaing bahay. Bahala nga kayo jan. Nang dumating ako, medyo marami na sila. Hindi naman ganun ka rami. Mga less than 10. Di naman talaga marami ang dumadalo sa bible study. Nag-uusap usap lang sila pagkarating ko kaya tahimik akong kumuha ng mauupuan. Nang makaupo ako, tiningnan ko ang paligid kung andito ba siya. Saktong pagtingin ko nagtama ang mga mata namin. Ayan na naman ang puso ko! Nag-iwas agad ako ng tingin at kinuha ang phone ko. Shems, ang tingin mga besh! Ayan, hanap pa Avich. “O, andito na pala si Avich o. Ang tahimik talaga nito pumasok. Tapos pag-uwi ang tahimik din. Parang hangin lang ano?” Biglang sabi ni Kuya Marv na sinang ayunan ng iba. Pssh. Naging sentro pa ko ng usapan. “Ahaha, hello po sa inyo.” tanging sabi ko lang. Biglang dumating si Francine kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast may isa akong kaclose rito. Si Francine mas bata siya sakin. Isa siyang tambourine dancer at sobrang galing sumayaw! Bilib na bilib ako sa kanya pag sumasayaw dahil sobrang graceful niya at sobrang ganda niya tingnan. Lalo na sa contemporary dance. Binati ng lahat si Francine pagkatapos ay nagsalita na si kuya. "Hello guys! Before we start, I want to announce something to you." “Hi ate Vich!” “Hi Francine! Buti pumunta ka. Lika tabi tayo.” Umupo si Francine sa tabi ko at nakinig na kami kay Kuya Marv. "Ano yun, Kuya?" katanungan ng karamihan samin. "Si Levi, willing siyang magteach ng saxophone. Free lang walang bayad! So kung sinong interested, you can come this Sunday at 1pm. He'll be teaching you for an hour only. Kaya maaari pa kayong gumala pagkatapos." Tumawa naman yung mga kasama ko sa huling sinabi ni Kuya Rem. Wait, legit? Magtuturo siya ng free?? Di nga?! "Talaga kuya Vi?!" excited the sabi ni Francine kay Levi na nasa tabi ni Kuya Rem. "Eh, makaka-commit ka naman ba ha Francine?" pabirong tanong ni kuya Ariel. "Anung tanong yan, kuya?" sagot ni Francine sabay simangot. "Ano yun magtatambourine ka ba habang magsasaxophone?" Sabi naman ni Van. Kasapi namin sa youth. Pssh, ang hilig talaga nila kulitin si Francine. haha "Wag niyo nga gambalain si Francine. Pwede naman siya magtambourine sa Sunday then sax sa next!" Nagtongue out naman si Francine kay Kuya Ariel. "Besides, hindi naman siya agad-agad makakapagplay. It takes a lot of practice in order to be able to play sax. So if gusto niyo, dapat seryoso kayo. Wag niyo subok-subokan lang." "Oo nga! Parang pag-ibig lang yan! Na-" "Ayan na naman si Van! Tigilan niyo yan kasi humuhugot na naman." Muli nanaman silang nagtawanan. Pero ako tahimik lang na nag-iisip. Sasali kaya ako? P-Pero wag nalang. Baka di ako makakilos pag nasa malapit si Levi. Baka ipahiya ko lang sarili ko. Mahirap na. But then Saturday comes and… Before the start of the practice: "Levi? Totoo bang magtuturo ka raw ng sax ng libre iho?" Tanong ni Mama kay Levi di kalayuan sakin kaya bigla akong kinabahan. Di kaya… "Yes po." ani Levi na pagkagwapo -gwapo habang nagse-set up ng sax. 'Wag! Mama please! Wag mong sabihin! Kaluy- an mong kalag sa anak mo!' (Tagalog translation : Kaawaan mo ang kaluluwa ng anak mo!) "Naku! Praise God naman!" tapos tinawag niya ako. "Avich, di ba matagal mo na gustong matuto magsax?" 'Oo. Pero hindi ko sinabing si crush ang teacher ko!' Alam ko naman chance ko na to, to get close to him. After all, hindi ko siya nakakausap. Nahihiya kasi ako. Pero ayaw talaga! Mas gugustuhin ko pang magsax sa panaginip kesa magpaturo kay Levi! Naramdaman kong tumingin sa akin si crush kaya nag- increase naman ang heartbeat ko. Nakikita ko kasi siya sa peripheral view ko. "Oo. Pero back up singer ako, Ma. Hindi ko plano maging saxophonist." "Wala naman silang sinabing magiging ganun ka, Iha. Pero matagal mo nang pangarap to, di ba? Na matuto magsax. Kaya dapat sumali ka. Wag mong sayangin ang pagkakataon!" Tumingin si Mama uli kay Levi at sinabing. "Kelan ka ba magsisimula, Iho?" "This Sunday po Tita. 1pm." "Oh! Tamang-tama at Linggo pala! Pasalihin mo yang anak ko ha Levi, Iho. Matagal na niya kasi gustong mag-sax. Kaso hindi kami maka afford ng Tutor. Pero buti at…." Kailangan ba talagang ipagsabi yung pagkapoorita natin ma? Seriously. Dada ng dada si Mama pero hindi ko nalang sila pinansin na dalawa. Nagbibisi-bisihan nalang ako sa phone ko. Kunyari nagpapraktis sa pagkanta kahit tapos ko nang kabisaduhin ang mga kanta for today's practice. Maya-maya.. "Nice voice, Avich." rinig kong sabi ni Levi. Nakalimutan ko magkalapit lang pala kaming dalawa. "H-Ha?" ani ko at tumingin-tingin sa paligid. Nasaan ba si Mama ? Iniwan ba naman ako mag-isa sa leon na to? "Thanks." ani ko at ngumiti ng hilaw. Ngumiti naman siya sa akin at nagsimula nang magplay. Tumugtog siya ng kantang For You Alone. Hay grabe… ang galing niya talaga! Di ko tuloy mapigilang tingnan siya at pakinggan ang musika. Tapos bigla pa siyang napapikit. Mas lalo tuloy siyang gumwapo! Maya-maya pa ay natapos na ang musika pero nanatili pa rin akong nakatingin kay Lev este! Sa pagplay pala niya nang violin. Bigla naman siyang tumawa ng mahina at sinabing, "Any request?" Bigla akong natauhan doon. Gosh! Nakatingin nga pala ako sa kanya. Sana hindi tumulo ang laway ko! "Uh… request?" ani ko at nagpanggap na nag-iisip. Pero sa totoo lang, sobrang lakas ng t***k ng puso ko! "Uhmm.. Imagine Me Without You?" Shocks.. ba't parang sinasabi ko sa kanya yun mismo? "By Jaci Velasquez, right?" "Yes! Alam mo? Nice nice!" excited na sabi ko. Sa totoo lang kasi, favorite ko tong kantang to simula nang narinig ko ito. "Narinig ko lang. But let me try." aniya at nagsimula nang tumugtog. Nang mag-intro siya, sobrang kuha niya ang melody ng kanta. Char, narinig palang niya yan ha? How much more if prinaktis talaga niya yan? Pagkatapos naman ng intro, sinabayan ko ang pagtugtog niya at kumanta. As long as star shine down from heaven And the rivers run into the sea Till the end of time forever You're the only love I need In my life You're all that matters In my eyes the only truth I see When my hopes and dreams have shattered You're the one that's there for me When I found You I was blessed and I will never leave You, I need You Imagine me without You I'd be lost and so confused I wouldn't last a day I'd be afraid without You there to see me through Imagine me without you Lord, You know it's just impossible Because of You It's so brand new My life is now worthwhile I can't imagine me Without You Tutuloy pa sana si Kuya pero inanounce na ng worship leader namin na magsa-start na ang praktis kaya hindi na natuloy. Medyo nanghinayang naman ako ron. Moment na kaya namin yun! But praktis is praktis kaya I focused myself on singing the songs together with the others. Kaya lang, bakit parang nahihiya naman akong magtaas ng mga kamay at sumayaw-sayaw? Ilang beses na rin to ah. Di kaya… dahil nandito si Levi? Nahihiya ba akong magworship dahil sa kanya? Noon naman walang problema sakin ang pagtaas ng kamay at pagwagayway. Samahan ko pa ng sayaw. Pero ngayon, medyo nahihiya yata ako. Ano bayan! … Lunes na naman at ibig sabihin nun, klase na naman. Hayss.. Dagdagan mo pa ng Vella na to. Tiningnan ko si Vella ng masama habang tawa naman siya ng tawa kasama sina Flora. Okay fine! Edi kayo na ang magkaibigan. Letche kayo. Ilang beses na kasi siyang nakikipagkulitan nina Flora kasama yung mga kaibigan niya. Kaya yun, di na ako masyadong pinapansin ni Vella. Hmmp, magsama kayo. Finocus ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro ko. Mabuti pa to sila pinapakilig ako. Hmmp! Maya-maya, narinig kong tinawag ako ni Vella. "Avich!" Lilingon na sana ako nang naalala kong galit pala ako sa kanya. Nagkunwari agad akong walang narinig at patuloy lang sa pagbabasa ng novel na hawak ko. "Avich!" Alam ko naman na ang childish ko pero bahala siya. Siya kaya tong unang nang-indyan. Flip. "Avich!" Read. The next thing she did was shout my name in my ear. Nairita ako sa ginawa niya kaya nilingon ko siya. “Ano?" Ngumiwi naman siya tapos umupo sa tabi ko. Absent kasi si Leon kaya bakante ang upuan niya. Mas lalo nga akong nairita dahil dun. Mostly kasi, pag wala akong katabi, uupo dun si Vella tapos mag-uusap kami. Pero imbes na umupo sa tabi ko, nandun kina Flora nakipagchismisan! Hmmp! "Sorry. Di ka kasi lumingon nung tinatawag kita." I turned my head towards the novel at nagkunwaring nagbabasa ulit. Pero ang totoo, hinihintay ko lang siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. Hindi naman ako binigo ni Vella at nagsalita ulit instead na ma-offend sa attitude ko. Kaibigan ko nga talaga siya since she faced my attitude head on instead of cowering. "Wala raw tayong klase sa last subject." "Oh? Mabuti." sabi ko sabay flip ng page. Party yey! Maagang makakauwi. Magbabasa ng novel for the rest of the day! Pero of course di ko pinakita na excited ako. "Sabi nina Flora laro daw tayo mamaya” excited na sabi niya. Flora na naman. Umalis ka kanina para makipag-usap kina Flora tapos ngayon sina Flora na naman ang gusto mong kasama mamaya? "Kayo nalang. Dun lang ako sa library.” Dun naman talaga kami nags-stambay pag vacant. Kaya lang nabago lahat dahil kina Flora. Pssh. "Ayaw! Dapat kasama ka!" Edi piliin mo ko! Wag si Flora! But I'm not that selfish. So I decided to relent. After all, minsan lang manghingi si Vella sakin ng favor. "Fine. Pero hindi ako maglalaro.” "Yey!" she said excitedly. I only shook my head mentally. 'Parang bata.' "Sige! Iwan muna kita jan sa novel mo. Dun muna ko kina Flora." sabi niya tas umalis na. Arghhh!! Vella, you insensitive idiot! Mamaya pa kayo maglalaro! Ba't babalik ka na naman dun?! After class.. Pumunta na kami sa school grounds where in may Oval for runners and grandstand for big programs. We climbed the stairs towards the grandstand para ilagay ang mga gamit namin at para dun ako magbasa ng novel since maglalaro sina Vella. Inaya ulit ako ni Vella maglaro nagbabakasakali sigurong magbago yung isip ko pero no. I stick to my word. Nakisabay naman sina Flora sa pag-aya sakin pero halata namang fake yung pag-aya nila. "Kayo nalang." wala sa mood na sagot ko sabay pakita sa kanila ng novel na binabasa ko kanina sa room, tapos umupo na ko para magbasa. Vella's POV Currently, nasa grandstand kami Ng school nilalagay ang mga gamit namin doon. Maglalaro kasi kami together with Flora and the others. Exciting! Gusto ko sana sumali si Avich sa amin pero hindi naman pumayag ang bruha nung tinanong ko siya kanina sa classroom. Ani niya magbabasa lang raw siya ng novel. Inaya ko siya ulit bago kami pumanaog para maglaro. Malay mo di' ba? Baka pumayag siya this time. Inaya rin siya nina Flora. "Kayo nalang." sagot ng bruha sabay pakita ng novel samin tapos umupo na para basahin ang librong hawak niya. Well, that's Avich I guess. Pag sinabi niyang ayaw niya, ayaw talaga niya at walang makakapagbabagi ng isip niya. Oh well! "Haha sige! Alis na kami, Vich.” Nakita ko siyang tumango sabay patuloy na magbasa. "Tara na guys." sabi ko sabay punta sa stairs ulit para maglaro na kami sa ground. Ramdam kong parang may gustong sabihin si Flora sakin sa inasal ni Avich pero dahil malapit pa kami kay Avich, hindi na muna siya nagsalita. Pag medyo malayo na kami, dun ko nalamang tama ako dahil nagkomento nga si Flora sa inasal ni Avich. "Kita mo, Vella? Napakarude ni Avich! Ewan ko ba kung bakit kinaibigan mo pa yan. Iwan mo na! Nandito naman kami, eh" Char. Ang perfect niyo naman ata? "Haha Matagal ko nang kaibigan si Avich. Sanay na'ko sa kanya." "Pssh. Thank God, hindi ka pa nabaliw or naging katulad niya." sabi ni Ella. "Seriously. Di man lang nagsalita! Would it hurt her na magsabi ng 'Kayo nalang. I gotta read my book!' Tsk. Napakaself-entitled naman ata niya." sabi ni Diva. I closed my eyes para pigilan ang galit ko sa naririnig ko sa mga bibig nila. Sa totoo lang, isang linggo na rin nang sumasama sila sakin. Samin ni Avich. Pero wala akong ibang narinig sa kanila kundi pagtsismisan ang matalik kong kaibigan kapag nakatalikod siya. Syempre pinagtatanggol ko si Avich. Mahinahon lang naman dahil ayokong mag-away kamj. Masaya din naman silang kasama. Ang kaso nga lang, pag wala si Avich, siya yung palaging pulutan sa usapan namin. Usapan kung bakit napakarude ni Avich, o napaka-snob or intimidating. Or napaka self entitled and the like. Mga tao talaga. May nakita lang na kakaiba, negative agad? Bakit? Nagnakaw ba si Avich ng bangko? Nangrape ng bata? Pumatay ng tao? Hindi naman ah! Moody lang siya. "Hays.. If I were you Vel, hindi ko na siya kakaibiganin." But I'm not you so you can shut up. "Guys, ayoko talagang magalit sa inyo so uunahan ko na kayo. Hindi ko gusto ang pagsasalita niyo ng masama kay Avich. Matagal ko na siyang kaibigan at wala ng magbabago doon. Kaya wag niyo kong sabihan na wag na siyang kaibiganin dahil hindi ko gagawin yan. So kung gusto niyo pa akong maging kaibigan, respetuhin niyo sana ang desisyon ko at wag niyo akong diktahan. Baka nakakalimutan niyong may utak din ako?" I told them with a smile because smiling helps decrease feelings of anger. Buti at nagsorry naman sila pagkatapos. "Okay lang. Ngayong okay na tayong lahat, maglaro na tayo at wag nang mag-aksaya ng oras!" "Okay!" sabay nilang sabi. Avich's POV Nang umalis sina Vella, lingid sa kaalaman nila na tinitingnan ko lang pala sila. Nakaramdam ako ng sobrang pagkagalit nang makita kong ang saya-saya ni Vella. Nung kasama ko siya never ko siyang nakitang ganyan kasaya. Tumatawa ng malakas. Nag-eenjoy… Insensitive idiot! Nang hindi ko nakayanan bigla kong naisip na gantihan si Vella. I decided to think of a way to hurt her. Gusto ko siyang saktan para lang i- avenge ang sarili kong nasasaktan dahil sa pagpili niya sa mga bagong salta sa grupo namin over me. Habang nag-iisip ako kung pano siya saktan, naalala ko yung bagong bili niyang pulbo. Pawisin kasi siya that's why she needs to apply powder in her face and on her neck, her front and back upper body. Dali-dali ko hinalungkat ang bag niya at madali lang nahanap ang pulbo. I smirked and then opened the seal. After that, binuhos ko yung laman sa floor na kinatatayuan ko. I was enjoying what I was doing since para akong nagdidilig ng halaman. Buhos ako ng buhos at parang nakaramdam ako ng tagumpay sa ginawa ko. When I had enough, halos ubos na lahat ng laman nito. I think nasa ¼ nalang ata ang laman. Dali-dali kong nilagay ang pulbo niya sa loob ng bag niya. "Avich?" Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Lumingon ako at nakita ko si Vella na nakakunot ang noo nakatingin sa puting powder na nakakalat sa floor. “V-Vella..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD