"SAAN mo gustong kumain?" untag ni Richard habang tahimik na nakatingin si Isabella sa papalayong bulto ng mga kaibigan. Napatingin si Isabella sa binata ngunit saglit lang iyon. Ibinalik niya agad ang tingin sa mga kaibigan na palabas na ng engineering building. "Ikaw na ang bahala," sagot niya nang hindi tumitingin dito. "Gusto mo ba sa fastfood o sa restaurant?" Napangiti si Isabella. Agad na bumalik ang tingin niya dito. "Libre mo?" Napangiti ng malapad si Richard. "Sure, why not? C'mon, let's go." Hinawakan siya nito sa kamay at akmang hihilahin nang may humarang sa daraanan nila. "Hey, Richard! Hindi mo man lang ba kami ipakikilala sa kasama mo?" tanong ng isa sa apat na kalalakihan na lumapit sa kanila. Biglang napatingin si Isabella sa nagsalita. Napalunok siya nang matitigan

