PINAGMASDAN lang siya ng binatang prinsipe sa hindi nito pagtataka kung bakit siya naroon sa pagtitipon na iyon. Inalis din nito ang tingin sa kaniya sa patuloy nitong pagbaba sa hagdanan. Hindi pa man ito nakakarating sa pinakahuling baitang sinalubong na ito ng heneral. Bumulong ang nakatatandang opisyal na tinatakpan pa ng kamay ang gilid ng bibig na para bang maririnig nilang mga naroon ang sasabihin. Pinakinggan din naman ng binatang prinsipe ang lumabas sa bibig ng heneral kapagkuwan ay ibinaling niya ang tingin sa mga nakahandusay na mga kalalakihan, hindi pa rin maipinta ang mukha ng bawat isang lalaki habang dumadaing sa pananakit ng katawan. Sa pagtitig ng binatang prinsipe sa karamihan umalis sa tabi nito ang heneral. Lumipat ng puwesto ang heneral sa harapan ng mga kalalakihan

