Kabanata XII

4565 Words
Draft I woke up feeling normal. I went to class like nothing had happened. Hindi naman dapat ako naaapektuhan ng ganito. He didn't know about my feelings towards him. He only knew me because of his cousin, Marco. Kung hindi naman dahil sa party na iyon, hindi ko siya makikilala. And it pains me to think that I have to feel it all by myself. Ako pa lang ang tao sa loob ng classroom. Sinadya kong maging maaga dahil ayoko munang magkaroon ng kahit na anong interaction sa umagang ito. Nakaupo sa pinakasulok, magisa, tahimik– habang hinihintay ang paunti unting pagdating ng ibang kaklase. Ilang minuto pa ay napuno na rin ang mga bakanteng upuan. Dumating si Reese at hinila ang aking katabing upuan para mas mapalapit sa akin. Ngumiti siya sa akin na parang walang problemang iniisip. "Good morning! How was your weekend?" Pagbati niya habang umuupo sa silya. My weekend? It was fine. Okay naman, kung hindi ko lang isipin ang isang pangyayaring dudurog sa aking puso. "Good morning, Reese. My weekend was fine. Yours?" Pinilit kong ngumiti kahit kalahati. "Fine too! I can't wait for another weekend. Away from all the schoolworks." Sagot niya. Ang tipikal na masiglang si Reese ay walang pagbabago. Dani was just drunk and got hungover kaya siya tumamlay pero babalik rin ang pagiging jolly niya na tao. People around me were all the same. Walang pagbabago. Kung sino 'yung classmate ko simula first day ay sila pa rin hanggang ngayon. Nothing has changed around me but I feel like I changed. Not for the worst but for the better, perhaps. Kinikilala ko na ang sarili ko. Kinikilala ko na ang damdamin ko. At handa na ako kung ano mang pagbabago pa ang maaaring dumating. Si Professor Sison ang una naming klase ngayong Lunes. Pumasok siya sa classroom na bitbit ang kanyang tablet ay isang manipis na libro para sa aming subject ngayon. Tumayo siya sa harapan, sa likod ng maliit na mesa at bumati sa aming lahat. "We have come for another week. Which means another project for us all." Sambit ni prof na siyang pinagmulan ng sari saring reaksyon ng aming mga kaklase— mula sa mga mahinang ungol hanggang sa exaggerated na buntong-hininga. Napatawa siya habang inaayos ang kanyang salamin. "Now, now. Settle down. Para maipaliwanag ko sa inyo kung ano ang project na ito." Napako ang tingin ko sa harap pero hindi talaga ako nakikinig. Parang malayo pa rin ang isip ko. Nandito ako pero hindi. May katahimikan sa loob ko na parang hindi ko maipaliwanag. Parang ang tahimik ng lahat pero ang bigat. "This time, we'll be working on something very personal," tuloy ni Prof. Sison. "Our theme for this week is: Transitions." Transitions. Parang may kung anong tumulak sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Transitions? Akmang-akma. O masyadong malapit. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapailing. "You can express it through any form of visual work. Painting, mixed media, digital. This is your chance to explore something that reflects a shift. Any kind of shift," paliwanag niya pa. Napatingin ako sa blankong papel sa harap ko. Transition. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero siguro... tama lang na hindi ko pa alam. Baka doon nagsisimula ang lahat. "Sir!" Nagtaas naman ng kamay si Reese, medyo nag-aalangan pero halatang curious. "So, ibig sabihin po ba nito... solo project? We have to work on our own?" tanong niya kay Prof, habang ang iba sa klase ay nagsimula nang magbulungan. "That's correct, Ms. Adriano. This is a solo project," sagot ni Professor Sison, sabay tingin sa aming lahat na tila ba nagbabasa ng reaksyon sa mukha namin. "Transitions are deeply personal, and I want to see how you, as individual artists, interpret the changes happening around or within you." May mga narinig akong nagbulungan, may mga humugot ng malalim na buntong-hininga, at mayroon ding parang na-challenge sa narinig. Ako? Tahimik pa rin. Pero may kung anong gumalaw sa loob ko. Parang may inihahanda nang gustong kumawala, kahit hindi ko pa siya mabigyang anyo o pangalan. "Sir," tanong ng isa kong kaklase na si Lyka, mula sa hilera ko. Medyo naiilang pero halata sa tono niya na seryoso ang concern. "May kinalaman po ba ito sa mismong core ng Interior Design? Like, kailangan po bang i-apply 'yung mga principles or elements na natutunan namin? O mas focus lang po ito sa emotional or personal side ng theme?" Tumango si Professor Sison at ngumiti. "Very good question, Ms. de Castro. While I want you to express your personal transitions, this is still a design course. I want you to reflect not just on what's changing inside you, but also how you would translate that shift into visual form using your knowledge of design — whether it's balance, space, color theory, texture, or rhythm. Ang layunin natin ay pagsamahin ang emosyon at prinsipyo ng sining sa isang cohesive na output." May mga tumango, at kahit papaano ay lumiwanag ang mukha ng ilang kaklase ko. Para bang mas malinaw na ngayon ang direksyon. Ako? Napaisip pa rin. Transitions. Kung ang pagbabago ay isang silid, nasa pintuan pa lang ako. Pero siguro, pwede na akong pumasok. "Think of it as designing not just a picture," dagdag ni Professor Sison, habang inikot ang tingin sa buong klase. "But a story of change. Kahit isang kwarto lang ang i-drawing mo, kung malinaw ang pinagdadaanan ng espasyo — o ng taong gumagamit sa espasyo — naipapakita mo na ang 'transition.'" Napakunot ang noo ng ilang kaklase ko. Nakita ko si Lyka, nakataas na naman ang kamay. "Sir, pwedeng magbigay kayo ng example? Para mas maintindihan po namin kung paano siya magiging related sa space planning o interior design mismo." Tumango si Professor, parang inaasahan na niyang may magtatanong nito. "Let's say, gumagawa ka ng bedroom layout," panimula niya. "Pero hindi lang siya basta kwarto — it's a teenage girl's room na kailangang i-reflect 'yung paglipat niya from being dependent to independent. So baka dati, sobrang bright colors, maraming stuffed toys, chaotic. Pero ngayon, you'll redesign it to show a calmer, more focused space. Maybe more neutral tones, a study desk, bookshelves — kahit may konting touch pa rin ng youth. That's a transition." Tumango-tango ang iba. Parang medyo lumiwanag ang mukha ni Reese. "Pwede rin, halimbawa," dagdag pa ni Prof, "mag-design ka ng small apartment para sa isang lola na dati ay may malaking bahay pero kailangan nang lumipat sa mas maliit na lugar. So, the space has to reflect her past — sentimental furniture, familiar textures — pero functional din sa present." Napaisip ako. Transitions. So puwedeng kwento ng tao sa espasyo. At puwedeng espasyo mismo ang nagbabago. "Sir," tanong naman ni Gio mula sa likod, "pwede po ba kahit conceptual lang? Hindi naman kailangan na fully technical na layout, right?" "Good question," sagot ni Professor. "You don't need to present full blueprints. Focus muna on visual storytelling. Pwede siyang mood board, conceptual sketches, collage, or mixed media piece — as long as may clear connection between the transition and the space involved. Later on, we'll learn how to apply those stories into actual layouts." May ilan sa klase ang nag-cheer nang marinig 'yon. Mas naging kampante. Pero ako? Lalo akong kinabahan. Mas personal pa pala ito kaysa sa inaakala ko. Binigay niya sa amin ang buong period para sa planning at brainstorming. Two days from now ay ippresent na namin ang project na ito. Individual project ito pero hinayaan kami ni Prof Sison na makipag-ugnayan sa mga kaklase kung kailangan namin ng ideya o inspirasyon. Nagkalat ang ingay at bulungan sa loob ng classroom. Ang iba, agad nag-group sa mga kaibigan nila para mag-ideya storming kahit pa individual task ito. Ang ilan, kagaya ko, nanatiling nakaupo, nakatitig lang sa blangkong sketch pad na para bang hinihintay nitong sulatan ko na ito. I could hear snippets of conversations. "Ano kaya? Yung transition ko from probinsya to city life?" "What if I focus on my breakup?" "Gusto ko yung shift ko nung nagka-pandemic." Ang dami nilang gustong ikwento. Ang dami nilang gustong ipinta. Ako? Napabuntong-hininga ako. May transition din naman ako, 'di ba? Pero paano ko nga ba sisimulan ito? At paano ko ilalapat sa canvas ang isang bagay na ni hindi ko pa matanggap nang buo? "Wala ka pang naiisip?" tanong ni Reese, kasabay ng paglingon niya sa akin at mukhang napansin niya na wala pa rin akong naisusulat o nadodrawing sa papel ko. Napailing ako nang marahan. "Wala pa talaga. Ang hirap pala kapag sarili mo ang subject. Parang... ayoko siyang tingnan." "Gets kita," sagot niya, tapos ngumiti. "Ang hirap nga rin para sa akin. Pero minsan, 'di ba, baka kailangan nating silipin kung ano na nga ba talaga 'yung nagbago. Para malaman natin kung nasaan na tayo ngayon." Napatingin ako sa kanya. Simpleng sinabi lang niya iyon, pero parang may tinamaan sa loob ko. Kung ang paglikha ay parang pagsisilip sa loob ng salamin, handa na ba akong tumingin? Napatingin ulit ako sa sketchpad ko. Siguro, kahit isang linya lang muna. Hanggang sa natapos ang klase ay wala pa rin akong nasisimulan. Kahit ideya ay walang pumapasok sa isipan ko. Para akong writer sa gitna ng deadline na staring contest ang sketchpad—at talo ako. Sa gilid ng mata ko, nakita kong abala na ang iba sa pag-sketch, pag-google ng inspo, o 'di kaya'y nakikipagdiskusyon sa katabi. Ako? Nandito pa rin, parang frozen yogurt na natutunaw sa stress. Maybe I just need coffee... or therapy. Baka pareho. Pagkatapos ng klase namin kay Prof. Sison, ay dumiretso na kami sa susunod naming subject — Materials and Resources kay Professor Clemente. Wala pang five minutes ay nag-check ng attendance si Ma'am tapos agad nagbigay ng seatwork. Halata sa lahat na hindi pa rin kami nakaka-recover emotionally sa binigay ni Prof Sison kanina. Tahimik ang buong room habang nagkakalkal ng sample boards at swatch books ang mga tao. Ako, as usual, nakatulala pa rin. Muling nagtanong si Ma'am ng tungkol sa isa sa mga finishes, pero hindi ko agad narinig. Napatitig lang ako sa wood grain sample sa harap ko na parang ako—gusto ring magbago pero may marka pa rin ng dati. "Ms. Davino?" tawag ni Ma'am. Napabalikwas ako ng upo. "Po? Uh... sorry po." Ngumiti si Ma'am pero halata ang amusement. "You've been zoning out since you entered the room." Napakamot ako ng batok. "Pasensya na po. May naisip lang po. Ano po ulit ang tanong niyo?" "Anong uri ng finish ang may mataas na abrasion resistance pero minimal ang maintenance?" ulit ni Ma'am Clemente habang tinuturo ang isang bahagi ng sample board. Napatingin ako sa mga opsyon. Vinyl? Melamine? "Uh... laminated surface po?" sagot ko, medyo alanganin pero may kaunting kumpiyansa. Tumango si Ma'am. "Correct. Laminates are durable and low-maintenance. Good recovery, Ms. Davino." Napangiti ako kahit papaano. Kahit lutang pa rin ako, mukhang may natitira pang konting presence of mind. Napatingin ako kay Reese na nagpipigil ng tawa sa aking tabi. "Distracted?" Pabirong tanong pa niya. "Medyo," sagot ko, saka ko siya siniko ng mahina. "Ang gulo kasi ng utak ko. Parang may nagpa-pop up na window kada segundo." Nakakapag paisip kasi talaga ang project na pinagawa ni Professor Sison. Hay! Tumawa siya. "Eh di i-close mo muna lahat ng tab sa utak mo. Focus ka muna kay Ma'am. Baka mamaya, flooring na 'yung tinuturo pero roof design 'yung sagot mo." Napatawa na rin ako. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Reese always had a way of lightening the mood — para siyang post-it note sa gitna ng buhol-buhol na blueprint ng isip ko. Maya-maya pa, nagsimula nang mag-discuss si Professor Clemente ng bagong topic: wall treatments. Pinakita niya sa projector ang iba't ibang uri nito — wallpaper, paint finishes, cladding, fabric panels, at marami pang iba. Isa-isang lumitaw sa screen ang mga sample photos habang nagbibigay siya ng pointers kung paano ito ginagamit sa actual spaces. "Remember," sabi niya, "when specifying materials for wall treatment, think not only of aesthetics but also of function and maintenance. For example, wallpaper can add texture and pattern, but may not be suitable for humid spaces. Paint finishes offer flexibility and are easy to maintain, especially satin or semi-gloss in high-traffic areas." Nagpakita rin siya ng real-world examples ng interior walls — modern condo units, cafes, even commercial lobbies. Pinatayo pa kami para hawakan mismo ang mga fabric samples at veneer panels na nasa likod ng classroom. "Part of being a good designer," dagdag ni Ma'am, "is knowing how to balance form and function. Hindi lang dapat maganda — dapat practical din." Doon ako medyo natauhan. For some reason, habang pinagmamasdan ko ang wood veneer na may warm undertone, naisip ko ang project namin kanina. Transitions. Design. Pagsasama ng emosyon at prinsipyo. Maybe this is it. Maybe this is the start of finding that bridge between what I feel... and what I can create. Pagkatapos ng maikling discussion, ipinareport ni Ma'am sa bawat table group ang isa sa mga uri ng wall treatment. Kami ni Reese ay na-assign sa paint finishes. Binigyan kami ng 10 minutes para mag-research gamit ang tablets at mga libro, at pagkatapos ay kailangan naming i-share sa klase ang natutunan. Nang kami na ni Reese ang tumayo, ako ang nagsimula. "So, for paint finishes, importante na i-consider ang gloss level. The higher the gloss, the more durable and washable it is, but it also shows more imperfections on the wall." Sinundan siya ni Reese. "Flat or matte finishes naman ay maganda sa ceilings or low-traffic areas dahil nakakabigay ito ng soft, even look. Pero less washable siya kumpara sa satin or eggshell finishes." Habang nagsasalita kami, nakita kong nakikinig ang ibang kaklase — at pati si Ma'am ay tumango habang nagno-notes sa tablet niya. "Very concise and accurate," sabi niya pagkatapos naming mag-report. "Good job, both of you. I like how you simplified the technicals without losing clarity." May ilang kaklase na nagtaas ng kamay. "Ma'am, anong gloss level po ang pinakamagandang gamitin sa kitchens?" tanong ng isa. "Semi-gloss or satin," sagot ni Ma'am. "They're easier to clean and resistant to moisture." "Ma'am, puwede rin po ba ang chalk paint for walls?" tanong ng isa pa. "Yes, especially for creative or customizable spaces like cafés or children's rooms. But remember, it requires wax or sealing to be durable." Marami pa ang nagtanong at nakisali sa diskusyon. Nakakatuwa dahil kahit halos lahat kami pagod, parang nabuhay ang klase. May mga tumatawa, may mga seryoso, pero lahat engaged. Pag-upo namin, medyo napangiti ako. Parang ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kaunting confidence. Lunch time na at sabay kami ni Reese nagpunta ng cafeteria. Mainit ang araw at medyo mahaba ang pila sa counter, pero sanay na rin kami. Habang naghihintay ng turn, tinuturo ni Reese ang mga pagkain na mukhang okay subukan, pero nauwi rin kami sa usual naming combo—chicken fillet, rice, at iced tea. Pagkaupo namin sa may bandang dulo ng cafeteria, tinanong ako ni Reese tungkol sa project kay Prof Sison. "Pang-illustration ba talaga balak mo? O magde-deviate ka from your usual style?" tanong niya habang hinahalo ang kanyang iced tea. "Hindi ko pa alam," sagot ko habang pinipiraso ang chicken fillet. "Parang gusto kong gumawa ng something different. Pero natatakot ako na baka hindi ko kayanin." Tumango siya. "Eh 'di challenge accepted. Malay mo, 'yan pa 'yung magpapa-angat sa'yo." Napangiti ako. Hindi ko man masabi nang buo ang nararamdaman ko, pero ang simpleng encouragement niya ay sapat na para maramdaman kong kaya ko ring lumihis paminsan-minsan sa kung ano ang nakasanayan. "I want to see more of your painting sana. Ang galing mo kasi. Pero kung gusto mo magtry ng iba pa, okay lang din naman. Alam kong magiging maganda rin naman yan kasi ikaw gumawa," sabi ni Reese habang naglalagay ng ketchup sa kanyang fries. "Actually, kung papayag ka, baka pwedeng ipa-feature 'yung isa sa mga gawa mo sa upcoming student exhibit." Napatingin si Lauren sa kanya, medyo nabigla. "Hala, seryoso ka?" "Oo naman," sagot ni Reese habang ngumunguya. "Wala pa namang final list pero pwede kang mag-submit. Alam kong hindi lang ako ang humahanga sa gawa mo." "Grabe ka naman. Natutuwa ako pero kinakabahan din," sagot ni Lauren sabay ngiti. "First time ko pa lang ulit magpinta ng wala sa class requirement." "Mas okay nga 'yon eh. Yung gawa mong galing talaga sa gusto mong sabihin. Mas raw, mas totoo." Habang patuloy kami sa pagkain Habang patuloy kaming kumakain at nagkukwentuhan ni Reese ay biglang lumamig ang hangin sa likod ko—hindi dahil sa aircon kundi dahil sa presensya ng dalawang pamilyar na boses. "Uy, kayo pala," bati ni Daniel habang hawak-hawak ang tray ng pagkain. Kasunod niya si Ivan na may dalang parehong tray. Wala si Briella. "Pwede ba kaming makiupo?" tanong ni Daniel, kahit na naupo na agad si Ivan sa tabi ko bago pa ako makasagot. Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. Hindi ko inaasahan 'yon. "Sure," sagot ni Reese, sabay turo sa upuang nasa tabi niya—na siyang natirang bakante kaya wala nang ibang choice si Daniel kundi doon umupo. I tried not to look too obvious, but I could feel Ivan's presence beside me. Parang masyado siyang kampante. Mas relaxed kaysa dati. Minsan, parang nakakalimutan niyang may girlfriend siya. Girlfriend... Bigla kong naisip. Bakit nga pala hindi niya kasama si Briella? Kaninang break time pa lang ay expected ko nang magkasama sila. Hindi ba dapat sabay silang kumakain? O baka may class si Briella? O sadyang ayaw lang niyang sumama ngayon? Napansin ko ring hindi naman ako kinakausap ni Ivan. Tahimik lang siyang kumakain, pero 'yung siko niya... halos dumidikit sa braso ko. At hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam, pero may awkward tension talaga. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Daniel, habang inaayos ang kubyertos sa tray niya. "Yung bagong project kay Prof Sison," sagot ni Reese. "Grabe, pinasa niya agad 'yung pressure ngayong week pa lang." "Welcome to first year," sabay tawa ni Daniel. "Sanayan lang 'yan. Madami pa 'yang susunod." Napangiti na lang ako, pero sa isip ko, pilit kong itinataboy ang tanong: Bakit nga ba hindi niya kasama si Briella? Tahimik pa rin si Ivan sa tabi ko, hanggang sa bigla siyang nagsalita habang tinitingnan ang tray niya. "Anong project ulit 'yon kay Prof Sison?" Napalingon ako sa kanya. Ako ba ang tinatanong niya? "Actually, personal siya," sagot ni Reese, habang tinutusok ang hotdog sa tray. "Sabi ni Prof, puwede naming i-express 'yung idea of change sa kahit anong visual medium. Puwede painting, collage, digital art. Basta dapat may design elements." Napatingin sa kanya si Daniel. "Design elements?" "Yung mga natutunan namin sa klase," paliwanag ni Reese. "Balance, space, color theory, texture, hierarchy. Kahit emotional yung topic, dapat marunong pa rin kaming mag-apply ng fundamentals." "Ganun?" tanong ni Ivan, biglang sumingit. "So parang... kwento ng pagbabago pero nakikita sa isang space?" Napalunok ako. Parang biglang naging masyadong aware 'yung katawan ko sa pagkakatabi namin. Kahit simpleng tanong lang 'yon, parang ako 'yung tinanong. Ako 'yung kailangang sumagot. "O-Oo," nauutal kong sagot, hindi ko alam kung dahil lang sa pressure o dahil si Ivan ang nakatingin. "Halimbawa, puwede kang gumawa ng layout ng kwarto na... nagre-reflect ng emotional shift. Like, dati chaotic tapos naging minimal... kasi siguro, may pinagdaanan 'yung may-ari ng space." Napatingin sa akin si Ivan. Tahimik lang. Pero parang... nakikinig talaga siya. "Parang kwarto ng taong iniwan?" biro ni Daniel habang umiinom ng iced tea. "Exactly," sabay ngiti ni Reese. "O kaya kwarto ng taong nagsisimula ulit." Napatingin ako sa tray ko. Wala na halos laman, pero parang may laman pa 'yung dibdib ko. Mabigat. Bigla namang nagsalita ulit si Ivan, medyo pabulong pero malinaw. "Ganun ba? Sounds... detailed," sagot niya, bago sumubo ng kanin. Nagkatinginan kami ni Reese, pero wala kaming sinabi. Kasi totoo — masyado siyang malapit sa totoo. Pinilit kong ngumiti, pero ang totoo, gusto kong matunaw. Bakit ba ako nauutal? Bakit parang high school ulit ako na may crush sa katabi ko? Muli kong tinanong ang sarili ko: Nasaan si Briella? At bakit hindi siya ang iniisip ko kundi kung napansin kaya ni Ivan na kinakabahan ako kanina? "Tapos na 'ko," mahinang sabi ko habang isinusubo ang huling piraso ng chicken fillet sa tray ko. Inilapag ko ang kutsara, saka marahang itinulak ang tray palayo. Napatingin sa akin si Reese. "Sige, sabay na tayo." Nang makalabas na kami ng cafeteria at naglalakad na sa hallway papunta sa susunod naming class, saka lang ako nakahinga ng mas maluwag. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Parang ang sikip sa dibdib, lalo na nang marinig ko kanina ang boses niya. At lalo na nang maramdaman kong nando'n siya, katabi ko. "Okay ka lang?" tanong ni Reese habang magkasabay kaming naglalakad. Ramdam kong pinipilit niyang gawing normal ang lahat pero may pag-aalala sa boses niya. "Hmm," sagot ko lang, sabay iling. "Pagod lang siguro." Bago pa ako makaisip ng iba pang sasabihin, may narinig kaming mga hakbang sa likod. Mabilis. Halos palapit. "Lauren!" Napalingon ako. Si Ivan. Hawak pa niya ang phone niya, at halatang nagmamadali. Napatigil si Reese, saka lumingon sa akin. "Mauna na ako, ha?" Mahinang bulong niya, sabay bigay ng meaningful look bago siya tumalikod. Napako ako sa kinatatayuan ko habang papalapit si Ivan. Hindi ko alam kung aalis ba ako o hihintayin siya. Pero huli na. Nasa harapan ko na siya. "Pwede ba kitang makausap sandali?" tanong niya, mahinahon pero diretso. Pwede ba? Pwede ba kaming mag-usap ng ganito kalapit gayung may girlfriend na siya? Tumingin ako sa paligid, sa hallway na unti-unti nang napupuno ng mga estudyanteng papunta sa kani-kanilang klase. Napakagat-labi ako bago tumango. "Okay... pero sandali lang." Tumango siya, at sumabay kami sa paglalakad papunta sa isang mas tahimik na bahagi ng corridor, malapit sa hagdan. Hindi na kami gaanong napapansin ng ibang dumadaan, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. "Lauren..." tuloy niya, medyo nag-aalangan. "Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. "Ha?" "You look pale," he touched my forehead with the back of his hand. Parang dinaramdam ang aking temperatura. Nanigas ako. Hindi alam kung gagalaw ba ako o hindi. Para akong nakuryente nang maglapat ang kanyang balat sa akin. Pakiramdam ko ay mainit ito na siyang sumalin sa buo kong katawan. Nanatili akong tahimik. Ang daming gustong lumabas sa bibig ko pero hindi ko alam alin doon ang totoo o alin ang safe sabihin. Isang malalim na buntong-hininga ang sinagot ko. "Hindi ko alam. Pero sinusubukan kong maging okay." "Do you need to go to the clinic? Sasamahan na kita." Nakikita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata. Parang totoo naman ito. "Hindi na. I'm okay. Huwag ka nang mag alala." Tumango siya. "Kung kailangan mo ng tulong sa project mo... o kahit sa idea lang... pwede kitang tulungan." Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niya. At doon ko lang ulit nakita 'yung pamilyar na tingin — yung tingin na parang nag-aalala, pero may tinatago ring hindi masabi. "Thanks," mahina kong sagot. "Pero kaya ko naman." Ngumiti siya ng bahagya. "Alam ko." Nagkatinginan lang kami saglit bago ako unang bumitaw ng tingin. "Late na ako," sabay kong sabi habang binibilisan ang lakad paakyat ng hagdan. Hindi ko na tiningnan kung sumunod siya. Pero sa bawat hakbang, ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod ko. Saka lamang ako nakahinga ng ayos nang makarating ako sa classroom. Bakante ang upuan sa tabi ni Reese kaya doon ako nagdiretso. "Reese..." sabi ko. "Hmm?" "May kilala ka bang Briella?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na kayang sarilihin ang kyuryosidad na ito. Sabi ni Daniel ay matagal nang magkakilala si Ivan at Briella. Matagal na ring may namamagitan sa kanilang dalawa. At ang gusto ko lang malaman ay kung mabuting tao 'yung Briella. Grabe ba? O nasa tama pa ako? Alam kong wala naman akong karapatan. Pero bilang kaibigan, gusto ko na lang makampante kung mabuting tao ba ang nagugustuhan ni Ivan. Kahit na matagal na silang magkakilala. "Briella? Ang alam kong Briella ay yung nasa Engineering Department. Bakit?" Naupo ng ayos si Reese sa tabi ko, halatang mas naging curious pa kaysa sa akin. "Kilala mo ba siya?" tanong ko ulit, kahit pa kabado akong marinig ang sagot. Nagbakasakali lang ako. Maliit lang naman ang university — at ang mundo ko ngayon — kaya baka sakaling makilala rin siya ni Reese. Kinuha niya ang phone niya at mabilis na nag-scroll sa f*******:. Hinintay ko habang sinusubukang panatilihing steady ang expression ko kahit na parang may tumitibok na kaba sa dibdib ko. Ilang swipe lang, napahinto si Reese. "Ayun! Eto ba ang tinutukoy mo?" Nilapag niya ang phone niya sa arm rest sa pagitan namin. Nando'n ang profile. Briella Austria. Fourth Year Civil Engineering Student. Public post header niya ay graduation photo nila ng senior high, kasama ang caption: "Endings are just new beginnings." May profile picture siyang industrial vest, ngumiti habang may hawak na rolled blueprint sa harap ng isang construction site. Maganda siya. Hindi ako magmamalinis — unang tingin pa lang, halata na. Matangos ang ilong, maamo ang mata. Confident, pero hindi mayabang. Nag-scroll pa si Reese. Nakita ko 'yung mga group pictures — may mga kasama sa org, may outreach, may mga field visit. Halatang active sa academics at extracurricular. May mga comment din mula sa professors na nagpapakita ng respeto sa kanya. "Parang mabait naman siya," sabi ni Reese habang patuloy na nagba-browse. "Wala akong naririnig na issue tungkol sa kanya. Tsaka... parang driven siya, oh." Tumango-tango ako, pilit iniintindi lahat ng impormasyong nakikita ko. Kahit hindi ko naman talaga kailangan. Kahit wala akong karapatang alamin pa. Pero sa totoo lang... Gusto ko lang makampante. Gusto kong malaman kung... safe siya. Hindi lang para kay Ivan, pero siguro para rin sa akin — para sa puso kong pilit nang tinuturuan na huwag umasa. "Boyfriend niya pala si Ivan. May recent post siya about their status," sambit ni Reese, biglang huminto sa pag-scroll. Kita ko kung paanong nanlaki ng kaunti ang mata niya, parang hindi rin siya makapaniwala sa nakita. Napalingon ulit ako sa phone niya, kahit alam kong baka 'yon pa ang huling dapat kong gawin. At ayun nga — isang sweet post mula kay Briella, may caption na: "finally found my always" Kasama ang litrato nilang dalawa — si Ivan, nakangiti habang yakap siya mula sa likod, at si Briella na tila ba masayang-masaya habang nakasandal sa kanya. Naka-tag si Ivan, at may heart react sa halos lahat ng comments. Parang may biglang sumakal sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa mismong larawan... o dahil sa caption. "Finally found my always." So sure. So complete. So final. Nakatitig lang ako sa screen, at kahit gusto kong ibaling ang tingin ko, hindi ko magawa. Parang gusto kong hanapin sa mata ni Ivan sa litrato 'yung lalaking nakatingin sa akin nung gabi ng party. Pero wala doon. Ang nandoon ay masaya. Kontento. Tapat. At 'yung akin? Walang kahit ano. Walang kahit dapat ipaglaban. Dahan-dahan kong ibinalik kay Reese ang cellphone niya. "Thanks," bulong ko, pinilit ngumiti kahit medyo naninikip na ang dibdib ko. "Hey..." tawag ni Reese, medyo mahinahon ang tono. "Okay ka lang?" Tumango ako. "Oo. Curious lang talaga." Pero sa loob-loob ko, alam kong higit pa iyon sa curiosity. At mas mahirap aminin sa sarili kung bakit nga ba masakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD