“HOY, ISABELLA!” Napapitlag si Isabella nang maramdaman ang kamay na kumalabit sa kanyang balikat kasunod nang pagtawag sa kanya. Nakita niya si Genevieve paglingon niya sa kanyang likuran. “Hindi ka pa ba uuwi?” nakataas ang kilay na tanong nito. Napakurap si Isabella ng ilang beses. “Ah, a-anong oras na ba?” nagtatakang tanong niya. “Six-fifteen na. Nakasalubong ko na ang mga kasama mong lumabas,” napapailing nitong sagot. Napangiwi si Isabella. “Gano’n ba? H-hindi ko namalayan. Kanina ka pa ba rito?” “Hindi naman. Kararating ko lang. Akala ko nga kanina nakauwi ka na. Pero nang sumilip ako rito, nakita kitang nakatutok pa sa monitor mo.” “Wait, magliligpit lang ako para sabay na tayong umuwi. Umupo ka muna roon.” Inginuso ni Isabella ang sofa hindi kalayuan sa mesa niya. “Okay

