HINDI NIYA na lamang tinapos ang pagkain sa nilagang manok at kamote dahil naiilang na siya sa tingin na pinupukol sa kaniya ng ilang mga kalalakihan na kumakain sa nabubungang papag. Hindi niya nais isipin na hindi nagkakamali ang ginang sa nasabi nito patungkol sa epekto ng kaniyang itsura. Nagtataka siya kung bakit dahil sa kasalukuyan naman ay walang gaanong nagpapapansin sa kaniya. Naisip niya lang na marahil dahil sa kasalukuyan mayroong kahabaan nang kaunti ang kaniyang buhok na tumatakip sa kaniyang tainga't mga mata. Dahil wala namang mapapagmasdang tanawin sa loob ng pader ng tinutuluyan lumabas lamang siya ng tarangkahan. Sa palagay niya naman ay wala pang ipapagawa sa kanila nang mga oras na iyon kaya tinuloy niya ang paglakad-lakad. Napapatingin na lamang siya sa mga gusaling

