“HINDI mo na kailangang gawin `yan. Hayaan mo na lang ang mga kawaksi,” sabi ni Seth. Sandali lang nilingon ni Cathellya ito bago niya ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa sa harap ng lababo. Patapos na rin siya. Naramdaman niyang lumapit ito sa malaking refrigerator at naglabas ng maiinom. “Hindi ka na naman nakikinig sa `kin, Cathellya.” “Wala ako sa mood na makipag-inisan sa `yo, Seth. Gabi na.” Pagod na siya. Wala na siyang lakas upang makipagsabayan dito. Pagkatapos ng mga gawain niya ay nais na niyang magpahinga. Maaga pa siyang gigising kinabukasan upang ihanda ang mga kailangan ni Lola Ancia. “Bakit, sino’ng maysabing makikipag-inisan ako?” tanong nito pagkatapos uminom ng mango juice. “Ang sinasabi ko lang, huwag mo nang galawin ang mga hindi mo trabaho.” Napabuga siya ng hang

