Go Signal

4645 Words
Avich's POV "Graiiill! Di ko na talaga kaya.." ani ko kay Grail habang naghihintay kami sa susunod naming teacher. "Bakit? Anyare sayo, Vich?" sabi niya na medyo natatawa. "Remember Levi?" "Ah, yung crush mong minahal mo na?" "Tch. Mahal na kaya yun? Eh, wala pa nga akong nagawa para sa kanya." I said at sinubsob ko ang kalahati ng mukha ko sa mga braso kong nakatupi. "Kailangan ba may gawin ka para masabing mahal mo siya?" "Well, how else would you prove that your love is true kung puro ka lang salita pero walang gawa?" "May point ka naman. Ano ba kasing nangyare?" "Eh kasi di ba, nasabi ko na sayong balik aral ako sa sax tas siya yung teacher ko as usual?" "Oo. Ang swerte mo nga eh! Every other day kayong nagkikita. Samantalang ako, hanggang tingin lang sa kanya sa wallpaper ko." "Palibhasa kasi pumili ka nang taga ibang bansa. Pano ka naman mapapansin nun eh ang layo-layo mo sa kanya. Ni hindi niya nga alam kung nag-eexist ka ba. haha" Mahilig kasi si Grail sa kpop idols. At dun siya pumili ng crush niyang lalaki. Yung napili niya, nakangiti sa wallpaper ng cellphone ng gaga. "Harsh mo gurl ah! So ano na ngang problema mo?" "Eh kasi, nitong mga nakaraang araw, ang sweet sweet niya. Dinadalhan pa niya ko ng pasalubo-" "Oo na! Ikaw na swerte. Narinig ko na yan eh. Dapat ulitin?" "Eh, patapusin mo muna ako!" "AY! Sorry, sorry naman, mam. Tatahimik na po." "Tch. So yun, dahil sa sweet gestures niya, hindi ko mapigilang mas mafall pa sa kanya. At natatakot ako na baka one of these days, bigla nalang akong magconfess ng nararamdaman ko." "Eh di magconfess ka! Obvious naman na gusto ka rin eh. Sino ba kasing lalaking dadalhan ng pasalubong ang isang babae para lang masanay na ito sa kanya di ba? Just a younger sister? Utot niya. haha" Yun kasi ang sinabi ni Levi sa akin. Para na raw niya akong younger sister kaya sinospoiled niya raw ako. Wala naman daw siyang kapatid na babae kaya ako raw napagtripan niyang maging younger sister. Medyo nahurt nga ako pero tinanggap ko nalang. Masarap din naman ang mga pasalubong niya sa akin kaya okie na yun. Haha takaw ko ba? "Huy! Bastos nito." "Ay, sorry mam. Kasi naman ang obvious na oh Vich! Naniniwala ka parin sa excuse niya?" I rolled my eyes at her. "Sinabi ko na sayo, may girlfriend na yun! Ang sweet nga nila nun eh." Si ate Hannah yun ang girlfriend ni Levi. Di naman pumupunta si Ate sa simbahan kaya di ko siya nakikita. Baka sa labas lang sila nagkikita ni Levi di ko alam. Bahala sila sa buhay nila. "Bahala ka nga jan. Pagtama ako sa hinala ko, wag mo kong iyakan kasi nabaling sa iba yung tingin niya dahil lang napakadense mo!" "Tch. Kung ibibigay siya sakin ng Diyos, hindi siya mapupunta sa iba." Natahimik naman siya ron. "Sabagay tama ka naman. Pero- ay ayan na pala si Mam!" Dumating na nga ang aming guro kaya naputol ang aming pag-uusap. Pero may mamaya pa naman. After school, I went directly sa church. May practice kasi kami ni Levi today at alam na ni Mama kaya hindi na ko mag-aalala na tatalakan niya ko pag-uwi ko mamaya dahil lang hindi ko ginawa ang gawaing bahay. Pagdating ko dun, wala pa siya kaya naisipan kong magpractice muna mag-isa. May spare sax naman kaya may magagamit ako sa tuwing magpapraktis ako. I played a song na napraktis namin bago lang. It was the song entitled 'For You Alone' Hay….. Sobrang ganda talaga ng tunog ng sax! Kaya nga nainlove ako sa instrumentong ito unang pagkarinig ko palang galing sa taong tumugtog nito nung bata pa ako. Sinabayan ko pa ng konting sway ang tunog habang nagpapatugtog ako. Feeling ko para akong hinihele ng kalangitan sa sobrang ganda ng tunog! Pagkatapos ng chorus, bigla kong narinig na may pumalakpak sa likuran ko. Levi?! Pero nang lumingon ako, I felt just a little disappointed nang makita kong si kuya Marv ito at hindi siya. Yan. Assuming ka kasi gurl! "Kuya! Kanina ka pa jan?" Nakakahiya!! May pasway-sway pa kasi akong nalalaman. Sana naman di niya nakita lahat. "Haha Hindi masyado. Pero, ang galing mo talaga ah! Okay lang kaya sayong tumugtog na this Sunday?" " Ha-ha I still need time to practice, kuya." He chuckled. "Sige sige. By the way, pinapasabi sakin ni Levi na hindi daw siya makakapunta ngayon. May urgent meeting daw kasi sa school." Hearing that, I felt relieved and disappointed at the same time. Relieved kasi, I will be spared from having to deal with my feelings for him when he's around. Disappointed, kasi hindi ko siya makikita. Hay.. Feeling ko ang labo ko naman ata. "Ganun po ba? Pero pwede pa rin naman po akong magpractice di ba? May piyesa naman ako rito eh" "Yan ang taong dedicated! Oo naman. Feel free to practice to your heart's content. Pero wag kalimutan, bible study ngayon ha" Ah, oo nga pala. "Oho." "Sige, God bless sa practice!" sabi niya at umalis na. Pag-alis ni Kuya, huminga ako ng maluwag. At least I don't need to deal with controlling my feelings kasi wala naman si 'the subject of my afffection' I felt quite excited na magpraktis on my own. Pag nasa vicinity kasi si Levi, I felt the need to be perfect. Ayoko kasing isipin niya na nagkamali siya sa pag-iisip na talented nga ako sa sax. Well, time to practice for God's glory! Pagkatapos ng bible study, I went home feeling filled with God's word. Grabe, totoo palang bread of life ang mga salita ng Diyos! Kasi pumunta ka ng pagod at walang gana, pero umuwi kang masigla at may pag-asa! I hummed as I walked along the way home. Somehow, may kakaibang saya sa puso ko. I think ‘JOY’ ulit ito.. hehe thanks God! Pagkarating ko sa bahay, I saw my mom sitting on a chair looking stern. Ano na naman kayang problema nito? "Mano po ma." I said at nagmano sa kanya. Hinayaan naman niya ako. Pero pagkatapos nun, kumabog ang puso ko sa magiging tanong niya. "Ano tong narinig kong may gusto ka raw kay Levi, Avich?" It's been years since naging crush ko siya, pero I didn't say a word about it to my mom. Kaya hindi ko napigilang kabahan. "H-ho?" "Yan ba ang dahilan kaya sobrang active ka na sa church ngayon? Halos araw-araw ka ngang nasa church nitong mga nakaraan. Dahil ba active din si Levi dun? Yung pagsali mo dun sa worship burn, di ba nagdecline ka nung una? Pero nang nalaman mo bang nagvolunteer din siya nagbago isip mo?" I felt quite angry at that pero I tried to calm myself. After all, kakagaling ko lang sa church. "Ma, hindi ganun yun. May crush ako sa kanya, oo. Pero hindi naman siya yung dahilan kaya naging active ako sa church." After all, wala sa vocabulary ko ang magpakabaliw dahil sa lalaki. Ang dami na ngang mga babaeng baliw sa lalaki, dadagdag pa ko? Ano nalang ang kaibahan ko sa mga babaeng unbeliever, di ba? "Ayusin mo yang sarili mo ah, Avich. Hindi kita pinag-aral para lang lumandi ng maaga." Hearing that, I felt my body frozen. "Sige na. Matulog ka na't maaga ka pa sa skwela bukas." sabi niya at pumunta na sa kwarto. Pag-alis niya, hindi ko napigilang matulala sa kinatatayuan ko. … I sat on a chair inside the church as I waited for Ate Kaira to come. Ngayon kasi ang araw ng aming fellowship. Pupunta kami sa isang lugar at doon magkumustahan at magtalk about God and His goodness sa aming week. Ilang weeks na din namin ginawa to. Habang naghihintay, sumagi na naman sa isip ko ang sinabi sa akin ni Mama nung isang araw. ‘Ayusin mo yang sarili mo ah, Avich. Hindi kita pinag-aral para lang lumandi ng maaga.’ Hays.. "Hi Avich!" rinig kong tawag sakin. "Ate Kai!" I said tas tumayo na nang nakita ko si Ate Kaira papunta sakin. "Kanina ka pa ba?" "Hindi naman." "Okay! Lika na. San mo gusto pumunta?" sabi niya at lumakad na kami palabas ng church. "Ikaw na po magdecide. Ikaw naman manglilibre eh. haha" "Okay lang naman no! Baka may preferred place ka kasi. " "Sige. Pag ako na manglilibre. haha" "Tsk. Ikaw talaga!" We end up going to a cafe as usual. Pareho kasi kaming mahilig sa quiet and cozy area. So mostly, sa cafe kami nagpupunta. "Thank you ate, ah. Kahit busy ka, you still find time to meet with me." I said and then sipped my vanilla frappe. "For God's glory, I will make myself available. Besides, kailangan ko din naman ng gantong break." sabi niya at sumipsip sa drink niya. "Oo nga. FOr God's glory. hehe" "Kumusta ka naman?" "Mabuti po. Kaya lang.." "Hmm?" "Kaya lang, minisunderstood ni Mama yung intentions ko nung isang araw." "Panong namisunderstood?" "Kasi, nalaman ni Mama yung about sa f-feelings ko kay kuya Levi. Kaya inisip niya na baka naging active lang ako sa church kasi nandun si Kuya." "Talaga? Kaya ba panay iwas ka kay Levi?" "Haha pansin niyo rin po?" Totoo kasi. Ever since nang gabing kinompronta ako ni Mama, umiwas na ako kay Levi. Alam kong harsh yun pero gusto kong patunayan kay Mama na di dahil sa kanya kaya ako active sa church. Na totoong, nakilala ko ang Diyos kaya naintindihan ko na ang buhay Christiano. Kaya lang sobrang namimiss ko na siya! T_T "Well, medyo naging close na din kasi kayo sa isa't-isa lately. Kaya nahahalata talaga na parang iniiwasan mo siya." "A-ha-ha.. Sana hindi niya halata no? Baka kasi iconfront niya ko about dun." Hindi kumibo si Ate dun kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Iniisip ko nga na sana hindi ko na lang mentor si Kuya. Para hindi na ako pag-isipan ni Mama ng masama." "Avich, kahit anong gawin mo, masama man o maganda, pag-iisipan ka pa rin ng masama ng isang tao. At isa na ron ang Nanay mo. Hindi naman sa iniisip kong masama siya, pero dahil tao siya. Gaya natin. Di ba minsan, pinag-iisipan natin ng masama ang isang tao kahit di naman natin alam yung buong kwento? Na dahil lang nakita natin ang pangit na eksena ng buhay niya, we conclude immediately na sobrang sama na talaga niya?" Napaisip ako dahil sa sinabi ni ate. Tama rin naman siya. Kahit ako ang judgemental ko nga minsan eh. “Tama ka po. Ano bang gagawin ko?" "I don't know exactly. Pero one thing God taught me about these things is that I should just focus on what He has called me to do and just pray for the person who accused me of such things. Because only HE can soften or harden a person's heart." Tumango-tango ako dun sa narinig ko. "Wag kang mag-alala, Avich. I'm sure may dahilan naman si Tita kaya niya nasabi yun. Hindi dahil gusto ka niyang i-accuse." "Oo nga eh. Pero hindi ko pa rin napigilang wag siyang pansinin sa sumunod na araw. haha Masakit kasi isipin na pinag-iisipan niya ko ng masama. " I said as I felt my eyes sting… Levis' POV I just finished my last class and decided to rest for a bit before going home. I closed my eyes and expected myself to nap but then suddenly, my thoughts wander to a certain person. Avich. Sigh. Recently, she's been distant with me. Yes, she still greets me when we meet but then she won't stay much longer to have a conversation with me like we used to. She only speaks with me but only if it is necessary, just like during sax practices. Was it God's way of reminding me na 'This is not the right time yet? Probably. Nararamdaman ko kasi na parang nagiging impatient ako minsan. Na parang gusto ko nang magconfess ng nararamdaman, most especially kapag kaming dalawa lang ni Avich sa isang place. Most especially pag natutuwa ako sa kanya dahil sa sinabi niya… I bowed my head to pray for God's help. Ayoko kasing pangunahan ang plano Niya. As I prayed, I suddenly saw a traffic light in my vision. Among the three lights, the green one was put on the spot. Which means, it's a go signal. I did not gasp but it was close. It can' t be. Lord, You can't be telling me to... right? I asked inside me. Suddenly, I heard a voice inside me saying, 'Trust Me.' I wasn't surprised per se. After all, the Lord speaks to me in this way sometimes. But as a human, I have to make sure I have the right voice. Baka naman kasi, it was just the flesh wanting me to indulge on what I want. Pero di ba dapat patapusin muna siya sa pag-aaral? I retort. 'Trust Me.' I heard the voice say a second time. But… I said reluctantly. 'Do you have faith?' He asked. Yes, sir. I answered without reluctance. 'Then trust Me.' I didn't know what to feel about all this. But I gotta trust. Suddenly, my phone rang. "Hello Kai. What is it?" I said, still contemplating the conversation I just had with my Heavenly Father. 'Busy ka ba?' "Was just talking with my Heavenly Father." 'Oh! Sorry sa istorbo. Tawag nalang ako ulit.' "It's fine. Just say it." 'Uh, ikaw bahala. Eh kasi… hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba sayo to. Pero involved ka kasi kaya sasabihin ko nalang.' Then Kaira told me something that seemed to be a confirmation of what the Lord just told me earlier. It was about the reason why Avich has been avoiding me. Turns out it was actually because she didn't want her mother thinking that she became active in church just because she has feelings for me. But if I told her that I also love her daughter and also that Avich has been avoiding me these past few days just to prove to her that Avich's love for the Lord is real and not so that mapalapit lang siya sa akin dahil gusto niya ko, then maybe she will change her mind about Avich. "I see. Kai, what if I told her na liligawan ko yung anak niya? Would her thinking get worse?" I said then chuckle. 'A-Ano ulit yun?' "Actually, that's kinda connected with what I prayed earlier. And then I saw a vision of a traffic light. It was a go signal." ‘T-Teka, Levi pakilinaw nga. May gusto ka kay Avich?’ Oh! Hindi pa pala alam ni Kaira to. Sa kakaisip ko kung anong gagawin nawala sa isip ko.. “Ahm, yes. Matagal na actually. I just didn’t do something about it dahil ayokong maging distraction sa kanyang pag-aaral.” “M-Matagal na?” “Oo. Is there a problem?” “A-Ah, nabigla lang ako.” I smiled. “I know right?” Kahit ako nasorpresa sa sarili ko. Kaira’s POV “Bye, Avich!” Pagpaalam ko kay Avich pagkatapos ng aming fellowship. “Bye te! See you on Saturday!” “See you!” Lumakad na kami separate ways para umuwi na sa aming mga tahanan. Habang naglalakad ako, iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Levi ang sinabi ni Avich sa akin kanina. Private kaya yun, di ba? Pero kasi, nakikita kong malungkot si Levi sa treatment ni Avich. Naintindihan ko naman. Pareho na kasi naming itinuring na kapatid ang bata kaya I understand his feelings. Kinuha ko ang phone ko at nag dial ng number ni Levi. Okay puso, wag masyadong excited. Walang nakakaalam pero may sikreto akong itinatago. Sa tingin ng iba malabong magkagusto ako sa isang lalaki dahil sobrang focus ako kay Lord at sa ministry. Pero babae pa rin ako at may pakiramdam. Nung una, I treated Levi like everybody Christian guy I meet. Wala kasi sa plano ko ang magkagusto kahit kanino. But when I saw his sincerity towards God, when I saw how he is so reverent towards God, hindi ko namalayan unti-unti na pala akong umibig sa kanya. My friendship with him is sincere of course. I do everything to keep my feelings hidden. Kaya medyo naiinggit ako kay Avich kasi hindi siya natatakot mabisto malaman ng lahat na may gusto siya kay Levi. Alam na tuloy ng lahat na may gusto siya rito. Kahit si Levi alam na din niya. Kaya nga natutuwa ako sa kanya. Ang cute nung bata. Tinanong ko nga si Levi kung ano bang masasabi niya tungkol dun pero ngumiti lang siya sa akin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin pero I’m glad na hindi niya iniiwasan ang bata. After all, itinuring na din siyang kuya nito. Wala kasing kapatid si Avich kaya siguro binigay ni Lord sa kanya si Levi at ako na rin para maramdaman niya ang feeling ng may kapatid. Ang bait talaga ni Lord! "Hello Kai. What is it?" Sumagot na siya! Okay puso kalma. 'Busy ka ba?' tanong ko sa kanya. "Was just talking with my Heavenly Father." Hala, nakaistorbo ata ako! 'Oh! Sorry sa istorbo. Tawag nalang ako ulit.' "It's fine. Just say it." 'Uh, ikaw bahala. Eh kasi… hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba sayo to. Pero involved ka kasi kaya sasabihin ko nalang.' Sinabi ko sa kanya ang sinabi ni Avich sa akin kani-kanina lang. Ang rason kung bakit hindi na niya masyadong pinapansin si Levi. "I see. Kai, what if I told her na liligawan ko yung anak niya? Would her thinking get worse?" Natigilan ako sa narinig ko. A-Anong sinabi niya? Tama ba yung narinig ko? "Actually, that's kinda connected with what I prayed earlier. And then I saw a vision of a traffic light. It was a go signal." Nagdasal pa siya tungkol dun.. ‘T-Teka, Levi pakilinaw nga. May gusto ka kay Avich?’ “Ahm, yes. Matagal na actually. I just didn’t do something about it dahil ayokong maging distraction sa kanyang pag-aaral.” Sa narinig ko, di mapigilang manghina ng tuhod ko kaya umupo ako sa kalapit na bench. So kaya pala masyado siyang apektado sa pag-iwas ni Avich sa kanya. Yun pala.. “M-Matagal na?” “Oo. Is there a problem?” Oo, malaking problema. “A-Ah, nabigla lang ako.” “I know right?” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya natahimik ako. “Kai?” nag-aalalang tawag niya. “Ah, yeah dito pa ako…” Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang makipagplastikan kay Levi pero buti at nakayanan ko pa at hindi ako umiyak sa telepono. Nang magpaalam na siya. Dun ko na pinakawalan ang luhang kanina pa gustong pumatak. Diyos ko.. ang sakit-sakit naman nito.. Third Person's POV After ng Church Service, paalis na sana ang pamilyang Villamore ng nilapitan sila ng magkapatid na Hudson. Pagkatapos nilang mag-usap, pumunta silang lahat sa AVR maliban kay Avich. Naiwan siyang mag-isa sa labas. Sa loob naman ng AVR, nagsimulang magsalita si Levi. "I-I want to ask for your permission po to court Avich." Kinakabahan niyang sabi. Nagtinginan ang mag-asawa sa narinig. "Actually, matagal ko na siyang gustong ligawan. Pero I chose to wait for God to give me a go signal. And now, I think this is it." "Talaga ba iho? Kelan pa yang matagal na? Alam ba ito ni Avich? Kaya ba bigla siyang naging active sa church? Kasi alam niyang may gusto ka sa kanya?" Napakunot ang noo ni Levi sa narinig pero nawala din ito agad at sinabing, "Hindi ho niya ito alam. In fact, I made her believe she was only like a younger sister to me. Also, hindi ho dahil sakin kung bakit siya naging active sa church. She's really sincere in serving the Lord." Tumango naman si Marv sa sinabi ni Levi. "Tama po si Levi, Ate. I can testify to that. Kung hindi ho kayo sure sa amin, pwede niyo rin tanongin si Kaira. Siya yung nagsisilbing spiritual mentor ni Avich." "Ganun ba, Iho? Ayoko lang kasing mapalayo siya sa kalooban ng Diyos. Alam niyo naman yung mga nangyari sa ibang youth natin rito, di ba? Na kunwari nagseserbisyo sa Diyos, pero ang totoo, ginagawa lang yun para mapalapit sa crush nila o para magpasikat." "Naiintindihan po namin kayo. Pero wag ho kayong mag-alala. Nakikita po namin ang sincerity ni Avich when it comes to serving God." "Eh, salamat naman sa Diyos kung ganun. Kaya lang, hindi naman sa ayaw namin sayo, Levi. Nakikita namin na mabuti kang bata. Gusto lang sana namin kasing makatapos muna ng pag-aaral si Avich bago pumasok sa isang relasyon eh." Hindi nakasagot si Levi sa sinabi ng ginang. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Natahimik sila sandali bago nagsalita si Marv. "Ah, hindi naman ho sa pinangungunahan ko kayo, pero sa tingin ko naman mabuti pong ligawan ni Levi si Avich ng maaga. Para na rin mabaling sa isa ang attention niya at sa isang Kristiyano pa. Hindi sa iba na unbeliever. Di ba, ho? Hehe" Napatingin si Levi sa Kuya niya at nagtinginan ulit ang mag-asawa na parang nag-uusap lang sa mata. "Ang inaalala ko lang kasi, baka madistract si Avich at di na makapagpokus sa eskwela niya." "Rest assured po, Tita. I will make sure po na hindi niya pababayaan ang pag-aaral niya." ani Levi nang nakangiti. Ilang minuto pa ay bumukas ang pintuan ng AVR at dali-daling tumingin si Avich dun. Nakita niyang lumabas muna yung ina niya tapos sumunod na yung iba. Nagpaalam agad si Marv sa kanila while nanatili si Levi sa kinatatayuan niya. "Ma, tapos na kayo? Uwi na ba tayo?" tanong niya at napasulyap sa taong ilang araw na niyang iniiwasan. Si Levi. Tumingin ang Nanay ni Avich kay Levi bago tumingin ulit sa anak niya. "Hindi pa, anak. Sa labas raw tayo kakain. Libre raw ni Levi." ani nito na may halong ngiti. Nasorpresa si Avich sa sinabi ng ina. "Talaga? Anong okasyon, kuya? Or trip mo lang manglibre ng random?" "Baka. Tara na po?" ani nito sa Nanay at Tatay ni Avich. …. Habang kumakain sila sa isang restaurant, hindi napigilang magtaka ni Avich sa nangyayari. Pano ba naman kasi, panay usap yung mga magulang niya kay Levi. Lalong-lalo na ang Tatay niya. Avich's POV "Excuse me po." Ani ko at tumayo para pumunta sa banyo. Pagkarating ko ron, di ko mapigilang tumili. Buti nalang at walang ibang tao sa loob. "Lord, ano bang nangyayari? Para naman tong lunch with my family kasama ang b-boyfriend ko!" Nasa isang restaurant kasi kaming pamilya kasama si Levi. Siya na naman ang nanlibre sa amin. Seriously, ayokong mag-ilusyon. Pero pag napasulyap ako kay Levi habang kumakain kami kanina, I always find him already looking at me! And everytime, he has this smile na parang inaasar niya ko. Ano bang ibig sabihin nun? Ano bang nangyayari sa araw nato?? I took a deep breath para kalmahin ang sarili ko. "Kalma, Avich. Baka gusto lang talaga manlibre ni Levi. Like usual! Walang ibang ibig sabihin yun!" I looked at the mirror in front of me. "Tama. Walang ibig sabihin yun. After all, younger sister lang ang tingin nun sayo. Kaya bumalik ka na run bago pa sila magtaka kung napano ka na." I went back to our table at kumain na ulit. "Anyari nak? Natae ka ba?" ani ni Mama na nakapagpasigaw sa akin. "Ma!" "Hon, kumakain tayo. At nandito si Levi. " mahinang sabi ni Papa kay Mama. Pagtingin ko kay Levi, tumatawa lang siya ng mahina. "Ay sorry, iho. Alam mo kasi si Avich lang ang nag-iisa kong anak. Kailangan ko siyang alagaan. Baka kasi mapano." "Don't worry po. Naiintindihan ko po kayo. Si Mama rin ganun sa amin. Kahit na ngayong malaki na kami." "O di ba? Narinig niyo yun ah! Palibhasa kasi binabalewala nila ang pag-aalala ng isang ina." "Nakakahiya kasi kay kuya." "Nahihiya ka pa rin sakin, Vich? Akala ko past na tayo jan?" I merely narrowed my eyes at him at di na nagsalita. Pero pinagsisihan kong hindi ako nagsalita dahil… "Naku, ganyan talaga ang tao pag nagkacrush sa isang tao. Napakamahiyain!" "M-ma, ano bang pinagsasasabi mo jan?" I said as I felt myself blushing lalo na nang mapansin kong nakatitig sa akin si Levi. "Oh? May crush sa akin si Avich, Tita?" Sana lamunin na ako ng lupa ngayon. "Ah, di ko nasabi sayo iho?" Habang nag-uusap sina Mama at Kuya, di ko napigilang tingnan ang kaisa-isang taong natira. Nagbabakasakaling pigilan niya yung asawa niya. Pero, wala rin eh. Lord, ikaw lang talaga ang tunay na nagmamahal sa akin. huhu Tulungan mo ako rito! "Hmmp! Sino bang hindi nagkacrush kay Kuya? Halos lahat nga siguro ng youth na babae sa church may crush sa kanya! Bakit kuya, bawal magkacrush sayo?" sabi ko naman pero bigla rin akong natauhan sa mga pinagsasasabi ko. Avich! Yang bibig mo talaga! He only smiled at tapos umiiling-iling. Anong ibig sabihin nun? Tsk. Nasanay na siguro siyang may nagcoconfess sa kanya. Kaya he doesn't look surprised sa narinig na confession galing sa akin. Nang umuwi kami sa bahay, kumabog ang puso ko dahil tinawag ako ni Mama kasama si Papa sa tabi niya. Sure ako pinag-iisipan na naman niya ako ng masama dahil una kong sinabi sa lalaki na crush ko siya. Pero naalala ko naman yung sinabi ni Ate Kai sakin. Na kahit anong gawin ko, pag hindi ito gusto ng tao, pangit talaga ang pagtingin nito sa ginagawa ko. Kaya naman bahala na si Lord sa akin. Sa tingin ko mabuti na rin na sinabi ko kay Levi yung about sa crush ko siya. Nang sa ganun, wala na akong sekreto pa sa puso ko. "Avich." "Bakit?" I asked sounding defensive of myself. Ayoko ko kasi talaga ng mga ganitong scenes eh. "Anak, kung sakaling gusto mo nang magkaboypren.." What?? "Hindi ka namin pipigilan. Sa tingin naman namin, nasa tamang edad ka na. Malapit ka na ring magkolehiyo. Pero isa lang ang hihingin namin ng tatay mo sayo. Na sana wag mong papabayaan ang pag-aaral mo." "M-Ma?" ani ko kay Mama at sumulyap kay Papa. "Tama ang nanay mo, Avich. Sana di mo kami biguin." Ngumiti si Nanay sa akin at sinabing. "Ganda mo! Mana ka talaga sa akin, di ba hon? Haha" Pagkatapos nun ay sabay silang lumakad para magbihis na. Nakapansimba pa kasi sila gaya ko. Ano raw? Sobrang wirdo ng araw nato talaga. Kinabukasan, narinig kong sumigaw si Mama para gisingin ako. "Avich, gising na! Nandito na sundo mo!" Tsk. Ano ba yang pinagsasabi ni Mama? Kahapon pa yan ah. At isa pa, di na naman ako nakapagdevo ng maaga! Hays.. So I decided to just pray a short prayer before going to take a bath. As I prayed, bigla ko nalang narinig ang pamilyar na boses ng lalaki na kinakausap ni Mama. Medyo maliit lang naman kasi ang bahay namin kaya kahit may divider, naririnig ko lang ang boses ng tao na nasa kabila. But it can't be him, right? Hindi. Hindi. Bakit naman pupunta si Levi sa amin ng maaga, di ba? Pero as I continued to hear his voice, I can't help but run and see for myself. And when I did, my eyes widen in surprise. "Kuya!?" "Hey Avich. Good morning to you, too." ani niya with matching smile pa. Siya nga! P-P-Pero bakit siya nandito!? "Kuya, ba't ka nandito?" sabi ko sa kanya nagpepretend na kalmado. Naman oh! Ang chaka ko pa naman sa umaga. Ang baho pa ng hininga! I pretended na naiinis ako sa buhok ko para di halata na medyo inaayos ko ito. "Ah, I'll be courting you from now on." ani niya with a smile. Hearing that, bigla akong natigilan sa pag-aayos ng buhok ko. "A-Ano, sinabi mo?" "Ang sabi ko, ang ganda mo sa umaga. Maaari ka bang ligawan?" HAAAAA?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD