Chapter 11- Roller Coaster Relationship

1873 Words

“PAANO iyan? Official girlfriend na kita ngayon,” nakangiting sabi ni Richard. Tinaasan ito ng kilay ni Isabella. Nasa tambayan sila ng mga ICT students. Iniwan lang siya sanadali ng mga kaibigan niya dahil nagpunta sa CR ang mga ito. Hindi naman niya akalain na makikita siya ni Richard at bigla na lang lalapitan. May isang linggo na rin naman ang lumipas mula noong nag-sparring sila. “Oo na. Marunong naman akong tumupad sa usapan, eh.” Inirapan niya ito. “Yes! Yes! May girlfriend na ako!” naglulundag na sigaw na Richard. “Hoy, ano ka ba? Huwag ka ngang maingay!” saway ni Isabella. Napatingin pa siya sa paligid sa pag-aalalang baka may nakakita at nakarinig sa kanila na kakilala niya. “Nakakahiya naman iyang ginagawa mo. Pinagtitinginan na nila tayo,” nag-aalalang sabi pa niya rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD