KINABUKASAN paglabas ni Isabella sa last period na klase niya ay naabutan niyang naghihintay sa labas ng classroom si Richard. Sinenyasan niya ang dalawang kaibigan na mauna na ang mga ito. Nang makaalis ang mga kaibigan niya ay saka niya nilapitan si Richard. Ubod lakas niyang sinampal ang lalaki. Kung tutuusin kulang pa ang sampal na ibinigay niya rito sa sama ng loob na natanggap niya. Hindi niya akalaing manloloko pala ito. Akala niya noong una na mahal talaga siya nito kaya nagpupumilit na manligaw sa kanya. Ang tanga rin niya dahil naniwala siya. Iyon pala lolokohin lang siya nito. Dapat pala nag-isip na siya noong una pa lang. Iyong katulad nito na bukod sa guwapo, sikat pa, hindi pala magsiseryoso sa babae. Palabas lang pala ang lahat. Wala palang totoo sa mga sinabi nito at ipin

