NAG-AALALANG lumabas si Cathellya ng silid ni Lola Ancia. Dala-dala niya ang isang tray na may isang mangkok na halos hindi nabawasan ang lamang sopas. Wala raw ganang kumain ang matanda. Ilang araw na itong nakabalik sa villa at hindi pa rin nagbabalik ang dating sigla at appetite nito. Ang sabi ni Simon ay normal ang ganoon. Matanda na raw ito at masyado itong naligalig sa lahat ng mga nangyari sa villa. Nang makita nilang madalas na ito ngayon sa higaan ay napagtanto nilang lahat na hindi na talaga ito bumabata. Marupok na ang katawan nito. Kaya naman todo ang pag-iingat ng buong pamilya, nilang lahat. Bawal pasamain ang kalooban ng matanda. Kailangan ay walang magdulot ng kahit na anong stress dito. Sina Xander at Kila ay hindi na itinuloy ang paghihiwalay dahil siguradong sasama nan

