Maraming Matutunan NAPASALAMPAK ng upo si Rennie sa kulay mause green na tiles nang mawala sa paningin niya ang boarder. Tila nawalan ng lakas ang kanyang mga buto. Naisandal pa niyj ang likod at likuran ng ulo sa tiles din na dingding. "Whew! Paano mo nagawa ang ganun, Renata? Hindi si King ang binimpuhan mo sa buong katawan kundi isang full grown masculine man na pwedeng-pwede na gumawa ng isa pang King! Oh, my God!", nasabi ng dalaga. Ipinilig pa niya ang ulo at pagkatapos ay mabilis na hinilamusan ng malamig na tubig ang mainit na mukha. Mariin niya itong kinaskas gamit ang laylayan ng suot na tshirt upang tuyuin ang magkahalong tubig at pawis na kanina pa nagbubutil-butil sa kanyang noo at palibot ng mukha. At saka pa lang muling ipinagpatuloy ang nahintong ginagawa. Napagtuunan

