SINUGOD nga siya ng oso na mabibigat ang paghakbang kasabay ng pag-atungal nito, tumatalsik ang mga lupang natatapakan nito't nag-iwan ng mga bakas ng paa. Sa pag-angat nito sa kanang paa upang siya ay kalmutin mabilis siyang umatras nang hakbang habang naglalagay ng pana sa palaso niyang hawak. Hindi siya nagdalawang-isip na pakawalan ang pana, pumitik pa ang tali ng palaso nang bitiwan niya iyon. Pinatama niya ang panang iyon sa paa na ipangkakalmot ng mabangis na hayop, bumaon din naman ang pana sa galanggalangan nito ngunit nagawa pa rin ng mabangis na hayop na ihampas ang paa. Mabuti na lamang nagawa niya rin namang umilag sa paggulong niya patungo sa kanan, ugat lang ng puno ang natamaan ng oso na kaagad natapyasan. Inisang ikot niya lamang ang paggulong palayo rito na sinundan niy

