Kabanata XIII

3687 Words
Invitation Nakatingala lang ako sa kisame habang may sariling mundo ang isipan ko. Hindi ko sila maawat para patahimikin dahil hindi sila nakikinig sa akin. Tulog na si Dani sa kanyang kama, mahimbing at may ngiti pa sa labi. Nasisinagan ng kaunting ilaw mula sa bedside lamp. Tahimik, payapa at tila walang pinoproblema kundi ang aralin niya sa Nursing. Paulit-ulit sa isip ko 'yung eksena kanina: "Pwede ba kitang makausap sandali?" "Kung kailangan mo ng tulong sa project mo... pwede kitang tulungan." "You look pale." At syempre... 'yung post: "Finally found my always." Parang ang daming nangyari sa akin sa araw na ito. Pagod na ang katawan ko, gayundin ang isipan ko pero pinili pa ring magpakapagod dahil sa dami ng tumatakbo dito. Lahat sila dumadaan dito. Lahat sila parang hangin na naiiwan. Hindi ako matahimik. Tumayo ako mula sa kama at umupo sa study desk. Marahang hinugot mula sa bag ang sketchpad ko, binuklat hanggang sa huminto ako sa pahina kung saan ko siya iginuhit. Portrait ni Ivan. Magulo ang buhok niya, parang kakagaling lang sa pagluluto. Graded shading ang ginamit ko sa pisngi—may bahagyang pamumula, marahil dala ng init ng kusina. Suot niya ang puting uniporme ng isang culinary student, at kitang-kita ang matalas niyang bagang, palaging tikom kapag seryoso siya. Ito ang unang beses kong sumubok na gumawa ng portrait art. At sa unang beses kong pagsubok ay nagustuhan ko agad. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na namamalayan ang paglalim ng aking nararamdaman para sa kanya. Mula sa unang pagkikita, sa unang pag uusap, tila alam na ng puso ko kung sino ang iibigin. O baka ayokong pansinin. Baka kasi alam ko na rin ang totoo — na hindi ako ang pipiliin. Dinama ko ang texture ng papel, hinaplos ang bahagi kung saan ko iginuhit ang mga mata niya. Malalim. Matapang. Palaging may nakatagong mundo sa likod ng titig niya. Para bang ang daming sinasabi ng mga matang 'yon... pero hindi para sa akin. Hindi kailanman magiging akin. Marahan kong isinara ang sketchpad. Hindi dahil tapos na ako — kundi dahil alam kong kailangan ko nang magsimula ulit. Hindi sa kanya, kundi para sa sarili ko. Para sa proyekto ko. Para sa kursong pinili kong ipaglaban, kahit minsan, pakiramdam ko sarili ko ang hindi ko pinaniniwalaan. Kinuha ko ulit ang lapis. Binuklat ang bagong pahina. Walang drawing. Walang lines. Walang kahit ano. Huminga ako. Malalim. "Okay lang kahit magulo." "Okay lang kahit di agad maganda." "Okay lang kahit hindi siya." Muli akong nag-sketch. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Wala akong concrete na image sa isip. Pero hinayaan ko lang — gumuhit ang mga linya sa papel, kahit hindi pa malinaw kung saan patungo. Isang babae ang lumitaw. Wala pang mukha. Wala pang identity. Pero may posture — medyo nakayuko, pero nakatayo pa rin. Tila napagod, pero hindi pa sumusuko. Sinundan ko ng background — mga abstract na anyo, parang alon, parang usok, parang gulo ng isip. Hindi ito tulad ng mga drawing ko noon na sobrang structured, sobrang maingat. Ngayon, parang binuhos ko na lang lahat. Ang sakit. Ang gulo. Ang lungkot. Pero may buhay. At sa gitna ng lahat ng 'yon, may maliit na liwanag. Kaunting shade ng dilaw sa sulok ng papel. Maliit lang, pero nandoon. Para bang sinasabi ng drawing ko: "Hindi pa tapos." At sa kauna-unahang pagkakataon ngayong linggo, kahit papaano... parang gumaan. Kahit kaunti lang. Binitiwan ko ang lapis. Tinitigan ko ang drawing. Marami itong sinasabi — pero hindi ito ang kailangan ng proyekto ko. Pumikit ako saglit at huminga. Parang biglang lumiwanag ang utak ko, kahit kaunti lang. Pero alam kong hindi ko ito maipapasa. Hindi ito ang inaasahan ni Professor Sison. At hindi rin ito ang gusto kong ipakita para sa buong klase. Kaya sinara ko muli ang sketchpad. "Maybe tomorrow," mahina kong sabi sa sarili ko. "Maybe something else. Something... clearer." Nahiga ako muli sa kama. Pinilit pumikit. Hinayaan kong sumabog sa dilim ang lahat ng hindi ko nasabi. Baka bukas — sa Fine Art Studio, kapag may araw na ulit, mas kaya ko na. The next morning, habang bakante pa ang oras ko, nagtungo ako sa Fine Art Studio. Tahimik sa loob nito. Ang amoy ng pintura, lapis, at linseed oil ay parang bumalot agad sa akin sa pagpasok ko. May mga estudyanteng abala na sa kani-kanilang canvas, halos hindi nagpapansinan. Umupo ako sa paborito kong pwesto sa gilid malapit sa bintana — kung saan tumatama ang natural light sa mesa tuwing umaga. Muling binuksan ang sketchpad. Sandali ko munang tinignan ang guhit kagabi. 'Not for this project,' bulong ng isip ko. 'But still... for me.' Naalala ko na may ginamit akong canvas dito noong nakaraan. Ang canvas na sinulatan ko bago ko patungan ng puting pintura. Tinago ko iyon sa kasulok sulukan ng kwartong ito, natabunan ng malaking shelf. Kinuha ko iyon at muling pinagmasdan. Halata pa rin ang sinulat ko noon pero hindi na bale dahil muli ko iyong matatakpan. Pinili kong gamitin pa rin ang canvas na ito hindi dahil may kahulugan. Hindi dahil sayang. Pinili ko itong gamitin upang mas mabaon ang mapait na alaalang hatid nito sa akin. Hindi ito ganoon kalaki, maihahalintulad ko sa A3 na papel. Kaya perfect ito para sa project ko. Tinitigan ko ang blankong canvas. This time, alam ko na kung anong gusto kong ipinta. Hindi lang ito tungkol sa kultura — kundi ang isang babaeng pinaka importante sa akin. Si Mama Lara. Sa bawat gabing sinarili niya ang pagluha, habang ako'y nagpapanggap na tulog. Sa bawat umagang pilit siyang bumangon, para lang masabing ayos kami. Sa kanya ako natuto. Sa kanya ako muling natutong tumayo. Kumuha ako ng mga paint brushes na kakailanganin ko. Maliit para sa mga detalye, malapad para sa mga anino. Pinili ko rin ang mga kulay — hindi agad ang masisilaw na liwanag, kundi mga tonong mapagkumbaba: sepia, grey-blue, muted ochre. Pinili ko kung saan magsisimula. Sa kaliwa. Sa dilim. Doon sa araw na una kong nakita si Mama na nakaluhod sa sahig. Nagmamakaawa. Nagsusumamo. Nakayuko ang kanyang ulo pero alam kong puno ng luha ang kanyang mga mata at pisngi. Tumatangis. Dose anyos lang ako noon. Pero iyon ang unang pagkakataon na makita ko siya hindi bilang isang nanay o asawa – kundi bilang isang taong mapagramdam. Isang tao na pilit pinipigilan ang pagguho. Hinayaan ko ang brush na gumuhit ng kanyang anyo — nakaluhod sa sahig, walang mukha. Hindi dahil ayokong ipakita ang ekspresyon niya, kundi dahil alam kong kahit hindi ko iyon iguhit, mararamdaman pa rin. Ang bigat sa balikat. Ang pagkapilas. At sa likod niya, ang batang ako. Nakatingin. Walang magawa kundi magkubli sa anino ng pintuan. Nanghihina. Tahimik. Natatakot. Pinatuyo ko muna ang bahagi ng canvas na iyon. At saka ako huminga nang malalim. Kailangan kong iguhit ang gitna. Ang bahagi kung saan kami nagsimulang mabuhay muli. Kung saan unti-unti kong nakita si Mama tumindig, bitbit ang bigat ng kahapon, pero nagpapatuloy pa rin — para sa amin. Lumipat ako sa kanan ng canvas. Sa bahaging matagal ko nang gustong marating. Ang liwanag. Pinili ko ang mas maiinit na tono: mga ginintuang dilaw, mapusyaw na kahel, malalambot na beige at puti. Mga kulay ng umaga. Ng bagong simula. Dito ko siya ipininta — si Mama, nakatayo sa may lababo ng kusina. Maliwanag ang paligid. May mga pinggan sa tabi niya, pero hindi na ito mabigat tingnan. May pakiramdam ng tahanan. May katahimikan. Nakaponytail ang mahabang buhok niya, may maliit na ngiti sa labi. Simple. Hindi matunog. Pero sapat na para malaman kong ayos na siya. O kung hindi man, ay natututo na siyang huminga nang mas magaan. Sa tabi niya, inilagay ko ang sarili kong anyo, mas matanda na. Mas buo. Nakaupo sa mesa, may hawak na sketchpad. Tila bang pinipinta ko rin siya mula sa loob ng eksena. Tila bang habang iniintindi ko ang sining, unti-unti ko ring nauunawaan siya. Hindi ko na kailangan ipakita ang buong mukha ko. Hindi iyon ang mahalaga. Ang mahalaga, ay nasa parehong frame kami — parehong humaharap sa liwanag. Parehong nabuhay sa gitna ng pagkawala. Tumigil ako saglit. Tumayo mula sa pagkakaupo at umatras ng ilang hakbang para pagmasdan ang kabuuan. Dilim. Gitna. Liwanag. Hindi perpekto ang pintura. May mga bahagi pa ring malabo, magaspang, hindi pulido. Pero totoo. At sa unang pagkakataon, alam kong ito ang gusto kong sabihin. Hindi lang ito isang proyekto. Hindi lang ito para sa klase. Ito ang kwento namin. Kwento ko. At kwento ni Mama. "Lauren?" Napalingon ako. Si Nica, isa sa mga mas tahimik na miyembro ng arts club namin. Lagi lang siyang nasa gilid tuwing may meetings, madalas nagdodoodle sa likod ng minutes. Ngayon ay may dala siyang sketchpad at tumigil siya ilang hakbang mula sa canvas ko. "Pwede bang... tingnan?" tanong niya, maingat, parang ayaw mang-abala. Tumango lang ako. Lumapit siya, mabagal. Tiningnan ang bawat bahagi ng painting — mula sa madilim na gilid, hanggang sa sentro, hanggang sa liwanag sa kanan. Tahimik siya nang ilang sandali. Tapos ay halos bulong ang sabi niya: "Ang sakit sa umpisa. Pero... ang ganda ng pagbitaw." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inasahan na may makakabasa nang ganoon kabilis. "I mean, parang... hindi mo siya minadali. Pinakinggan mo talaga 'yung sakit. And then hinayaan mong gumaan, hindi pilit. Natural lang," dagdag niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa obra. "Si Mama ko," mahina kong sagot. "Kwento naming dalawa." Tumango si Nica, parang nauunawaan niya. "I hope she gets to see this." Ngumiti ako, maliit lang. "Balang araw siguro." Hindi na siya nagtanong pa. Hindi niya tinanong kung para saan ito, kung may pinagdadaanan ba ako, o kung totoo ang bawat detalye. Tiningnan lang niya uli, at saka tumingin sa akin. "You're brave for painting this," sabi niya, tapat ang tono. "It's... beautiful." At bago pa ako makasagot, tumalikod na siya at umalis, dala ang sarili niyang sketchpad. Muli akong naupo sa tapat ng canvas. Hinayaan ko munang manahimik ang paligid. Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng bentilador at ang mabagal kong paghinga. "You're brave for painting this." Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Nica. Hindi ko kailanman inisip na matatapang ang mga taong tahimik lang. Na baka minsan, ang mismong katahimikan ang pinakamatapang na tugon. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gustong ilahad ang lahat. Ayokong muling balik-balikan ang imahe ni Mama sa sahig — ang paghihinagpis na iyon, na pilit naming ibinaon sa ilalim ng mga taon. Pero marahil... ito rin ang dahilan kung bakit ako natutong gumuhit. Hindi para lang makakuha ng grade, kundi para makabuo ng tulay. Sa pagitan ng sakit at pag-unawa. Sa pagitan ng nakaraan at ng kung sino ako ngayon. Pinagmasdan kong muli ang painting. Parang ngayon ko lang ito nakita nang buo — hindi lang bilang bahagi ng assignment, kundi bilang buo kong katotohanan. Hindi ko pa alam kung papaano ito tatanggapin ng iba. Pero sa ngayon, sapat na na ako mismo, natanggap ko na siya. Tumayo ako at inayos ang mga gamit. Bukas, pwede ko na itong ipasa. At kahit hindi nila lubos maunawaan ang kwento sa likod nito — okay lang. Kasi ako, alam ko na. Kinuha ko ang shoulder bag ko at isa-isang isinilid ang mga ginamit kong brushes. Napatingin pa ako sa canvas habang isinasara ang ziplock ng acrylic tubes. Kahit pa gusto ko nang umalis, parang ang hirap bitawan. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang marinig ko ang mahina, pamilyar na boses. "Lauren?" Napatigil ako. Mabilis kong nilingon ang bukas na pinto — at doon, sa liwanag mula sa hallway, nakatayo si Ivan. Hawak niya ang strap ng kanyang backpack, medyo nakatungo, pero nakatitig sa painting sa likod ko. Hindi ko alam kung matatakpan ko ba ito agad o hahayaang makita niya. Lumapit siya, dahan-dahan. Hindi ako gumalaw. Tila bawat yapak niya, may dalang kaba. Huminto siya ilang hakbang mula sa canvas. Tahimik. Tinitigan iyon, tila inaaral ang bawat stroke, bawat anino, bawat liwanag. "Did you paint this today?" tanong niya, mahina ang boses, halos pabulong. Tumango ako. "Yeah. Kanina lang." Hindi siya tumingin sa akin agad. Pero ramdam ko na may tanong sa mga mata niya — hindi lang tungkol sa painting kundi tungkol sa akin. "Who is she?" tanong niya sa wakas, tinutukoy ang babaeng nasa kanan ng canvas. "My mom." Doon siya tuluyang napatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya, pero hindi rin ako umatras. "Beautiful," bulong niya. "Raw. Masakit... pero may hope." Napakagat ako sa labi, hindi sigurado kung matutuwa ako o matatakot sa pagiging bukas ng pinturang ito sa kanya. Tahimik ulit. At sa wakas, bumulong siya, "Thank you for letting me see this." Hindi ko masagot. Hindi ko rin siya pinigilan. At sa ilang segundong katahimikan na iyon, pakiramdam ko'y may nabuksan — hindi sa pagitan naming dalawa, kundi sa akin. Naglakad siya palapit sa table kung saan ako nag-aayos pa rin ng gamit. Hindi na niya muling binanggit ang painting. At siguro, okay na rin 'yon. Minsan kasi, hindi naman kailangan ng paliwanag. He cleared his throat. "May kukunin lang sana ako sa kusina. Do you want to come with me?" Napatingin ako sa kanya. "Kitchen?" Nagbalik na parang flash ang alaalang naabutan ko siyang may kahalikan sa kitchen. Dito lang iyon sa katapat na pintuan ng kwartong ito. Nakakabigla lang na gusto niya akong dalhin naman doon. Tumango siya, naka-ngiti nang kaunti. "'Yung kitchen namin sa opposite wing lang. May mga ginawa kaming dishes kanina sa practicum. Iniwan ko sa chiller 'yung iba. Saka gusto ko sanang ipakita sa 'yo 'yung ginagawa namin." "Bakit?" tanong ko, pero hindi ko rin alam kung curious lang ako o defensive. Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Gusto ko lang." Then he added, more gently, "You once showed me your world. Maybe it's time I show you mine." Hindi ko agad nasagot. Tama ba na sumama ako? Wala naman sigurong masama dahil we're actually friends. Pinsan naman siya ni Marco and I trust him... kahit na dinurog niya ang puso ko. Napatingin ako sa relo. "Late na." May klase pa rin akong pupuntahan. "Fifteen minutes lang. Wala nang tao sa hallway. Saka bukas pa 'yung lights sa loob. Gusto ko lang na makita mo. Wala akong ipapagawa sa 'yo, promise." Tumango ako, bago pa ako makaisip ng dahilan para tumanggi. Binuksan niya ang katapat na pintuan. Sumagi na naman sa alaala ko ang pagsilip ko sa loob nito kung saan nahuli ko siyang mapusok sa isang babae. Madilim ang paligid noon. Tanging liwanag lang ay mula sa light bulb sa taas. At sa kadiliman, nasinag ko ang isang katotohanang hindi ko kailanman hiniling makita. Napatigil ako. Parang napako ang mga paa ko sa sahig. Ilang hakbang lang ang pagitan noon sa ngayon — at kahit magkaibang sandali, pareho ang bigat. Muli kong naramdaman 'yung pagkagat ng lamig sa loob ng dibdib. 'Wala kang karapatan,' sabi ng isip ko. Hindi mo siya puwedeng sisihin. Hindi mo siya puwedeng habulin. Hindi mo siya puwedeng angkinin. "Lauren?" Napalingon ako. Si Ivan, hawak pa rin ang pinto, nakaawang lang. Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob. Tahimik at madilim ang buong silid. Wala akong makita kundi konting mga anino galing sa liwanag mula sa mga maliliit na bintana at exhaust fans. Amoy kusina ang bumungad sa akin. Malalaman mo na talagang ginamit ito kanina dahil sa amoy na bumabalot dito ngayon. Herbs at spices, meron ding kaonting amoy ng cinnamon. Bumukas ang isang light bulb. Isang mahabang stainless steel na lamesa ang nasinagan. Umilaw rin ang glass chiller sa gilid at kinuha ni Ivan ang ilang plated dishes. May pasta, isang roasted chicken fillet, at parang mousse sa maliit na glass cup. "Plating exercise namin," paliwanag niya habang inilalagay ang mga ito sa counter. "Pero minsan, we go over time kasi gusto pa naming ulitin." "Ang ganda ng presentation," sabi ko, napalapit ng bahagya. Ang ganda ng presentation. Napalapit ako nang bahagya. Hindi ko mapigilang mapatitig. Sa harap ko ay isang mainit na pasta dish, malinis ang pagkakaplating — parang niyapos ng sarsa ang bawat hibla. May tamang timpla ng kulay: mapula ang sauce, may kinang ang oil, at sa ibabaw, may pahapyaw na gadgad na keso na parang snow sa taglamig. Katabi noon, ang roasted chicken — golden brown, perpekto ang balat, para bang malutong kahit hindi ko pa natitikman. May garnish ng rosemary at cherry tomatoes, na parang mga bulaklak na itinanim para sa okasyon. Ang bango, nakakaakit. Pero ang itsura... halos ayaw ko itong galawin. Para itong sining na dapat lang tingnan, hindi tikman. At sa dulo ng mesa, isang basong chocolate mousse na perpekto ang layers — dark at creamy brown, tapos may swirl ng whipped cream at pinong cocoa dusting sa ibabaw. May maliit na dahon ng mint sa gilid na parang selyo ng pirma. Isa siyang obra — tahimik pero mapang-akit. Ang ganda. Parang masisira lang kapag sinubukan mong tikman. Parang may kasalanan kang ginagawa kapag inalis mo sa pagka-perpekto ang isang bagay na ganoon kaganda. "Nakakainis no?" biro niya. "Sobrang effort para lang sirain din sa dulo." Napatawa ako, konti lang. "Kaya ako na-curious," dagdag niya. "Sa art niyo. Parang may parallel. Kayo, nagpipinta para ipahayag 'yung nararamdaman. Kami, para ipatikim. Same goal, ibang anyo." Napatingin siya sa akin, this time mas seryoso Napatingin ako sa isang plate ng pasta. May pagka-artsy ang presentation, may leaf garnish pa sa ibabaw at swirl ng red sauce sa gilid ng plato. "Gusto mong tikman?" tanong ni Ivan, kaswal. Nagkibit-balikat ako. "Hindi na. Baka para sa grades 'yan." Umiling siya. "Hindi. I made extra. This one's not part of the final plate." Natahimik ako. Napansin niya siguro ang pag-aalinlangan ko kaya't tumingin siya sa akin nang dire-diretso. "Come on, Lauren. You let me see your painting. Tikman mo naman 'yung gawa ko." Nagkibit-balikat siya ulit, pero ngayon ay may bahagyang ngiti. "Fair exchange lang." Hindi ko mapigilang matawa. "Ganito pala 'yung version niyo ng critique session." Kumuha siya ng tinidor at sinubo sa akin ang unang twirl ng pasta. Napatingin ako sa kanya. "Ikaw pa talaga nagsilbi." "Para walang takasan," aniya, habang nakangiti. Tinikman ko ang pasta. Mainit pa, malasa, creamy yung sauce pero may kick. May halong something smoky — parang may storya ang lasa. Napatingin ako sa kanya. "Seryoso ka ba? Ikaw talaga ang nagluto nito?" "Hindi ako nagnanakaw ng credit," sagot niya, nagkukunwaring offended. "Final output namin 'to for our sauce and plating unit." Tahimik ako sandali. "Masarap," bulong ko. Napatingin si Ivan sa akin, kunot ang noo. "'Yun lang?" May bahid ng ngiti sa boses niya — hindi sarcastic, pero parang nang-aasar lang ng kaunti. Napayuko ako sandali, pero hindi ko maiwasang mapangiti. Gusto niya ng totoo. Hindi lang papuri. Gusto niya ng opinyon. Huminga ako nang malalim at tumingin muli sa mga pinggan. "'Yung pasta..." sinimulan ko, dahan-dahan, "ang ganda ng balance. Hindi overpowering 'yung sauce. Ramdam ko 'yung asin ng parmesan, pero may sweetness sa dulo. And the garlic—hindi siya nangingibabaw, pero nando'n. Sakto lang. Hindi nakakasawa." Nakita kong bahagyang kumintab ang mga mata niya. Hindi siya nagsalita, kaya nagpatuloy ako. "Sa roasted chicken... ang lambot. Ang juicy. Tapos 'yung skin, crispy sa gilid. Pero ang pinaka gusto ko siguro, 'yung herbs. May earthy taste na hindi ko maipaliwanag pero nakaka-comfort. Parang... ulam sa bahay, pero mas elevated." "Hmm," napahum siya, kunwari ay hindi impressed, pero kita sa mukha niyang natuwa siya. Napatingin ako sa mousse. Medyo nahihiyang ngumiti. "'Yung dessert... honestly, parang ayaw ko siyang galawin kanina. Ang ganda niya. Pero nung tinikman ko... it melts. Smooth, rich, pero hindi nakakasuya. Tapos may konting bitterness sa dulo. Para siyang..." Napahinto ako, tinapik ng kaba ang dibdib ko. "...parang heartbreak na alam mong darating, pero worth it pa rin." Tahimik si Ivan. Para bang nagulat din siya sa sinabi ko. Ako rin. "Okay," mahina niyang sabi. "Now that... is a critique." Tumango siya, parang satisfied. "Good. Pwede na akong magbukas ng café someday." Napatingin ako sa kanya, at kahit pa madilim sa paligid, parang may liwanag sa pagitan namin. Hindi romantic, hindi rin dramatic — kundi tahimik at totoo. "Siguro nga," sabi ko. "Pero kung ganito kalasa bawat kwento mo sa pagkain, pupunta ako araw-araw." Natigilan siya. Ako rin. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Pero sa sandaling iyon, hindi ko na binawi. Tahimik kami pareho. Walang nagsasalita habang nakatayo sa gitna ng kitchen, na para bang may sariling mundo ang sandaling iyon. Si Ivan, naka-sandal sa counter. Ako naman, hawak pa rin ang tinidor, dahan-dahang nilalasahan ang huling kagat ng pasta. Pero ilang sandali pa, sa gitna ng katahimikan naming dalawa, bumukas ang pinto ng kitchen. "Babe?" Mabilis na napalingon si Ivan. Ako rin. Pumasok si Briella, naka-casual pa rin pero halatang galing sa labas. Nasa kamay niya ang kanyang phone, hawak na para bang may tinatype lang siya kanina habang naglalakad. "Kanina pa kita hinihintay sa parking—" natigil siya nang mapansin ako. "Oh." Tumingin siya kay Ivan, then back sa akin. Walang galit. Walang sigaw. Pero ramdam ang bigat ng presensya niya. I stepped back almost instinctively. Parang biglang lumiit ang mundo. Parang may pumitik sa loob ng dibdib ko na matagal ko nang kinikimkim. Ivan tried to speak. Normally, hindi utal. "She just came with me to—" "It's okay," putol ni Briella, nakatingin pa rin sa akin. "Sorry. I didn't know may kasama ka." Ngumiti siya, pero mahirap basahin kung totoo o pilit. Doon ako natauhan. Napatingin ako sa dalawa. Then sa kinain kong plato. Sa tinidor na hawak ko. Sa sarili ko. Of course. Of course I wasn't supposed to be here. Hindi ito lugar ko. Hindi rin siya para sa akin. Umiling ako, bahagyang ngumiti. "Thanks, Ivan. For showing me around," mahina kong sabi. Inayos ko ang mga gamit ko at tumalikod bago pa man sila makapagsalita pa. Hindi ako tumakbo. Hindi rin ako nagmadali. Pero sa bawat hakbang palayo sa kitchen, pakiramdam ko may bahaging naiwan sa likod — sa pagitan ng init ng pasta at katahimikan ng gabi. At sa bawat hakbang, inuulit ng isip ko: Wala ka namang karapatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD