Levi’s POV
Nasa van kaming lahat maliban sa isa. Si Avich. Ilang araw na rin siyang hindi sumisipot sa worship burn session. Nag-aalala na kami sa kanya. Kaira tried to contact her pero hindi nagrereply si Avich sa kanya. Nakakalungkot man pero kung pinili niyang hindi sumama sa amin, wala na kaming magagawa. Pinili na lang namin na ipagdasal siya dahil tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung ano nang nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang kontakin pero hindi naman ako pwede. After all, babae pa rin siya at lalaki ako.
“Nasaan na kaya si Avich? Sana okay lang siya.” Sabi ni Kaira.
“Don’t worry. I’m sure okay lang siya kahit nasaan man siya ngayon.” Sabi ko pero kahit ako hindi mapalagay.
“Sana nga.”
“Kinontak mo ba si Tita Marga?”
“Oo. Pero di rin sumasagot eh. Try kong tawagan mamaya.”
“Sige.”
“Wag kayong mag-alala guys, baka may problema lang si Avich. Babalik din yun panigurado.” Sabi ni Ariel.
“Oo nga. Ganun naman si Avich. Mawawala, tapos bumabalik. Kaya hintayin lang natin siyang bumalik.”
Totoo naman. Pero kung may magagawa ka naman para maencourage mo siya, pwede mo namang gawin yun di ba?
“Guys, ano kasi si Avich napapansin kong sanay kasi siyang walang nagfofollow up sa kanya. Sanay siyang walang nagpapakita ng concern sa kanya. Kaya siguro, kahit ngayon tingin niya okay lang na umalis o bumalik kahit kailan niya gusto dahil baka iniisip niya wala namang may pakialam kung babalik pa siya o hindi. Hindi naman sa wala siyang pakiramdam o ano. Bata pa kasi siya, kailangan pa niya ng constant reminder na kailangan siya. At na may responsibilidad siya. Na may lugar siya sa mundo. Ito yung problema sa simbahan natin eh, kung may mawawala walang nagfofollow up. Kaya nawawalan tayo ng myembro. Yung iba iniisip na wala tayong kaibahan sa ibang relihiyon. Dahil hinahayaan lang natin ang isa’t-isa. Pero ako, ayoko ng ganun. God told us to encourage one another. Kaya kung may problema ang isa, dapat kausapin natin siya. Ipaalam natin sa kanya na hindi siya nag-iisa.”
Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Kaira. Tama siya. Kaya may mga bata na katulad ni Avich ay dahil walang naglakas ng loob para kausapin sila. Walang naglakas ng loob para gumalaw at i-encourage sila na magpatuloy sa kabila ng paghihirap.
“Tama ka, Kaira. Dapat may gawin tayo. Di tayo dapat umasa lang kay Pastor.”
“Oo nga.”
Ngumiti si Kaira. “Salamat at naiintindihan niyo ako.”
“O, anong gagawin natin? I-cancel ba natin ang worship burn tapos hanapin si Avich? Di ba ganun sinabi ni Jesus? Leave the 99 to search for the one that was lost?”
I smiled at that. Sounds good to me..
“H-Ha? P-pero..”
“Alright, it’s settled then. Let’s call the head staff and tell them about it.”
“L-Levi, sang-ayon ka din?”
“Why? Tama naman. Ano bang ginagawa natin sa mundo? Di ba to follow Christ?”
“Yeah!” sabay sabi nila Ariel at France. Walang nagawa si Kaira kundi tumawa na nagagalak.
“Haha you guys.. hindi ko alam kung sigurado ako pero go ako since I follow Jesus.”
“Alright! Call ‘em na!”
“At tara’t hanapin si Avich!”
Avich's POV
It was dinner time at nagluto muna ako ng hapunan. Maya-maya kasi, darating na si ate Vevet galing trabaho. Pinsan ko sa Father’s side. Dito muna ako namalagi sa kanya matapos kong lumayas sa bahay. Napuno na kasi ako sa verbal a***e ni Mama tsaka pambebelt niya sa akin everytime na ayaw niya sa ginagawa ko. Pinagalitan niya kasi ako dahil late akong nakapagluto. Medyo ang init din ng ulo ko nung araw na yun dahil meron ako kaya nasagot ko siya. Pagkatapos nun, pinalo niya ako ng belt. Di ko na kinaya kaya naisipan kong lumayas habang tulog pa sila. Kaya ngayon ikatlong araw ko na rito sa apartment ni Ate Vet. Mabuti at pumayag naman siya.
Naisip kong sabihin kay Ate Kaira ang nangyari pero ayoko na siyang abalahin pa. Kaya hindi ako nag open ng social media. Sure naman ako na okay lang sila ron kahit sila nalang ang pumunta sa worship burn. After all, wala namang may paki kung magpatuloy ako o hindi. Katulad noon. Siguro babalik ako isang araw pero hindi pa sa ngayon. After all, naging ikalawang tahanan ko na ang church namin.
Saktong pagkatapos kong magluto ay dumating si Ate.
"Tapos na po ako magluto. Kakain na po kayo o mamaya na?"
"Kain na tayo, Vich. Gutom na ko eh"
"Sige po." Sabi ko at naghain ng pagkain para kumain na kami.
Habang kumakain kami, biglang nagsalita si ate. "Vich, kelan ka ba uuwi?"
Natigilan ako sa pagkain sa narinig ko.
"I mean, hindi sa pinapaalis na kita, pero matalino kang bata. Umayos ka nga. Binigyan ka ng mga magulang para bantayan ka, disiplinahin ka at mahalin ka. Kaya bakit andito ka pa rin? Umayos ka ha, Vich. Sinasabi ko sayo." sabi ni ate tapos tumayo. "Ako na maghuhugas ng pinagkainan natin. Ilagay mo lang sa sink pagtapos ka ng kumain."
Nang umalis si ate, hindi ko alam kung anong nangyari kasi imbes na magalit ako dahil pinagsabihan niya ko, bumabalik-balik sa kin ang mga salitang 'Umayos ka nga'. At habang ulit ng ulit ito sa isipan ko, naramdaman kong parang hindi si Ate Vevet ang nagsasabi nun.
Pero kung hindi si Ate, sino?
Habang nag-iisip ako, bigla nalang pumasok sa isip ko ang 'Holy Spirit'.
Holy Spirit?
I frowned at that and just decided to ignore it.
Nonsense.
Habang nag-iisip ako biglang may nagpark sa tapat ng apartment. Nakabukas kasi medyo ang pinto kaya nakikita ko ang nasa labas. Isang puting van. Parang pamilyar ang sasakyang to..
Biglang bumukas ang pinto ng van at niluwa nun si Levi. Sa aking nakita, nagmistulang tambol ang puso ko naglulundag sa saya.
A-Andito siya? P-Pero bakit?!
Nakita kong sumunod si Ate Kaira sa kanya pati na si Kuya France at si Kuya Ariel.
T-Teka, anong ginagawa nila rito??
“Dito ba?” Tanong ni Ate Kaira.
“Ito yung address na binigay ni Tita Marga.” Sagot ni Levi.
Tita Marga? Pinuntahan nila si Mama para hanapin ako?
“Vich, may tao sa labas. Tingnan mo nga.”
“Ah, oo te. Mukhang andito mga kasama ko sa church.”
“Ha? Edi papasukin mo na.”
“Opo.” Dali-dali kong binuksan ang pinto ng malaki.
“Ate Kai? A-Anong ginagawa niyo rito?” sabi ko paglabas ko.
“Avich!” Masiglang bati ni Ate at lumapit sakin para i-hug ako. “Nag-alala kami sayo. Kala namin kung nasan ka na. Di mo man lang kami kinontak.”
H-Ha? N-Nag-alala sila sa akin? May nag-aalala pala sa akin?
Pinilit kong pigilan ang sarili ko. Para kasi akong naiiyak.
“Oo Vich. Kala namin napano ka na. Buti okay ka lang. Hehe” ika ni Kuya France.
“S-Salamat. Sana di na kayo nag-abala. Dapat pala nagchat ako kay Ate Kai. Yan tuloy naabala ko pa kayo.”
“It’s nothing, Avich. We are called to love and encourage one another as followers of Christ. That is our symbol as His followers.” sabi ni Kuya Levi.
Natouch ako sa sinabi ni Levi. Wow naman …
“Tama tama! Kung di dahil kay Kaira, di namin marerealize yun.” sabi naman ni Kuya Ariel.
“Naman o, pwede mag-inarte? Naiiyak kasi ako. Haha” sabi ko sa kanila. Tumawa naman sila dun.
“Pwede naman. Iiyak na yan!”
Nagpanggap akong may pinahid-pahid akong luha roon. “Oh my gash, I’m so touched guys. Arigato gusaimasu!” Sabi ko tas nagbow pa.
Mas natawa sila sa ginawa ko. Matapos ang greetings ay pinapasok ko sila sa loob.
“Ahm, pano yung worship burn te? Di kayo pumunta?”
“Ah, nagcancel kami. Naintindihan naman nila. Proud nga din sila sa desisyon namin.”
“Wow, naman pinauulan ata ako ng love ni Lord ngayon ah.”
“True. He is love indeed.”
“Amen!”
Ang kaninang malungkot kong mundo ay napalitan na ng tinatawag sa bible na “Joy” Sa ilang taon kong pagkarinig ng word na yan, ngayon ko lang naintindihan kung anong ibig sabihin ng salitang Joy. Hindi mapapantayan na saya. Na kahit bagsakan pa ako ng maraming bato ngayon, okay lang. Ganito siguro ang blessings na sinasabi sa bible. Walang kapantay na kasiyahan. Na kahit walang materyal na bagay, o maraming pera o kaya maraming handaan, basta ba nagmamahalan, okay na okay na.
“Order tayong food. Ano gusto niyo guys?” sabi ni Levi. Ang galante ah. Halos kada kita namin nanlilibre. Iba na siguro may trabaho ano?
“Wow, rich boy talaga nitong si Lev.”
“Naku kuya, baka masanay kami niyan. Ubos savings mo panigurado.” Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng lakas ng loob magbiro kay Levi. Nahihiya pa rin kasi talaga ako sa kanya after all these years. Kaya never akong nag-initiate magsalita sa kanya.
“Wag kang mag-alala, Avich. Maraming ipon yan si Levi. Alam mo bang sikat na saxophonist yan sa Canada?”
Napataas ako ng dalawang kilay. “Oh? Astig mo pala, kuya.”
“Di ba?”
Umiling lang si Levi don. Ang cute niya namumula. haha “You guys.. So ano, order ba tayo o hindi?”
“Order na!”
“Pizza, Pizza!”
“Okay. Drinks?”
“Coke sakin.”
“Ako rin.”
“Wag na ako, Lev. Water lang ako.”
Hindi ako nagsalita. Nakakahiya kaya magrequest!
“Ikaw, Vich?”
Gusto ko sana ng something creamy pero mahal yun. Ang arte ko naman ata pag nirequest ko pa yun.
“Ha? Eh ano, tubig lang din ako kuya.”
“Ay naku, mga singerist nga naman. Conscious sa mga boses nila!”
“Naman! Lahat ng magagandang bagay takes sacrifice, brad.”
“Oo nga naman.”
“Discipline ata ang right word dun, Ariel.”
“Ay, oo nga no?”
“Ayusin mo kasi!”
Tumawa ako sa kanila. Ang lively talaga pag kasama ko sila. Feeling ko malaya ako.
…
"Kumusta ka naman?" Tanong ni Ate habang kumakain kami ng pizza. Nakaupo kami sa sofa habang nasa floor naman ang mga lalaki. Nag-uusap sila. Paraan din siguro nila yun para bigyan kami ng privacy ni Ate.
"Okay lang. Paano niyo po ba nalamang nandito ako? Sinabi po ba ni Mama sa inyo?"
"Oo. Papunta na kasi sana kami sa House of Prayer nang napag-usapan ka namin. Ewan ko kung anong nangyari pero napagdesisyunan ka naming hanapin.” Ngumiti si Ate at inabot ang kamay ko. “Love na love ka ni Lord, Avich. Pinahanap ka Niya sa amin.”
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero parang ang puno-puno ng puso ko sa galak. Ito na kaya ang sinasabing “The Love of Christ?”
“Thank you sa inyo ate. Salamat din kay Lord.”
"Nga pala Vich, ano bang nangyari? Ba't ka umalis ng bahay niyo? You know you can tell me everything right? Pero okay lang din naman kung ayaw mong ishare."
"Ahm.. Alam ko naman na mali rin na inuna ko yung pagco-computer pero hindi kasi yun ang unang beses na nangyari yun ate. Na sinasaktan niya ko everytime na magkamali ako. Everytime na nangyayari yun, I just want to leave that house. Pero di ko ginawa. Pero nung araw na yun, napuno na talaga ako kaya nagpasya na'ko na umalis na." sabi ko na may luhang dumaloy sa pisngi ko. “Sorry, emosyonal ko yata ngayon. haha” pinahiran ko ang luha ko. Kakahiya. Andito pa naman si Levi. Sana di niya nakita. Nang sumulyap ako sa kanya hindi naman siya nakatingin. Mabuti naman.
“Okay lang, Vich.”
“Siguro oa lang ako o ano hindi ko alam pero talagang wala eh. Umalis na talaga ako.”
"I see. So, that was the reason kung bakit di ka na pumupunta sa sessions? Kasi malayo ka na?"
"Hindi po. Before pa po nangyari yun, gusto ko na talaga magstop."
"Bakit?"
"Same old. Nagkasala kaya I don't feel worthy to be a worshiper."
Hindi nagsalita si Ate agad tapos. "Avich, may sasabihin ako sayo. Di ba singer ka?"
Tumango ako roon. “Yeah, I think. Haha”
"Pagnagpapraktis ka ng kanta, perfect ka ba agad? Hindi ba nagkakamali ka rin minsan?"
"Opo. Nahihirapan nga ako minsan eh."
"Tama. Nahihirapan ka. Pero nagko-quit ka ba pagnahihirapan ka? Di ba hindi? Di ba tuloy-tuloy ka lang sa pag praktis until you get better at it, until you perfect it? Right?"
Tumango-tango ako na parang gets ko na kung saan ito pupunta.
"Same rin yan sa Christian walk. We don't quit because of a mistake, we don't quit kasi we feel unworthy. After all, we were already unworthy even before we became believers. But Christ in us is the one who made us worthy again before God. So since Christ is in us(Holy Spirit) we don't quit. We can ask for His strength as we continue to press on until we become Christ-like. Having the mind of Christ. Having the attitude of Christ. Transformation doesn't happen overtime. Even a seed takes months or even years to grow. So there is no need for you to quit everytime na nahihirapan ka or kahit anong nararamdaman mo. Just continue. Because God is always right there to cheer you up, give you strength, and lend a helping hand."
Tumango-tango ulit ako kay ate. "So, anong gagawin ko te?"
"You pray. Look, I know na nadadala ka ng hiya mo. Pero the Lord instructed us to Trust in HIM. He didn't say trust in your feelings or your own opinions. He said, 'TRUST ME'. And I will make your path straight."
Tumawa ako ron. "Oo nga no? Ate, bakit ba ko istupida?"
"Then that makes the two of us."
Nagtawanan kami ni Ate sa inside joke namin.
….
Pagkatapos magpaalam nina Ate at mga Kuya I began to pack my things. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Ate kanina, I realized na tama siya. Na ang ating mga magulang, kahit gaano pa sila ka close satin, tao pa rin naman sila. At ang tao, normal na sa kanya na mas tandaan ang mali kesa mga tama o mabuting nagawa mo na sa kanya.
Judge ako nang judge kay Mama pero ginawa ko rin naman ang ginawa niya. I also chose to look at what she did wrong to me instead of remembering all the good things she has done. Kaya, what right do I have to judge her, right? We're just the same, looking at each other's faults. So there is no reason for me to stay here. I have to face my problems. Not to run away from them.
Pagkatapos kong mag-impake kinausap ko si Ate Vet na uuwi na ako.
“Mabuti natauhan ka na, Vich. Sige bukas ka na umuwi dahil gabi na din naman.”
“Okay te. Maraming salamat po pala sa lahat.” Kahit noon pa man si ate lang ang masasandalan ko. Siya lang yung malalapitan ko sa tuwing may project ako tapos walang pambayad si Mama. Siya yung hinihingan ko ng tulong para may project ako. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya.
..
When I arrived home, my mom looked happy to see me and even tinanong kung kumain na ba ako. My dad naman, hindi niya ko kinibuan. Well, matagal na din naman niya akong sinukuan. So why bother caring how he treats me, right?
My life went back to normal after that. Bahay, School, church routine. Ang kaibahan lang, unti-unti akong napapalapit sa Diyos.
Second sem of 11th grade came and I gained two friends. They are my classmates named Grail and Rein. Hindi ko alam kung bakit may naging friends na naman ako kasi hindi ko na naman gustong makipagkaibigan after nung fallout ko with my friend before.
Pero sa kabilang banda, siguro it was GOd's hands who made it possible. Gaya nung binigay niya sakin si Vella when I was in highschool. And to be honest, magkapareha sila ni Grail ng attitude. Sobrang understanding sa moody self ko. Pero awa ng Diyos, hindi na naman ganun kalala ang pagkamoody ko. Si Rein naman, bakla. Pero hindi naman halata pag hindi siya nagsalita. In terms of attitude naman, para siyang servant like kumbaga. Napakahumble niya kasi. Kaya lang, tamad mag-aral. haha
"Vich, may phone ka na?" asks Grail nang makita niya kong nanood ng anime. Yaz, nanonood pa rin ng anime ang lola niyo.
Pero I prayed to God para hindi na ako masyadong maobsess sa mga gwapong animes para hindi ako magkasala. Minsan nga nagdasal ako na sana ibahin Niya ang turing ko sa mga animes. After all, they're not real people. They're just characters drawn by a human like me. Buti naman at tinulungan ako ng Diyos kaya hindi na ako masyadong lulong sa kanila.
Nung isang araw nga nung grabe yung s****l urge ko, I struggled within but I prayed like mad to the Lord. I even said na,
'Lord, kung di niyo ako tutulungan, talagang magkakasala ako sa Inyo.'
I know it sounded like a threat or something. Pero I was so done with doing that thing and always end up feeling guilty and shameful. And filthy even. By God's grace, tinulungan naman Niya ako at bigla nalang, kumalma ang urges ko. Sobra nga akong namangha sa kapangyarihan ng Diyos sa araw na yun eh. Imagine? Ilang taon akong nagstruggle don, but God, He calms my urges in a blink of an eye! It was like when He calmed the storm nung nasa boat sila ng mga disciples Niya.
O di ba? Ang bongga pala ni Lord! Nung una talaga, akala ko galit si Lord sa mga tulad kong makasalanan. Ipokrita. Pero nang kilalanin ko ang Diyos, nag-iba na lahat sa buhay ko.
"Oo. Bigay ni Mama. Lumang phone niya to." sagot ko kay Grail.
May pautang kasi sa Mall na pinuntahan ni Mama. On sale ang prize kaya she took the opportunity at umutang na rin. And since may bago na siya, she gave her old phone to me. Okay pa naman. Hindi naman ito mukhang luma talaga. Maingat kasi si Mama sa mga gamit niya kaya mukha pa rin itong bago kahit 2 years na niya itong ginagamit.
"Luma? Di halata ah. It looks nee-yo." sabi ni Rein.
Oa talaga nito. haha I rolled my eyes at him pero hindi ako nagsalita.
"Nga pala, anyare sa bible study mo? Di ba nagconduct ka nun?" Grail asked suddenly.
Ah, yung bible study.
The bible study na kinonduct ko after being filled by a burning passion to share the gospel to my classmates. May ilan din naman na sumali pero kalaunan nawala rin kasi bigla nalang kaming naging busy. Pagkatapos naman ng busy season, parang nawalan na rin ako ng motivation to continue. I wonder kung para sakin ba talaga ang pagconduct nun o baka naman naging tamad lang ako?
"Bakit? Sasali ka na ba?"
Hindi kasi sila sumali na dalawa ni Rein. Kaya medyo hindi ko naramdamang may support ako. Di ko naman sila masisisi. Hindi nila love si Lord eh. Si Grail, love niya ang Kpop. Si Rein, love niya ang pagbabasa nang gay romance. Kaya ang ginagawa ko nalang ay ipagdasal sila. Minsan naman, I talk to them about God kung may pagkakataon. Nakikinig naman sila sakin. Pero I think ginagawa lang nila yun para respetuhin ako dahil kaibigan nila ako.
"Ah..nagtatanong lang naman."
"Pssh. Nawalan ako ng motivation. Tsaka parang ayaw na rin namang sumali ng iba." I said as I looked at my other classmates.
Also, baka hindi pa ko masyadong handa para maglead ng bible study sessions.
Saturday came and I'm at church watching anime while waiting for the other members to come for the Musical Worship practice. Na-assign kasi ako as back-up singer for tomorrow’s service. So here I am. Sitting in a chair.
"Hi Avich!" rinig kong tawag sakin.
"Hello po, Kuya Marv." sabi ko with a slight smile.
"Di ba naging estudyante ka ni Levi sa sax?"
"Oho. Pero nagstop po ako. " Tumayo ako nang narealize kong kakausapin ako ni Kuya Marv sa isang bagay.
"I see. Pero hindi yan problema! You can always come back to continue the lesson. Kasi i-aasign na kita as a saxophonist at least once a month starting next month. Just enough para masanay ka na as instrumentalist. Pag naging comfortable ka na, baka maaaring ka nang maging sub pag hindi available si Kuya Levi mo or baka nga ikaw na mag-initiate na tutugtog ka every sunday together with Levi. "
Ha??
"Don't worry. Alam na ni Levi ang tungkol dito. Kaya kayo nalang ang mag-usap kung kelan kayo magpapraktis na dalawa ulit."
"Eh, kuya.."
Pwede bang iba nalang magturo sakin? Nakakailang kasi pag si Levi ang kasama ko. Lalo na't mas lumalalim pa yung feelings ko para sa kanya these days. Most especially nung sa worship burn sessions. Naging close close kasi kami ni Levi after nung pagbisita nila sa akin kina Ate Vet. Dun ako naging medyo komportable sa kanya. Lalo pa’t palagi siyang nagdadala ng pasalubong para sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako binibigyan ng pasalubong pag nagkikita kami. Although hindi lang naman ako yung dinadalhan niya, kasi binibigyan niya rin yung iba, ang traydor kong puso di mapigilang mag-ilusyon na ako ang dahilan kung bakit palaging may dalang pasalubong si Levi pagdating niya. Kaya mas lalo ko lang siyang nagugustuhan. Hayss.. ano ba yan!
"Ayaw mo ba? Sayang naman ang natutunan mo kung hindi mo ito gagamitin, di ba? Magaling ka pa naman tumugtog. Naririnig kasi kita tumugtog paminsan pagdumadaan ako sa AVR before."
"Ah, hindi naman po sa ayaw ko. Eh kasi.."
"Eh kasi?" rinig kong sabi ng taong nasa likod ko.
"Oh Levi!"
Gak! Levi?!
Now, pano ko sasabihin kay Kuya Marv na ayaw kong si Levi ang magtuturo sakin, kung nandito na pala siya!?
Arghh.. Lord help!
"Kuya." bati ni Lev kay Kuya Marv.
"Nandito ka na pala. Sakto. Kayo na mag-usap na dalawa ha. Iche-check ko pa kasi kung nakapagset-up na ba yung production team."
Nga pala, music director din si Kuya Marv.
Pastor na nga, tatay pa, music director, tapos may trabaho pa siya sa isang companya! Ang busy niya ha. I wonder kung pano niya nakakaya lahat?
"Sige Kuya. So, what seems to be the problem, Avich? By the way, wala akong dala ngayon. Gusto mo order tayo?"
Yan talaga pinoproblema mo kuya? Hayss.. Tsaka gaano ka ba kayaman?
Halos kada kita ko kasi sa kanya, panay libre niya sakin o sa iba.
"Uh, kasi may tanong ako."
"Ano yun?"
"Pagba- " pero nang naisip ko na masyadong obvious na tungkol sa aming dalawa yung itatanong ko sa kanya, dali-dali akong nagchange topic. " ay, si Ate Kai nalang pala tatanungin ko. Balikan kita, kuya." sabi ko tas aakmang aalis pero hinawakan niya ang braso ko resulta ng pagkabog ng puso ko at pangunguryente ng brasong hinahawakan niya.
Suddenly, I felt something stir within me. A feeling na parang he was consuming me with just that one touch making me feel like I'm out of control. At ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang nararamdaman kong naa-out of control ako sa sitwasyon. Kasi feeling ko, talo ako.
"Hindi pa siya dumadating." ani niya.
I withdraw my arm with force and said coldly. "Don't touch me."
Levi was surprised at that. "Sorry. I- I won't do it again."
Para naman akong nahimasmasan dun sa sinabi niya making me come back to myself. "Ah, wag kang magsorry, Kuya. Nag-overreact lang ako."
"No. It's my fault. I shouldn't have touched you so casually." he said and put his hands on his pockets.
Sigh. Lord, pwede magconfess ng nararamdaman? Ang bait kasi ng lalaking to. Siya pa nagsorry kahit wala naman siyang kasalanan.
There was a pause and then.
"Kuya, kasi-" "Avich, I-" sabay naming sabi which end up with the both of us laughing.
"Ikaw muna, kuya."
"Sige. Ako na. Baka mastuck pa tayo pag sinabi ko ring 'Ikaw na muna'."
Natawa ako ulit ron.
"Avich, I hope that you will really play the sax. I'm sure that the Lord would want you to as well. I believe that there is no such thing as coincidence. Lahat may dahilan. And I'm sure God sent me here to help you discover a talent He has put in you to give Him glory."
Tama naman siya.
"And I'm sure na balang araw, ikaw na rin ang magtuturo ng sax sa ibang gustong matuto."
"Taas naman ng confidence mo sakin, kuya."
"Syempre. Ako kaya nagturo sayo."
"Ay, ayun na. Lumabas rin ang totoo. Ang totoong kulay ni Levi Hudson! Medyo mayabang din pala. haha"
Natawa siya dun. "Buti medyo lang. So.. ano na?"
"Ahm… Fine. Basta para kay Lord, go ako."
Napangiti siya sa sagot ko. "Good."
Lord, ang ngiti niya talaga o…