Kabanata 34

4267 Words

PINAHINTULUTAN ang mga kandidato sa pagiging alalay na magkaroon ng kasiyahan dahil sa nakuhang bahagi ng karne mula sa pangangaso sa kakahuyan. Naglagay ng siga sa harapan ng papag na siyang nagbibigay ng liwanag sa kalaparan ng bakuran ng tinutuluyan. Nakapaikot sa siga ang ilang mga kalalakihan na nakaupo lang sa lupa. Nagsiupo naman ang karamihan sa papag habang nag-iinom ng alak. Hindi na maalis ang ingay ng tawanan na siyang naglalaro sa hangin, saksi sa kasiyahan na iyon ang bilog na buwan sa kalangitan katabi ang mga bituing nagniningning. Hindi niya naman makuhang maging masaya nang mga sandaling iyon. Imbis na makisali naupo lang ulit siya sa gilid ng portiko sa harapan ng kanilang silid ni Marlo. Nanunumbalik sa kaniya ang mga sinabi ng demonyo. Hindi niya alam kung bakit siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD