Chapter 18 - Danger

1438 Words

PANGITI-NGITI lang si Isabella habang nakikinig sa usapan ng mga babaeng kasama niya. Kaninang iniwan siya ni Richard, sina Arrielle at Diana lang ang kasama niya. Ngunit hindi nagtagal may mga dumating pang iba, mga girlfriend yata ng mga kasama ni Richard. Kaya ngayon walo na silang magkakasama roon. Ngunit tatlo lang sa kanila ang kakilala niya. Bukod kina, Arrielle at Diana, si Genevieve pa, hindi niya kabisado iyong apat. Nakaramdam siya ng panunubig. Kaya nagpaalam siya sa kanyang mga kasama. Ngunit pagtayo pa lang niya, humarang na si Stephen, iyong boyfriend ng isa sa mga kasama niya. “Saan ka pupunta?” seryosong tanong nito. “Magsi-CR lang ako,” tugon niya. “Sasamahan na kita,” wika nito. Tumaas ang kilay ni Isabella. “Baka naman magselos iyong girlfriend mo,” sambit niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD