"WALA namang problema sa result ng x-ray mo, iha. Wala kang pilay, na-sprain lang ang tuhod mo. Magrereseta na lang ako ng gamot para mawala ang kirot na nararamdaman mo. Basta inumin mo lang iyong gamot at sigurado ako mawawala din ang sakit, in a day or two. Pansamantala, iwasan mo muna ang anumang strenuous activity," paliwanag ng doktor. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Isabella. Nakahinga nang maluwag si Richard sa sinabi ng doktor. "Maraming salamat po, dok." Akala niya kanina ay napilayan na si Isabella. Kapag nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling nagkapilay ang dalaga. Hindi pa man niya ito girlfriend ay nadisgrasya na dahil sa kagagawan niya. Ang malala pa kung may nangyaring hindi maganda kay Isabella ay baka malabong sagutin pa siya

