Chapter 16 - She's My Mate

1463 Words

PINAHARUROT ni Richard ang kotse niya sa kalsada. Kulang na lang umangat ang mga gulong mula sa semento dahil sa inis niya. Naiinis kasi siya. Ang tagal niyang naghintay kay Derrick, iyon pala nauna na ito sa pupuntahan nilang party. Inutusan na lang nito ang maid nila na sabihin iyon sa kanya. Kung hindi pa siya tinawagan ni Enrico kanina, hindi pa sana niya malalaman na siya na lang ang wala sa kanilang magkakasama. Kaya nagmamadali siyang umalis. Pinagbubuntunan niya ngayon ng galit ang kanyang kotse. Kung tao lang siguro ito, baka bugbog sarado na sa kanya. Pagdating niya sa venue ng party, agad niyang sinuntok sa dibdib ang pinsan niya nang makita ito. “Aray! Bakit ka ba nananakit, ha?” reklamo ni Derrick habang nakahawak sa dibdib nito. Umismid si Richard. “Umalis ka nang hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD