ANONG sinabi mo, Ferdinand? Siya ang mate natin! Iyong babaeng nasa harapan mo! Hindi mo ba naaamoy na sa kanya galing iyong halimuyak ng bulaklak? Si Isabella ang mate natin? Isabella pala ang pangalan niya. Lapitan mo na siya. Dali! “ISABELLA, nandito ka rin pala,” wika ni Richard nang nasa harapan na siya ng dalaga. Nakasimangot ito nang tumingin sa kanya. Walang imik itong tumalikod sa kanya. Ngunit bago pa ito makahakbang palayo, mabilis na kumilos si Richard at humarang ito sa harapan ng dalaga. “Please, huwag ka namang umiwas. Gusto ko lang naman masiguro na ligtas ka,” sinserong sabi ni Richard. “Lubayan mo ako. Break na tayo kaya wala kang pakialam kung ano ang mangyayari sa akin at kung ano ang gagawin ko,” may diing wika ni Isabella. Muli na naman sanang lalayo si Isabe

