Avich’s POV
"Uie Avich, anong tinutulala-tulala mo jan? Iniisip mo si Kuya Levi no? Yan kasi hinindian pa tapos iisipin naman pala." ani bigla ni Grail sa tabi ko.
"Ano? Huy babae ka anong akusa yan ha?"
"Eh hindi ba talaga siya ang iniisip mo? Bawal magsinungaling sabi ni Lord!"
Umirap lang ako sa kanya ron pero hindi nagsalita.
"O di ba? Wala kang masabi dahil tama ako?"
"Tsk tigilan mo nga ako. Sabihin mo nalang dun sa mga kaklase natin na may script na tayo tapos sabihin mo sa kanila ang schedule ng ating praktis. Sinulat ko na lahat dito o." Binigay ko sa kanya ang script at sched na pinaghirapan kong gawin. Ayaw ko sanang maging leader sa aming gagawing filming for the whole class pero dahil walang nagvolunteer, ako na lamang ang tumayong leader nila. Ayoko kasing mag aksaya pa ng oras.
"O? Ang bilis ah. Iba talaga ang mga genius!"
"Pssh umalis ka na nga."
"Ahaha sige. "sabi niya tas tumayo na.
Wala pa kasing professor na dumating kaya we have to take this opportunity para magmeeting about sa kung saan kami magfi-film. Napag usapan na kasi namin kung anong klaseng filming ang gagawin namin.
"Attention everyone!! I have an announcement to make. So makinig kayong lahat…"
Sinabi ni Grail sa kanila ang mga detalye kung saan kami magfi-film at kung anong oras kami magfi-film. Napag-usapan namin na every after class ang time namin sa filming starting the next day. Ang kaso nga lang walang marunong magvideo sa amin. Or baka meron naman, hindi ko lang alam.
"Agree ba kayo?" Tanong ni Grail pagkatapos niyang mag-announce.
"Yes!!"
"Pero ang problema natin ngayon, Wala tayong camera or camera man." Ika ng isa naming kasamahan.
"Wag kayong mag-alala, nagvolunteer yung filming club. Kailangan din kasi nila ng video para sa project nila. Timing talaga na may project tayong filming."
Wow. Ngayon ko lang narinig yan ah. Wala yatang sinasabi sa akin tong babae na to?
"Ayos yan Grail!"
"Oo nga!"
"Ay, makikita ko si Ian! Crush ko yun eh."
"Ay girl, akin lang yun!"
Talak ng mga kababaihan sa klase namin. Hearthrob kasi sa school namin ang president ng filming club. Kaya ayan daming kinikilig at excited na magfilm.
"Swerte natin ha. Si hearthrob pa talaga ang nagvolunteer!"
"Oo nga eh."
"Then, kung okay na lahat tayo'y magsipag sa pagfifilm okay?"
"Okay!!"
At ayun at natapos na ang aming meeting. Saktong pagtapos ay dumating na ang aming guro.
..
Pagkatapos ng aming klase ay naglakad kaming tatlo nina Grail at Rein patungong labasan.
"Uy girl, wala na ba talaga kayong pag-asa ni Kuya Levi mo? Eh kung bawiin mo nalang kaya ang sinabi mo?"
"Oo nga bakla! Sayang naman kung pakakawalan mo si Papa Lev ng ganun nalang. Sige ka, baka may bruhilda pang dumating at agawin pa yun."
"Hay naku, ni reject ko na nga di ba? Ang kapal naman ng mukha ko kung makikipag-usap pa ko sa kanya."
"Eh bakit mo ba kasi nireject ha babae ka?"
"Eh kasi.."
"Eh kasi?"
"Teka, umupo muna tayo."
"Sig- hey wait, si kuya Levi ba yan?!" Biglang bulalas ni Grail nakatingin sa isang dako.
"Ohmeghed! He is hereee!!"
Gustuhin ko mang lumingon pero inisip kong baka pinaprank lang nila ako.
"Hay naku guys. Tigilan niyo ko ah. Kung ayaw niyong makinig edi aalis nalang ako."
"OMG babae ka! Papalapit na siya rito."
Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, narinig kong may tumawag ng pangalan ko.
"Avich."
Napalingon ako ng mabilis at totoo ngang si Levi pala talaga ito.
Bigla namang lumukso ang puso ko sa aking nakikita.
P-Pero bakit? Di ba ni reject na kita??
"Kuya Lev, a-andito ka. M-May kailangan ka ba?"
"Halika na, Grail. Bigyan mo sila ng privacy."
"Ay oo nga. Wait," lumapit muna si Grail sa akin tapos bumulong. "Ayan ng chance mo gurl. Pag hinindian mo pa yan. Talagang mawawala na yan sayo. Sige bye!! Mauna na kami sa inyo kuya."
Ano?! Mga traydor! Iniwan ba naman ako?
Tumango si Levi sa kanila. "Thanks."
Inisip kong tumakbo sa ibang direksyon pero naisip ko na ang childish naman nun. Kaya nanatili akong nakatayo hanggang sa harapin ako ng lalaking nasa harapan ko. Sobrang lakas na ng t***k ng puso ko na parang hindi na ako makahinga kaya huminga na muna ako ng malalim na hindi nahahalata ng kahit na sino.
"Avich, I know I told you yesterday that I will respect your decision. But-"
But??
"But I realized, wala pa naman tayong nasisimulan so how about we try?"
Try?
"Regardless of what you told me, about you losing the thrill after knowing I also like you-"
Gosh, sinabi niya! Sinabi niyang gusto niya ko! Nananaginip ba ko ng gising??
"That doesn't mean you don't like me anymore right? Because somehow of all the man you can like, you picked me. So napag-isip isip ko, maybe if we try then maybe we can work it out?"
Napanga-nga naman ako sa sinabi niya. Wow, ang ganda niya talaga pakinggan mag english.
"Uh, Avich??"
"Ha? Ah.. Ahm.." ano bang sasabihin ko?? Di ba ito na yung pinakahihintay ko?
"Kuya, hindi ka man lang ba nasaktan sa ginawa ko? Ni reject kita ng ganun na lang tapos magte take a risk ka sa babaeng tulad ko? What if paglaruan lang kita?"
Napakunot ang noo ni kuya ron. "I'll get to that kung sakaling darating yan. But for the mean time, I need a straight answer from you, Avich. Do you like me as a man or not?"
"Awieehh, lumalablayp na pala tong director natin eh!"
"Oo nga eh! In fairness ah ang gwapo ni kuya."
Napalingon ako ng mabilis sa mga nagsalita. Turns out mga kaklase ko pala sila.
"Avich." Tawag ni kuya sa akin kaya lumingon ako sa kanya.
Teka lang kuya! Nag-iisip pa eh!
"Mag yes ka na, Director! Sayang yan kung mawawala pa sayo."
"Oo nga. Kung ako yan hahalikan ko na yan. Haha"
"I agree!"
Biglang inabot ni Levi ang kamay ko roon. " Teka kuya-"
"Let's talk somewhere else." Sabi niya at tumungo kami sa kung saan nakapark ang motor niya.
Wala akong nagawa kundi tingnan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Pagkarating namin ron, binitawan niya ako at sumakay sa motor niya.
"Here. Wear this." Ani niya inaabot sa akin ang spare helmet niya.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ayokong sumama pero ayoko nang saktan pa siya. Kinuha ko ang helmet niya at sumakay sa motor.
Bahala na si Lord sa akin..
....
Pumasok kami sa isang restaurant dahil magagabi na rin kasi. Kaya sabi ni kuya magdinner na din kami habang nag-uusap.
"How do you like this place? This is the first restaurant I went to nung bata pa ako. Dito kami nag geget together ng family ko." Sabi niya na may ngiti sa labi.
Currently, nakaupo kami sa private area ng restaurant. Mukhang ayaw talaga niyang maistorbo kami. Kinakabahan tuloy ako.
"Ah, ganun ba? Maganda yung place of course. Pero feeling ko naman ang mahal rito."
Tumawa siya ng mahina. "Indeed. But I like what they serve here. It's worth the price."
"Mm." Sabi ko at patango-tango. "Iba na talaga ang mga mayaman.
Ngumiti lang siya sa akin. "I'm not rich. May pera lang."
Natawa ako sa sinabi niya. "Pareho lang yun."
"Haha pili ka na." Sabi niya sa akin at kinuha yung menu niya na nasa tapat niya kaya kinuha ko na rin ang akin.
Tahimik kaming pumili ng aming kakainin. Habang pumipili ako, di ko mapigilang mapangiwi.
Gash, ang mahal pala talaga! Restaurant nga naman..
"Nakapili ka na ba?" Tanong ni kuya matapos ang ilang minuto.
"Ha? Ah, ewan ko kung ano pipiliin ko eh."
"Bakit, ayaw mo ba ng mga pagkain nila?"
"Ha? Eh hindi naman sa ganun. Ahm.."
"Ano ba gusto mong pagkain? I can recommend you some dishes."
"Ah.. kunan mo nalang ako ng pareho sayo, kuya. Matagalan pa tayo eh."
"You sure? I can wait."
"Di na. Di ko din naman alam kung alin dito ang masarap eh. Ikaw na pumili."
"Alright."
Tinawag ni kuya yung waiter tapos sinabi rito ang aming order. "Any drink you would like to have?"
"May pineapple juice ba? Haha"
" Pineapple mocktail for her. I would like to have the lemon one."
"Alright sir. Will be right back for your order."
"Thank you." At umalis na nga yung waiter.
"Mocktail? Ano yun, kuya?"
"It's a non alcoholic drink."
"Ah, may ganun pala?"
"Are you hungry?"
"Ha? Ah, hindi pa naman."
"I see. So while waiting, can you tell me your answer to my question earlier?" Sabi niya while looking into my eyes.
I can't help but look away at that.
Napakastraightforward naman neto! Di pa nga ako nakakahinga ng maluwag eh. Pwede huminga muna ako?
"Avich,"
"Uh kasi kuya.." sabi ko at hindi nakapagsalita ng ilang sandali.
Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko eh. Lahat ng insecurities ko andyan na naman. Hindi ako maganda, bakit ako pinili? Hindi rin ako mayaman, kaya bakit ako? Tapos ang inmature ko pa. Bakit pipili siya ng taong immature na kagaya ko? Hindi ako perpektong tao. Kaya bakit ako?? Isa pa yung insecurities ko sa katawan ko..
Habang isip ako ng isip biglang bumuntong hininga si Levi tapos nagsalita. "I'm sorry, Avich. I must have been hard on you. You don't need to answer that if you can't. Let's just eat and then go home okay? Don't force yourself."
Napatingin ako sa kanya ron. Ngumiti siya sa akin giving me an assurance that it's okay.
Naman eh, bakit ba kasi ayaw gumalaw ng dila ko??
Tahimik kami hanggang sa dumating ang order namin. Hanggang sa pag-uwi ay tahimik pa rin kami.
"Una na ako, Avich." Aniya at pinapaandar na ang motor niya.
Avich, hindi ka pa rin ba magsasalita?! Paalis na siya o.
"I-ingat ka sa daan, kuya." Avich, talaga baaa???
"Mm. Have a blessed night." Ani niya at umalis na nga.
Nang makaalis na siya, napa upo na lamang ako sa kinatatayuan ko. "Avich namaaan ano yun??"
Pumasok na lamang ako sa bahay dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Mama. "Si Levi ba yun? Ba't di mo pinatuloy?"
"Pagod na siya, Ma. Pagpahingahin
mo na. Sige ma, tulog na rin ako."
"Sige."
Ayun at sinubsob ko na ang mukha ko sa unan.
Saklap naman o!
...
"O, ba't ang laki ng eye bags mo? Hindi pa rin ba kayo okay ni kuya mo? Anong kaartehan ba yan ha babae?"
"Leave me alone." Sabi ko kay Grail.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip sa kanya. Bakit ko ba kasi siya pinahihirapan? Gustong-gusto ko nga siya pero ako naman tong ayaw. Labo ko talaga. Tapos sinundo pa niya ako kaninang umaga. Nakakahiya nga eh dahil ang laki ng eyebags ko tapos siya ang gwapo-gwapo pa din niya!
Buti naman at hindi siya nawalan ng tulog dahil sa ginawa ko. Kung ganun ang nangyari mas lalo lang akong magi guilty. Pero teka, ano ba kasi yung ginagawa niya? Wala naman akong sagot ah? Kaya bakit ba niya ako hinahatid sundo?
"Leave me alone' ka jan. Ano ba kasing nangyari kahapon ha?"
"Yeah, spill the beans bakla."
"Wala. Tinanong niya lang ako kung gusto ko ba siya o hindi. Eh wala akong masagot."
"Ano? Ba't wala kang sagot?? Eh kung makakwento ka sa akin regarding kay kuya Levi, eh abot ng langit yang mga ngiti mo!"
"Avich, hindi naman sa masama ka ha pero hindi ba parang pinapahirapan mo si Kuya sa ginagawa mo? At pinapahirapan mo din ang sarili mo. Masokista ka ba ha?"
"Pssh, hindi ah."
"Uy, director. Parang wala ata tayong teacher sa last subject nato. Magfilming na kaya tayo?"
"Tama tama."
Ay naku. Excited lang ata kayong makita si Ian eh.
"Sige na direk."
"Tigilan niyo ko sa kadidirek niyo ah. Grail, okay lang ba sa mga taga film club kung magsimula na tayo sa oras na to? Baka may klase pa sila eh."
"Teka. Chat ko si Ian."
"May number ka ni Ian, Grail?? Pahingi ako!!"
"Ako rin!!
"Me too!"
Pssh mga babae nato. Kung makasigaw naman parang magugunaw na ang mundo pag hindi nila nakuha ang number ni Ian.
"Syempre meron ako. Kababata ko kaya yun."
"Talaga??"
Yeah. Kababata sila. Kaya madali lang nilang nalalaman ang ganap ng isa't-isa. Papayag kaya basta basta si Ian sa kahit sino lang? Of course dun siya sa matalik niyang kaibigan.
Pero ang tanong, magkaibigan lang ba talaga sila? Iba kasi makatitig si Ian kay Grail. Si Grail naman, parang extra energetic pag andyan si Ian. O di ba? Kayo na humusga. Haha
.....
"Avich." rinig kong tawag ni papa ko na medyo lasing.
Kakarating ko lang sa bahay kasama si Lev dahil sinundo na naman niya ako at hinatid pauwi. Even though medyo late na kaming natapos sa filming, hinintay niya pa rin ako. Hindi rin siya nagstay kaya ako lang mag-isa sa bahay. Wala pa kasi si Mama.
Tumayo ako ng mabilis habang kumakabog ang puso ko.
"Ho?"
"Andito ka na pala. Nagsaing ka na ba?"
"Ah, magsasaing palang po. Kararating ko lang kasi." sabi ko sa kanya.
Hindi naman sa nananakit si Papa pag lasing siya. Kaya lang, medyo nakakaramdam lang talaga ako ng takot pag ganun siya. Ewan ko ba kung bakit.
"Avich, kunin mo to. Pambili ng kahit anong gusto mo." ani niya at dali ko naman siyang pinuntahan.
Inabot niya sakin ang 300 pesos at bigla akong niyakap. Mas bigla namang tumibok ang puso ko dahil dun.
Pero…
Pat.
Pat.
Pat.
"_"
Pagpat niya sa likod ko habang yakap ako. "P-Papa?"
"Avich, pasensya ka na nak ha. Kung minsan walang kwenta si Tatay. Di ka man lang masuportahan sa skwela, kayo ng nanay mo. Eh pano ang liit lang ng sahod na nakukuha ko dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pero buti nalang at binigyan ka ng Diyos ng lalaking katulad ni Levi. At least maaalagaan ka niya ng maayos kahit wala na ako." ani niya na nakapag sorpresa sakin.
"P-Pa?" ani ko pero hilik nalang ang narinig ko. Nakatulog na pala siya.
I put him down at kumuha ng unan at kumot. Hindi ko kasi siya mabuhat dahil hindi ko siya kayang buhatin.
Hindi ako umalis doon at tiningnan ko si Papa na parang naluluha.
Papa, hindi ka isang walang kwentang ama. Dahil ikaw ang dahilan kung sino ako ngayon. Kayo ni Mama. Kung hindi dahil sa inyo, kung hindi ninyo ako dinala sa Panginoon, baka naging pariwara na akong babae. Ngayon narealize ko na, na ang pagmamahal niyo't pag-aalaga, disiplina ni Mama ang nakapagbuo sa akin kung sino ako ngayon. Kaya salamat Pa. Salamat sa lahat.
…
Nang maghatinggabi na, bigla nalang akong nagising sa sigaw ni Mama.
"Avich, Avich! Yung tatay mo! Tumawag ka ng ambulansya bilis! Diyos ko, Diyos ko po, wag niyo po sanang kunin ang asawa ko.."
Bigla namang nagising ang diwa ko ron at dali-daling kinuha ang cellphone ko.
Sa ospital, salamat naman sa Diyos at stable na si Papa. Pero hindi pa siya gumigising. Dun namin nalaman ni Mama na may sakit pala si Papa. Matagal na. Ngayon lang namin nalaman dahil may record na si Papa sa ospital na to ng ilang taon.
Cancer. Yun ang sabi samin ng doktor.
Kaya pala hindi na siya natatanggap na magtrabaho sa isang companya kahit may kakayahan naman siyang magtrabaho doon. Hanggang highschool nga lang yung natapos niya, pero magaling naman dumiskarte si Papa. Kaya maraming gustong makatrabaho siya. Kaya nga sobrang sagana namin nung maliit pa ako. Pero kalaunan, biglang natanggal si Papa doon sa pinagtatrabahohan niya. Nalaman siguro nila na may cancer si Papa. At kapag may sakit ang isang tao, mahirap itong makahanap ng trabaho dahil baka mabulilyaso lang ang kompanya nila natatakot na baka hindi ito makapagtrabaho ng maayos.
Hindi naman niya sinabi yun kahit kay Mama dahil ayaw niyang mag-alala siya. Kaya naman panay bisyo niya noon para di na tanungin ni Mama kung ano talaga ang totoong nangyari.
Buti't naconvert si Papa as Christian kaya hindi na siya nagbisyo pa. Kung minsan umiinom pa rin, pero hindi na masyadong malala gaya noon. Kahit ganun, hindi pa rin niya sinabing may cancer pala siya.
Napatulala naman ako pagkatapos kong ibuhos lahat ng luha ko kanina. Gusto ko sanang tawagan si Levi pero ayoko siyang abalahin. May klase pa kasi siya kinabukasan.
"Diyos ko, salamat po at niligtas niyo ang asawa ko." ani ni Mama sa gilid ko na mangiyak-ngiyak pa rin. Napatingin naman ako sa kanya dun.
"Anak, matulog ka na. May klase ka pa mamaya di ba? "
"A-absent nalang ho ako. "
"Anak, okay lang. Ako na magbabantay rito. Tsaka papalitan raw ako ng Tiya mo mamaya para makapagtrabaho naman ako. Kailangan ko kasing magtrabaho. Ang laki kasi ng kailangan nating bayaran eh."
"Magkano po ba yung babayaran natin sa ospital?"
Natawa si Mama dun. "Wag kang mag-alala dun. Ako nang bahala."
Hindi na lang ako umimik dun sa sinabi niya.
....
"..Vich, Avich." yugyog sakin ni Mama. Mukhang nakatulog yata ako.
"Mmm.."
"Umuwi ka na. May oras pa naman. Pwede ka pang pumunta sa klase."
Umuwi ako sa bahay at naghanda pero hindi para pumunta sa eskwela. Kundi para maghanap ng trabaho.
Binilisan ko ang pagbihis para hindi ako madatnan ni Levi rito.
After all, he never fails to come and fetch me for school. Kaya naman kailangan maunahan ko siya.
Levi's POV
I arrived at Avich's house and I noticed that the door is still closed. Hindi pa ba nagising si Tita o Tito? Ever since kasi na sinabi ko sa kanila na ihahatid-sundo ko si Avich sa school, they decided to left the door open for me pag ganitong oras. And they never failed to let the door open.
Suddenly, I heard someone say, "Iho, walang tao riyan. Nasa ospital silang pamilya."
Natigilan naman ako run sa sinabi ng Ale.
Hospital?
"Ano ho bang nangyari?"
"Yung tatay ni Avich inatake ng mga hatinggabi. Pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang sakit niya." sabi ng Ale habang nagwawalis sa paligid niya.
What??
"I see. Alam niyo ho ba kung saang ospital sila nagsi-stay ngayon?"
After I received the information, I thanked the woman and rushed to where the hospital is.
When I arrived, I saw Tito lying on a hospital bed with his eyes closed. Tita Marga was sitting at a nearby bench and Avich is nowhere to be found.
"Hello po, Tita. Kumusta kayo? Si Tito po?"
"O Levi. Nandito ka pala. Sinabi ba sayo ni Avich ang nangyari?"
"Hindi po. Wala po ba siya rito? Wala kasing tao sa bahay niyo nang pumunta ako ron. Nalaman ko lang ang nangyari sa kapitbahay niyo."
Medyo nanlaki naman ang mga mata ni Tita sa narinig.
"Wala si Avich sa bahay? Ang bilis naman ata niyang naghanda para pumunta sa skwela. Tsaka hindi ka pa talaga niya hinintay?"
Napaisip ako dun sa sinabi ni Tita. Hindi kaya iniiwasan niya ako? After all, kahit na wala siyang sinabi sa akin I still insisted on courting her. Di kaya “no” talaga yung sagot niya sa panliligaw ko? But now's not the time for that. So I decided to put aside my feelings.
"Wag kang mag-alala, Iho. Sobrang nalungkot lang kasi ang batang yun sa nangyari sa Papa niya. Ngayon lang kasi niya naranasan ang bagay nato. At pag nagkaganun yun, gugustuhin niyang mapag-isa muna. Kaya siguro hindi ka na hinintay nun at umuna nang umalis patungo sa skwela niya."
I hope so..
"Ganun po ba?"
"Oo. Pagpasensyahan mo na yung anak ko ah, Levi anak."
"Don't worry po. Tita, if you need help with anything, please do tell me. I will see what I can do." ani ko at tiningnan si Tito.
He looked quite different than the last time I saw him. He looked so fragile habang nakahiga sa hospital bed.
"Wala naman masyado, Levi. Yung bayarin lang naman na medyo malaki. Pero wag kang mag-alala, sigurado akong tutulungan kami ng Diyos para makabayad kami rito."
"Magkano po ba lahat ng bayarin?"
Natawa si Tita Marga dahil sa tanong ko. "Para kang si Avich kanina. Tinanong rin kasi niya sakin yan eh."
Napatingin naman ako kay Tita Marga dun.
"Wag mong problemahin yan, Iho. Tsaka, di ba may trabaho ka pa?"
Oh, right. I almost forgot.
After a few exchange ay nagpaalam na ako kay Tita.
Avich's POV
I roamed around places where I can find a job. Hindi kasi pwede na si Mama lang ang kumayod this time. Baka mag-overtime pa siya sa trabaho at baka siya naman ang magkasakit. Gaya ng napapanood ko sa TV. Ayokong mangyari yun.
Diyos ko, sana po tulungan niyo kong makahanap ng trabaho. Kailangang-kailangan kasi namin ng pera ngayon.
Gusto ko sanang pumunta kay Levi at mangutang nalang, pero nakakahiya sa kanya. Ang dami na kasi niyang naitulong sa amin eh. Tsaka, ayokong makaabala ng ibang tao lalo na sa kanya na hindi ko tinatrato ng tama. Isa pa sanay na akong gumagawa ng paraan sa mga problema ko. Kaya asking others for help is not an option for me.
Kahit ganun, at least nakakahingi ako ng tulong sa Diyos. Sabi kasi ni Ate Kai, hindi napapagod ang Diyos sa pakikinig sa ating mga dasal. Para siyang kaibigan na palaging nandiyan para makinig sayo. Kaya ngayon, medyo gumaan ang pakiramdam ko kasi nakakausap ko ang Diyos.
Ilang sandali pa ay may nakita akong sign sa isang karenderya. WANTED DISHWASHER.
Pwede naman to. Malaki kaya yung sweldo?
I entered the place and asked about the job. When I heard na sobrang liit pala ng sahod, I told them I'll think about it.
Hayss. Kelan nga ba yung deadline para sa pagbayad ng bills? Di ko natanong yun ah. Pero di bale na. Maghahanap nalang ako sa iba. Kailangan ko kasi talaga ng malaking pera ngayon.
As I walked, I suddenly heard someone call out. "Iha, Iha, pwede kang makausap sandali?"
Isa itong babaeng parang mid 30's at mukhang kagalang-galang naman siya magsalita. Yun nga lang, ang iksi ng damit niya.
"Ano po yun?"
"Nakita kasi kitang nakatingin sa sign kanina sa karenderya na Wanted Dishwasher. Naisip ko na baka naghahanap ka ng trabaho. Tinanggap ka ba? Kung hindi, gusto mo magtrabaho ka nalang sakin? Malaki ang kikitain mo!"
Pagkarinig ko ng 'malaki ang kikitain', bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.
Lord, ito na ba yung sagot sa aking dalangin?
I decided to ask the woman further kung anong gagawin dun at sinabi naman niyang sumama ako sa kanya para naman makita ko mismo kung anong gagawin ko dun.
Levi's POV
Before I went to work, I decided to go to Avich's school first and see for myself if she was fine. But then her classmates told me that she was not in class. That she never came in.
Kung ganun, nasan siya?
I decided to dial Kaira's number at tinanong siya kung pumunta ba si Avich sa kanya. Pero she said no.
Did she really went away alone just like what Tita Marga said?
I decided to send her a message stating that I heard about what happened to her father and that hopefully she is doing fine wherever she is. I was not expecting her to reply so soon but suddenly, my phone pings.
Thanks sa pag-aalala, Kuya. But I'm fine. Sorry di na kita hinintay kanina.
- Avich
Gusto ko sanang tanungin kung nasan siya but I decided against it. Baka kasi isipin niya na pupuntahan ko siya at guguluhin ko ang kagustuhan niyang mapag-isa. So I decided to give her a reply at pumasok na sa trabaho.
Avich's POV
Pagkarating ko run, we went on a hotel at pinapasok ako ni Sonya sa loob. Yung babaeng mid 30's. Ayaw niya kasi magpatawag ng ate kasi feeling niya parang ang tanda -tanda niya raw. Nasabi na rin niya na 800-1000 daw ang kikitain ko per client. Pag nagustuhan raw ng client ang serbisyo ko, maaaring dadagdagan pa niya ito. Medyo naexcite naman ako run kasi kung makakadami ako ng client sa isang araw, then surely malaki yung kikitain ko agad!
But when I entered the place, I suddenly felt uneasy.
"So if papayag ka, gani-ganitong hotels ang papasukan mo with your client. Good accomodations and a comfortable bed."
Bigla akong kinabahan sa narinig. "B-Bed?"
"Yes, iha. At ngayon, ipapakita ko sayo ang example ng gagawin mo. Ready ka na ba?" sabi ni Sonya na may ngiti sa labi.
Ngumiti ako nang may pag-aalinlangan habang ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko.
"Uhmm.. yes po."
"Well then, let's get in. Tumingin lang tayo ah? Wag kang maingay at baka magalit yung client dahil inistorbo natin sila." sabi ni Sonya habang lumalakad kami patungo sa isang room.
Nang palapit na kami, bigla kong narinig ang ungol ng babae at lalaki. Open lang kasi ang kwarto ng slight kaya rinig lang sa labas kung anong nangyayari sa loob. Hindi ko napigilang maestatwa sa kinatatayuan ko dahil dun. Dun ko na naintindihan what exactly I have to do for this job. After all, napanood ko na rin to sa TV.
Ang maging isang… CALL GIRL!
"Dear, halika-"
Hindi ko pinatapos si Sonya sa pagsasalita at nagmadaling tumakbo palayo. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak sa natuklasan ko sa lugar na iyon. Kaya pinili ko nalang ang galit na naramdaman ko somewhere sa loob ko at binilisan pa ang takbo ko.
Takbo ako ng takbo at hindi ko na pinansin ang mga taong nakatingin sakin. Sa pagkakataon kasing ito, gusto ko lang talaga makawala sa lugar nato.
Sa aking pagtakbo, may nadaanan akong isang pamilyar na lake at sumandal ako sa rail nito at bigla nalang naiyak.
Umiyak ako ng umiyak tinatanong sa loob ko kung bakit kami mahirap. Bakit kami mahirap gayung may Diyos kaming kinatatakutan? Bakit binibiyayaan ng Diyos ang mga taong wala namang pakialam sa Kanya? Bakit kailangan naming maghirap?
Kung hindi kami mahirap, edi sana hindi magkakasakit si Papa. At hindi kakayud si Mama hanggang sa baka
magkasakit rin siya gaya ni Papa.
"Ahhh!!" I shouted at the lake releasing all my frustrations until I sat down on the ground I'm standing on.
"Ahhhh!! Bakit ba ganito ang buhay ko?!!" I continued to cry hanggang sa maubos na lahat ng luha ko. I shout with all my might hanggang sa maubos na ang boses ko...
AHHHH!!!!!