“YEHEY! Bakasyon na!” halos magtatalon sa tuwa na sabi ni Jade. Pumalakpak naman si Katherine samantalang natatawa si Isabella sa reaksyon ng kanyangmga kaibigan. Ngayon kasi ang huling araw nila sa university. Simula bukas magbabakasyon na sila. Masusulit nila nang husto ang kanilang humigit-kumulang na dalawang buwan na bakasyon dahil wala silang summer classes. Hindi katulad noong mga nakaraang taon na marami silang ginawa kahit bakasyon sa klase. Bago sila tinanggap sa second year noong isang taon dumaan muna sila sa qualifying exam at interview. Lahat iyon naganap habang bakasyon nila sa klase. Kaya hindi nila na-enjoy ang buong summer dahil abala sila sa paghahanda para sa exam at interview. Pero ngayon makapagbabakasyon na sila nang husto dahil wala silang gagawin. Kaya tuwang-

