SA KAWALAN nga ng magagawa dinalaw siya ng labis na pagkabagot. Hindi talaga siya masanay na nakaupo lamang sa isang sulok kung hindi niya hawak ang kaniyang cellphone. Wala nga namang cellphone sa panahong iyon kung saan marami siyang magagawa: maaari siyang manood nga mga palabas; magbasa ng mga librong hindi pa natatapos; bumisita sa kung anu-anong pook-sapot. Hindi rin naman siya pinahintulutan na maghanap sa mga nilalang na nagtatago sa loob ng palasyo. Pati ang pagdalaw sa kaniyang ina't ama hindi niya rin magawa kung kailan niya gusto. Dahil doon naisipan niya na lamang lumabas ng kaniyang tirahan. Nakuha niya pang magpalit ng simpleng kasuotan na kulay-rosas ang panglabas na roba nang makakilos siya nang malaya na hindi iniisip na mayroong makakilala sa kaniya. Wala pa naman silang

