Reject

4269 Words
Avich 's POV "Talaga!?" gulat na sabi ni Grail. "Yung boses mo! Hinaan mo nga." Medyo taranta kong sabi sa kanya. Kakarating ko lang kasi after ako hinatid ni Levi papuntang school. At pagdating ko, di ko napigilang sabihin agad ang balitang nanliligaw sakin si Levi. Ang lalaking akala ko, di ko abot kaya I only settled for daydreaming and pasulyap-sulyap. Pero sinong mag-aakalang isang araw ibibigay pala siya sakin ng Maykapal! "Sorry naman. Pero di ba sinabi ko na sayo, may gusto rin siya sayo, gurl? Di ka kasi nakikinig sakin." sabi niya at naggiggle. I rolled my eyes. "Oo na. Pero.. bakit ako? Di naman ako kagandahan, poorita ako, pati sa attitude ko poorita rin." "Tsk. May good points ka din naman no! Maldita ka nga lang minsan pero, may bad side and good side naman lahat ng tao. Hindi ka exception dun. Tsaka anong di kagandahan? Eh para ka ngang si Kisses Delavin eh!" "Che! Kisses ka jan. Anyways, si Kuya Levi kasi ang pinag-uusapan natin rito. He's a very good guy, a man of God, at sobrang talented pa! Di ba dapat humanap siya ng pareho ng caliber niya?" "Tsk. Talented ka din naman ah? Maganda ang boses mo, marunong kang magviolin, tsaka magaling ka din sa klase natin." "Hays, hindi ko alam. Pano ko ba ihahandle to, Lord?" sabi ko at sinubsob ang kalahati ng mukha ko sa mga braso kong nakacross habang nagflat sa arm chair ko. "Okay lang yan, gurl. There's a first time for everything naman eh." "Hays ewan ko ba, Grail. I think mabuti pa siguro na i reject ko na siya." "Ha?? Bakit naman!?" "E-Eh kasi.." "Eh kwasiiii? Ano ba ang pinag-uusapan ninyong dalawa aber?" Tanong ng kararating lang na si Rein. "Huy, late ka na naman bakla." "Huy ka rin babae! Di ba sabi ko sayo wag mong tawaging bakla to? Baka di na magbago." "Haha sorry naman nakasanayan na." "Ay naku kung makapag-usap parang wala ako rito. So, what's the chika?" Ayun at sinabi namin kay Rein ang nangyari. Halos pareho lang rin sila ng reaksyon ni Grail pero mas oa nga lang ang isa. Kwentuhan kami ng kuwentuhan hanggang sa dumating na ang aming professor. I decided to focus on listening to the class para naman hindi ako masyadong mag-overthink. "Today, we are going to tackle about the…" As I listened to the professor, bigla ko nalang naramdamang parang may adrenaline rush sa loob ko na parang naha-high ako. Pano ba naman kasi, di ko napigilang isipin na mamaya pagkatapos ng klase, susunduin din daw ako ni Levi. Damn, ang bango-bango pa naman niya! Gusto ko sana talagang amoy-amoyin siya habang nakasakay ako sa likod ng motor niya pero buti't napigilan ko ang sarili ko at hindi ko yun ginawa. But that doesn't mean hindi ko maamoy ang pabango niya. After all ang perfume, hindi ito nagpapaalam at bigla nalang pumapasok sa ilong mo ang bango nito! "Ms. Villamore?" ani Miss Vita na nakapagpabalik sa sarili ko. "Yes mam?" "I have a scenario for you." Damn, ano nga yung lesson ni Mam ulit? Pero buti naman at situational lang ang tanong niya kaya't madali ko lang nasagot ito. Focus, Avich! Saway ko sa sarili ko after kong nakasagot sa professor ko. I can't believe I let myself slip away. Wala pa ngang nangyayari sobrang affected na ako. How much more kung meron nang..haiysst!! Pagkatapos ng klase, I was definitely not walking so fast because I'm excited to see him. Definitely not! Ayoko lang talaga paghintayin ang kahit na sinong naghihintay sa kin. Yes, that's right. Ilang hakbang pa at… Nakikita ko na siya! I thought nang nakita ko si Levi na nakasandal sa motor niya at nakayuko ng slight while crossing his arms. Ang cool niya! LOrd, kahit grabi ang hirap na dinanas ko sa buhay ko, pero pag binigyan mo naman ako ng biyaya, sobra-sobra! Thank you!! Tatawagin ko na sana siya ng may tumawag sakin. "Avich!" Lumingon ako fully at nakita sina Grail at Rein. Nasundan nila ako! Ayoko kasi sanang magkita sila ni Levi kaya dali-dali akong umalis ng di man lang nagpaalam sa kanila kanina. Pero napakabilis din palang lumakad ng dalawang to! Ang dami ko kasing sinabi sa kanilang sekreto ko about kay Levi. Natatakot lang akong baka ipagsabi nila ito sa harap niya. Kaya I have to avoid letting them meet with him at all cost! "Avich ang-" hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Grail at hinila ko silang dalawa palayo. Pero bago pa kami makalayo ay bigla kong narinig si Levi na tinatawag ang pangalan ko. "Avich?" Damn it all! "Wag magsalita ng kahit ano ah. Pag magsasalita kayo, yari kayo sakin." sabi ko sa kanila ng mahina at may konting tono na kakatakutan talaga nila. Nagzip sign naman sila dun. ”Good." I put on a smile before facing him. "Hi kuya! Kanina ka pa?" "Avich, ang gwapo!" tili nilang dalawa ng mahina sa likod ko. "Behave." saway ko sa kanila ng pabulong. "Hindi naman. Your friends?" sabi nito habang lumalakad palapit samin. ”Ah oo. Pero pauwi na rin sila. Di ba guys?" Tumingin sila sa akin. Tinaasan ko naman sila ng kilay. "A-Ah, oo nga po. Uuwi na po kami. May gagawin pa kasi kami. Alam niyo naman, mga gawaing bahay. hehe" "I see. Then maybe I'll just invite your friends to go out with us next time." Nasorpresa sila sa narinig nila kay Levi. Well, can't blame them. Ganun din yung reaction ko nung una eh. "Tsk. Ilan bang milyones ang meron ka at panay libre ka sa mga nakikilala mo ha, kuya?" sabi ko kay Levi with a hand on my waist. Naggesture naman siya na parang nag-iisip at sinabing, " Mmm.. Maybe enough to take care of my future wife's needs?" Hearing that, I can't help blushing and exclaim in my head. F-Future wife?! "Ayieeh.. Future wife daw oh, gurl!" asar naman ng mga kaibigan ko. "Che! Alis na nga! Shoo shoo" sabi ko sa kanila para cover up sa kilig na nadarama ko. "Ang harsh mo naman, gurl. Eto na, uuwi na nga. Bye kuya!" "Bye po! Tsika bukas gurl, ah." "Oo na. Bye!" sabi ko sa kanila sabay wave. Chika, ichichika ko talaga ang panghuling chika ko about dito. At umalis na nga sila. Phew. I faced Levi who was having this handsome grin on his face. Tch. Masyadong pafall tong lalaking to. Magagawa ko kaya ang balak kong gawin? "Anong tinatawa-tawa mo jan? Umuwi na tayo." sabi ko at tinungo ang motor niya. "Cafe muna tayo." "Ha? Magkakape ka ba?" Nice, sa cafe ko pa talaga gagawin yun. ”Tayo, Avich. Di ba dun kayo nagpupunta ni Kaira? Naisip ko baka favorite place mo yun kaya punta tayo?" Alam niya kung saan kami nagpupunta? Tinanong niya ba si Ate? “Tinanong mo ba si Ate?” “No. Nakwento lang sa akin ni Kaira. Baka anong isipin niya kung tanong ako ng tanong tungkol sayo.” “So hindi alam ni ate na may g-gusto ka sa akin?” Argh, ang hirap sabihin! “Nung una. Wala pa kasi akong go signal kay Lord kung pwede ka na bang ligawan. So I thought it’s better to keep my feelings a secret. Pero ngayon alam na niya. Nasabi ko sa kanya unintentionally nung isang araw. Nadulas lang. Haha” Natawa ako sa sinabi niya. “Nadudulas ka rin pala, kuya? Sino pang nakakaalam?” “My kuya. Si Van, nalaman niya cause he heard me and kuya talk about you one time. My parents.” Nagulat ako sa narinig ko. “A-Alam din nila??” P-Pero irereject ko siya.. pano kung magalit silang lahat sa akin? “Yeah.” “Bakit di ko alam? Tsaka di ba girlfriend mo si Ate Hannah?” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “What? No. She was just a friend of mine.” “Really? Then what’s with the flowers?” Sabi ko tinaasan siya ng kilay. Ngumiti siya ron. “That was just a thank-you flower. Di niya kasi ako kinalimutan kahit di na kami ng Ate niya.” Ha?? “She’s the younger sister of my ex-girlfriend.” dagdag pa niya. Ahh.. ganun pala. “Well, enough of this. Punta ba tayo?” "Wag na-" napatigil ako nang hilahin niya ako. "Tara sakay." "Teka, Kuya!" Dahil mapilit siya, wala akong nagawa kundi sumakay nalang. Levi's POV Currently, me and Avich are in a cafe after ko siya naconvince na pumunta. Our first official date after kong sinabi sa kanya na manliligaw ako sa kanya kaninang umaga. Sa totoo lang wala akong confirmation na natanggap galing sa kanya. Nag-excuse lang siya at tinungo ang banyo para maligo. Kaya ngayon gusto kong marinig kung payag ba siyang ligawan ko siya o hindi. Buti pumayag sina Tita Marga nang nagpaalam ako sa kanilang manligaw kay Avich kahapon. Akala ko talaga hindi sila papayag dahil sa age gap namin. I was glad na pumayag sila. Pero siyempre, I need Avich’s permission first. We sipped our drinks together at hindi muna nag-usap. Habang umiinom kami, nakita kong parang nagmistulang bituin ang mga mata niya habang sinisipsip ang vanilla frappe. Napangiti ako sa loob ko. Mukhang gusto niya ata ang inumin na to. Something I should take note for future use. "Hmm.. Ang sarap talaga nito! Natry mo na to kuya?" aniya. "Hindi pa. May I take a sip?" pabirong tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang namula at pinrotektahan ang inumin niya. "Bawal. Bumili ka ng sayo." Natawa ako sa kanya. "You like it that much?" She hummed. "Mm. Pero kung like lang ang pag-uusapan, I think I like God the most." I smiled at that. "Why?" "Tinatanong pa ba yun? Sobrang likable kaya ni Lord! Mahirap nga lang yung ibang pinapaggawa Niya pero makakaya naman paghumingi ka ng tulong sa Kanya." "Mm. That's right. I'm glad that you're growing closer with God." "Pero ang di ko maintindihan, bakit ang bilis naman ata niya ko binigyan ng lalaki? Kakadasal ko pa lang kasi nun na sana bantayan niya yung future hubby ko tapos nan-" natigilan siya sa mga sinabi niya at tumingin sa akin na namumula. Cute. "Hmm? Do continue." "Aish..pahamak talaga tong dila ko. Nasa isip ko lang yun kanina eh. Lumabas ba naman?" she said murmuring to herself. Natawa ako dun. Naririnig ko kasi yung mga pinagsasabi niya. "Wag ka na mahiya, Vich. I do want to hear your thoughts." Everytime I see her, hindi ko mapigilang macurious kung anong iniisip niya. Lalong-lalo na kapag walang expression ang mukha niya like she used to. Pero buti nalang these days, hindi na siya masyadong poker. May ibang glow na ang mukha niya. Iba talaga pag si Lord ang bumabago sa isang tao. Inalis niya ang tingin niya sa akin. "Eh kasi naman, Kuya... I'm sorry to say this but ayokong ligawan mo ko." Natigilan ako sa sinabi niya. W-What? "B-But why?" Crush lang ba talaga ang nararamdaman niya para sakin? Then Avich looked down and said the words confirming my thoughts, "I-I do have feelings for you but.. hanggang dun lang yun. I liked the thrill of having you as my crush but then nalaman ko na may gusto ka sa akin.. wala na yung thrill." Suddenly, I felt like parang binuhusan ako ng malamig na tubig. I tried to calm down and sipped my drink at that. Of all the things that could happen, this is what I never expected to happen. "K-Kuya, galit ka ba sa akin?" Biglang tanong niya sa akin nang di ako nakapagsalita agad. You're right. I'm angry. Very angry. But... I have to accept things as they are even when it's painful. Sana lang masagot ko siya ng tama. "I.. I can't say na hindi ako nasaktan sa sinabi mo. But, I will respect your decision, Avich." I tried to give her a smile para naman hindi siya mag-alala sa akin. "I.. sorry talaga kuya. Hindi ko alam kung ba't ganito ako. Ganito talaga kasi ako kahit sa iba ko pang mga crushes. I lose interest in them once I found out they have feelings for me as well." Wow, I didn't know may ganun palang mga tao… "I see. Thank you for being honest with me, Avich. I appreciate it." Avich's POV Tumawa si Levi at sinabing, "Wag ka na mahiya, Vich. I do want to hear your thoughts." Would you still say the same after what I will tell you? Andito kami ngayon sa cafe after ako pinilit ni Levi na pumunta. Ayoko lang kasing dito gawin ang pagrereject ko sa kanya. Pero andito na rin lang kami .. "Eh kasi naman, Kuya... I'm sorry to say this but ayokong ligawan mo ko." Hindi siya agad nagsalita tapos.. "B-But why?" Tumungo ako tapos nagsalita, "I-I do have feelings for you kuya but.. hanggang dun lang yun." Lies. "I liked the thrill of having you as my crush but then nalaman ko na may gusto ka sa akin.. wala na yung thrill." Lies! I saw him stop in his tracks for a moment and then sipped his drink not looking at me. Galit ba siya sakin? "K-Kuya, galit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya. "I.. I can't say na hindi ako nasaktan sa sinabi mo." pagsisimula niya na dahilan ng pagkadurog ng puso ko. Sinaktan ko siya! "But, I will respect your decision, Avich." He said giving me a small smile. "I.. sorry talaga kuya. Hindi ko alam kung ba't ganito ako. Ganito talaga kasi ako kahit sa iba ko pang mga crushes. I lose interest in them once I found out they have a feelings for me as well." Another set of lies. Because ever since I laid my eyes on you, it's like my heart would always want to call your name. Would want to feel you near... Levi.. "I see. Thank you for being honest with me, Avich. I appreciate it." I don't know what to say to that so I decided to get up and run away. "I, I'm sorry, kuya. I-I have to go." Baka kasi pagnagstay pa ako sasabihin ko sa kanya ang totoo. Ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan ko. Levi's POV I got home still feeling a bit dazed and maybe angry as well after speaking with Avich earlier. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil before I knew it, she rejected me just like that. So that's the kind of person she is huh? Why did that happen? Ang akala ko kasi it would go smoothly as it will be because I got a confirmation from God but since this happened, maybe I just heard the wrong voice? Maybe this isn't really the right time for me to court her? Maybe that was it. I just got impatient from waiting and most especially because I was worried that Avich was being distant with me at that time. Maybe sa pag-aalala ko nadala lang ako ng emosyon ko. Sinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama ko. I know that at this time I should be praying right now pero hindi ko din alam kung anong sasabihin ko sa Diyos. Baka i question ko lang siya dahil hindi ko nakuha ang gusto ko. I don't want to do that to the Lord after all He has done for me. But I felt the need to question. Why? Why did she reject me, Lord? Is she just not meant for me? Or are you trying to tell me something? If so, what is it? Mababaliw ba ako ulit sa babae gaya ng nangyari sa akin with my past girlfriend? But Avich is different from her! I can feel that I can grow with her. She lets me grow. She makes me feel like a man. Someone who can protect her. Sigh.. Enough of this musings. Wala akong mapapala if I lean on my own understanding. It would be best to read God's word... ... Avich's POV Pagkarating ko sa bahay, wala pa sina Mama. Kahit medyo pagod pa ko ay ginawa ko na ang mga gawain ko. Parang ang bigat kasi ng pakiramdam ko kaya gagawin ko na ang mga kailangan kong gawin bago pa makauwi sina Mama. Nagsaing muna ako. Habang hinihintay na maluto ang kanin ay naghugas na din ako ng pinggan. Hindi naman karamihan yun kaya madali lang akong natapos. Nang matapos na ako ay kinuha ko yung phone ko at nagscroll sa f*******:. Pero ang masaklap dun ay hindi pala ako nakapagpaload. Naubos na rin yung perang binigay sakin ni Mama para sa allowance ko kaya wala na akong nagawa kundi tumingala sa kawalan. Hayss... Gusto ko sanang kalimutan ang nangyari kanina pero ang hirap pala. Andun na kasi eh! Gusto pala ako ng taong gusto ko pero wala rin. Ni reject ko pa! Anong klaseng tao ba ako? Kung iba yung niligawan ni Levi, I'm sure sasagutin siya on the spot! Pero hindi ako. Hayssss... Feeling ko ang arte ko naman yata... Kinabukasan.. Maaga akong nagising dahil maaga rin naman akong natulog kagabi. Kaya ayun maaga rin akong nakapagdevotional. Ang saya! Ang saya talaga pag kasama mo ang Diyos first and foremost. Ang gaan sa feeling. Pagkatapos kong magdevo, agad kong tinungo ang cr para maligo. Habang naliligo ako hindi mapigilang sumagi sa isip ko na baka hindi siya nakinig sa akin at na sana magpatuloy siya sa panliligaw. Na sana hindi siya sumuko agad. Pero ni reject mo na nga di ba? Magpapatuloy pa ba yun eh sinabihan mo nang 'BACK OFF?' Hays.. alam ko malabo ako. Pero hindi naman ako ganun kasama para i reject siya ng ganun ganun na lang. May dahilan din ako. Ang kadahilanang isa akong insecure na nilalang. Pagkatapos sabihin ni Levi sa akin na manliligaw siya sa akin, naisip ko lahat ng pwede mangyari. Pano kung hindi niya magustuhan ang ugali ko in the long run? I may be growing in the Lord but hindi pa rin ako ganun ka Santa. Natatakot akong baka madisappoint lang siya sa akin. Isa pa hindi ako kagandahan. At ang daming maganda jan na may gusto kay Levi lalo na sa church namin. Ayokong dumating ang isang araw na gigising nalang siya at sasabihin sa aking.. Siguro hindi naman niya ugali ang manakit pero what if lang di ba? We can never predict the future. Kahit sinasabi pa nilang gusto nila tayo ngayon, baka isang araw mawawala din ito. Kagaya nalang sa mga telenobela. Aside from all of that, hindi pa niya alam lahat ng baho ko! Natatakot akong malaman niya yun. Baka mandiri lang siya sa akin. Dahil sino ba namang babae ang may mabahong paa, di ba?! Hays... Kahit ako nahihiya sa sarili ko. Lahat na siguro ng paraan sinubukan ko na pero wala eh, hanggang ngayon mabaho pa rin ang paa ko! Pero pagnakasapatos lang din naman ako. Kaya nga as much as possible pag walang klase ay naka sandals lang ako. May recommendation kayo? Anyways, binilisan ko nang maligo dahil ang lamiiig ng tubig. Umakyat na ako sa taas para makapagbihis na. "Avich." Tawag ng kakabangon lang na si Mama. "Po?" "Kumusta naman yung unang araw ng panliligaw ni Levi? Susunduin ka ba niya araw-araw?" "P-po?" Pano ko ba sasabihin na nireject ko na yung tao? "Alam mo yung si Levi, di ko akalain ikaw ang napusuan non. Akala ko si Kaira yung magugustuhan niya." Kung ganun pareho pala kami ng hinala ni Mama. Sa lahat kasi ng mga babae sa church, si Ate Kaira lang ang kaclose ni Levi. "Hindi mo talaga masasabi kung anong mangyayari sa hinaharap ano? Sige na magbihis ka na't baka malate ka pa." "Oho." Hanggang sa matapos ako sa pag-aayos para pumunta sa skwela, umasa ako na dadating siya. Pero walang dumating na Levi sa amin. ... Dumating ako sa school at bigla akong sinalubong ng dalawa kong kaibigang kengkoy. "O Vich, san na si Kuya? Di ka ba hinatid ngayon?" "Ay sayang, busy ba siya kaya ka niya hindi nahatid ngayon?" Pssh, siya pala inaabangan nila. Akala ko ako. Nilampasan ko silang dalawa. "Wala. Wala nang maghahatid-sundo sa akin." Naramdaman kong sumunod silang dalawa sakin. "Ha? Bakit naman? Ang dali naman tamarin ni kuya! Anong klaseng manliligaw siya? Tsk bibilib na sana ako sa kanya eh. Ang sweet sweet pa niya kahapon tapos mawawala na pala ngayon." "Truelalo! Gwapo si kuya pero pag sinaktan beshie oks? Nakow! Makikita niya na itong si Virgin Mary, ay magiging Jose!" Pssh Despite everything, di ko mapigilang matawa kay Rein. "Haha baklang to. Pero bilib ako sa sinabi mo ah. Akala ko kakampi ka kay kuya dahil lang gwapo siya." "Uy babae! Kahit mahilig ako sa pogi pang virgin mary pa rin itong puso ko no. I will not just stand while injustice is before my eyes!" Tumango tango naman si Grail dun. "Haha tama na nga yan. Hindi naman si Kuya ang masama eh." "Ay naku hindi mo na kailangang ipagtanggol ang lalaking yun. Alam na namin ang baho niya." "Guys, hindi talaga siya ang nang-iwan. Ako. Ako yung nagreject sa kanya." "WHAT?!" Sabay na bulalas nilang dalawa. "Oo. Narinig niyo ko ng tama. I said no to him. Period! Kaya pumasok na tayo't baka mala- ano bang ginagawa niyo? Huwag niyo kong harangan. Ano ba??" Bigla kasi nila akong pinaligiran. "Huy, babae ka are you seriously stupid? Hinain na sayo ang handaan tapos hinindian mo pa?! Hindi lahat ng tao nanalo lagi sa loto babae ka. Nakuuu" ani ni Rein. "Tama si Rein, Avich. Bakit ayaw mo kay kuya? Hindi naman sa pinipilit ka namin pero di ba? Sayang naman kung bibitawan mo pa siya. Matured na, kaya ka ng buhayin dahil may stable job siya. Tapos maganda pa ang background ng pamilya niya. Di ba Vich?" "Eh, hindi niyo kasi ako naiintindihan!" Sabi ko at lumiko sa ibang direksyon. "Pwes, magsalita ka ng maintindihan namin." "Tsk. Mamaya na. Kasi seriously guys malalate na tayo." Sabi ko kaya pumayag naman sila. "Sige na nga. Pero mamaya dapat sabihin mo samin." Nag eyeroll naman ako dun. "Fine. Now tara na bago pa-" "TAYO MALATE!" sabay na naman nilang sabi. Pssh.. "Bahala nga kayo jan." Sabi ko at nauna na sa kanila. "Uy babae hintay!" Levi's POV Maaga akong nagising to prepare for my class for today. I prayed to the Lord and spend time with His word first and foremost. As I read His word, I still felt sleepy. Matagal kasi akong nakatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. I stayed up all night thinking and praying to God wondering why Avich rejected me. Sobrang antok na ko nun when suddenly, Nina's face appeared on my mind. But I didn't mind it because I was too sleepy to even think. I prayed and thanked God for the Bread of life that He has provided for me after kong natapos sa pag spend time with His word. Nang matapos na ko niligpit ko ang bible at notepad ko. I went directly to the comfort room to take a bath. As I took a bath, naisip ko si Avich. Ganun na lang ba yun? Magiging magkaibigan nalang ba talaga kami? Sa sagot kasi niya kahapon parang sigurado na siyang hindi niya ako sasagutin. Pero sa isang banda naisip ko, hanggang dun lang ba kaya ko? Susuko nalang ba ako agad-agad dahil lang dun? If so, then that just says na hindi talaga ako sincere sa pag-ibig na nilalaan ko sa kanya. Sa aking napagtanto, parang natauhan ako. Tama. I should man up and stand my ground. Hindi naman sinabi ni Avich na hindi niya ko mahal. Ang sabi niya lang, mawawala na yung thrill. Most of all, she never told me she already has someone she likes kaya naman I still have a chance! Dali-dali akong nagbihis pagkatapos kong maligo at kinuha ang susi ko para sunduin si Avich. Pero bago ko pa yun magawa, my phone rang. "Hello sir, good morning. We will have an urgent meeting? Uh.. alright. I'll be there." Sigh.. I guess I'll just fetch her after class. Then, maybe we can talk again. ... I entered the academy and went to the faculty room. After that I went to our meeting place. The meeting was quite long at naabutan hanggang lunch. Pagkatapos ng meeting ay lumabas na kami. "Sir Hudson." Biglang tawag ng kasamahan ko. "Yes?" "Nung papunta palang ako sa meeting place, may nakasalubong akong babae hinahanap kayo." Babae? Di mapigilang lumukso ng puso ko ron. But that can't be.. "Sinabi ko sa kanya may meeting pa tayo pero sabi niya maghihintay raw siya sayo. Nasa canteen lang daw siya." "Did she tell you who she is?" "Hindi po eh. Pero ang ganda ha. Girlfriend niyo po?" "Eh sa kagwapohan nitong si sir, sobrang impossible naman na wala siyang girlfriend no." Says my female colleague. "No. I don't have a girlfriend." Pero liligawan oo. "Weh??" "If you'll excuse me." Sabi ko at naunang naglakad sa kanila. "Parang artistahin sinasabi ko sayo, Mam." Naglakad ako ng mabilis doon curious kung sino ba ang naghahanap sa akin. Imposible din kasing si Avich dahil may klase yun. But deep inside me I was wishing it was her. Ilang minuto pa ay nakikita ko na ang canteen na sobrang dami ng tao. Lunch time kasi kaya natural lang na maraming tao rito. I looked around trying to see who the girl was. My search didn't last long since I can see a familiar back from here. No.. Then she suddenly turned to me and smiled as soon as she saw me. "Levi!" Nina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD