Chapter 26 - Fear

1237 Words

PAREHONG tahimik sina Isabella at Richard habang nagbibiyahe. Hindi na nagawang magsalita pa ni Isabella nang marinig niya ang sinabi ni Richard kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig mula rito. Paano nito nasabing mahal na mahal siya nito gayong pinagpustahan lang siya? Baka naman nagbibiro lang ito o kaya kinukuha lang nito ang tiwala niya para maging malapit sila ulit sa isa’t isa. Anuman ang dahilan nito, hindi pa rin siya dapat magpakampante kapag kasama niya ito. Hindi siya sigurado kung ano talaga ang motibo nito sa kanya. Ang hirap kasing paniwalaan ang mga pinagsasabi nito. Bumaba agad si Richard nang makarating sila sa waiting shed na malapit sa bahay nina Isabella. “Baba ka na, hanggang dito lang kita puwedeng ihatid,” sabi ni Richard nang ipagbukas siya nito ng p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD