NAKUHA pa silang ihatid ng heneral sa magiging kwarter ng mga kandidato sa pagiging alalay na tatlong gusaling magkakadikit. Bakanteng lupa ang nasa harapan niyon na walang ano mang halaman tumutubo, ang malapad na papag lamang ang naroon sa bakuran na naliliman ng bubong na gawa rin sa parisukat na laryo. Tumayo silang mga kandidato sa tabi niyon na nakapila habang ibinibigay ng heneral ang unipormeng isusuot nila sa kahabaan ng mga pagsusulit sa pagiging alalay. Nakasunod sa likuran ng heneral ang kawal na bitbit ang kumpol ng mga uniporme. Sa dulo ng pila sila ng kaibigan niyang si Marlo nakapuwesto kaya naghintay pa sila bago makaabot sa kanila ang henera. Nakararamdam pa siya ng gutom dahil sa naamoy niyang niluluto na nagmumula sa kusina na nasa gawing kaliwa niya lang, kumukulo an

