"Nasaan?" pagtatanong ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Pero wala naman akong Nathan na nakikita. Pumunta ako sa kwarto ni Harvey at doon ko nakita ang Nathan na tinutukoy niya.
"Pwede bang bantayan mo muna si baby Nathaniel?"
Wala naman ang Nathan Alvarez dito. Isang utos lang pala ni kuya Macoy ang bubungad sa akin dito. Naisahan ako ni Harvey, ako tuloy ang mag-aalaga sa pamangkin ko. Nakakainis.
"Aalis ako ngayong araw kasama si ate Lynn mo. Pupunta kami sa bayan para maghanap ng bago kong trabaho. Ikaw muna ang mag-alaga kay baby Nathan ah."
"Kuya pwede bang Taniel na lang ang itawag ko sa kanya?" pagsuhestiyon ko.
"O sige, ikaw bahala." Mabilis naman niyang tugon at umalis na sila ni ate Lynn.
Nakarinig naman ako ng isang malakas na halakhak habang papasok si Harvey ng kwarto. "Good brother hahaha." Tumawa ito. "I mean good uncle." Dagdag pa niya
Hindi ko siya pinansin at tinuon na lang ang pansin sa mala-anghel na mukha ng pamangkin ko. He's eyes and his lips was f*****g perfect. Sigurado akong magiging chickboy 'to paglaki dahil pinagsamang ganda ni ate Lynn at kapogian ni kuya Macoy ang namana ng batang ito. Ito na ba ang magiging Nathan 2.0? Char lang!
"Sino ba kasi talaga si kuya Nathan? Kaibigan mo ba siya? Tropa mo ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Harvey.
"Basta! Dami mong tanong." Irita kong sabi.
"Damot mo kuya! Ayaw mo pa ipakilala sa akin." Pagtatampo nito at saka tumalikod. "Ahhhh." Humarap siya sa akin na nakangisi. "Siguro boyfriend mo dun sa Maynila?" sabay tawa pa nito.
"ANONG BOYFRIEND? LOKO KANG DAMUHO KA! UMALIS KA DITO AT BAKA MAGISING PA SI BABY NATHAN." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko. "Este, baby Taniel pala."
Gusto ko nang kalimutan ang pangalan na Nathan. Hindi ko na siya kailangan dahil wala na siya sa buhay ko. Dahil matagal ko na siyang inalis sa isipan ko. At kahit dumating pa ang araw na bumalik siya sa buhay ko, sisiguraduhin kong wala na siyang babalikan pa.
"Ikaw ang umalis, kwarto ko 'to eh." Anang pa ni Harvey at ako na lang ang nag-adjust.
Kabanata 18
Ikaw Ang Umalis
"Oh saan nagpunta sila kuya Macoy mo at sayo pa iniwan ang bata?" tanong ni mama nang makita niyang buhat-buhat ko si baby Taniel.
"Umalis sila ma, maghahanap daw ata ng trabaho si kuya Macoy. Sinamahan siya ni ate Lynn." Tugon ko.
"Ay ganon?" kinuha niya si baby Taniel. "Oh eto." Inabot niya sakin ang isang-libong piso sa aking palad. "Umalis ka muna Russel, magpaka-saya ka muna habang bakasyon mo. Umalis ka at magpasyal ka kahit saan mo gusto. Alam kong stress na stress kana anak dahil mahirap ang buhay sa Maynila, lalo pa't mag-isa ka lang at puro pag-aaral lang ang inaatupag mo sa kolehiyo."
Hindi ako makapaniwalang makakatanggap ako ng ganito kalaking halaga mula kay mama. Tinanggap ko ito at mabilis kong inilagay sa aking bulsa.
"Salamat ma!" sabay halik ko sa kanyang pisngi.
Dali-dali naman akong bumalik ng kwarto ni Harvey para magbihis. Habang nagbibihis ako ng damit pang-alis ay hindi naman maalis ang pagtitig sa akin ni Harvey habang nakakunot ang kanyang noo. Marahil ay nagtataka siya kung saan ako magpupunta.
"Saan ang lakad kuya?" tanong nito habang naka crossed arms.
"Wala kana dun." Mayabang kong sabi.
"Sasama ako." Aniya at mabilis din itong naghanap ng damit na susuotin.
"Ano?! Hindi pwede. Moment ko 'to para matanggal ang stress ko tapos sasama ka pa? Wag! Di pwede wala akong pera!" umiling-iling ako.
Narinig ni mama ang di pagsang-ayon ko sa pagsama ni Harvey sa akin kaya agad naman siyang pumasok sa kwarto. Bitbit pa rin si baby Taniel.
"Sige na Russel, isama mo na ang kapatid mo. Ngayon na lang ulit iyan makakapagpasyal dahil puro basketball lang ang inatupag niyan dito."
Wala na akong nagawa at sumang-ayon na lang ako sa pagsama ni Harvey.
Nagpunta kami sa mall habang nililibot at tinitignan ang mga magagandang bagay na makikita sa paligid. Malamig nga pala dito at nakalimutan kong magdala ng jacket. Si Harvey naman ay nasa likod ko lang na parang isang buntot na nakasunod at nakabantay sakin.
"Bakit kaba kasi sumama? Eh kung nag-basketball ka nalang doon satin hindi ka sana mabo-boring." Wika ko.
"Hindi naman ako mabo-boring, kasama kita eh. Syempre namiss kita kuya." Sabay yakap pa nito sa likod ko. "Ako di mo ba namiss?"
Alam ko ang mga ganitong galawan. Mukhang may gustong ipabili pero sorry siya wala akong pera. Sakto lang ito para mabili ang mga pagkaing gusto ko matikman pati na rin ang mga damit na gusto kong bilhin.
"Tseh! Wag ako. Wala kong pera Harvey." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin.
Nagpunta kami sa isang department store. Doon ay naghanap kami ng mga damit na kakasya at sasakto lang sa halagang isang libo. Kanya-kanya kami ni Harvey sa paghahanap ng matitipuhan naming damit.
Maya-maya ay nakapili na kami. Apat na damit ang nakuha namin, bale tig-dalawa kami ng napili. Nakangisi pa si Harvey sa akin habang nakapila kami.
"Loko ka, siguraduhin mong sasakto 'tong mga binili mo sa pera natin hah?"
Nakalapit na kami sa counter. Doon ay inabot ko ang apat na damit na nagustuhan namin. Kinapa ko ang bulsa ko para hanapin ang wallet na kung saan nandon ang halaga ng isang libong piso.
"Sir. 1,250 pesos po lahat." Wika ng babaeng kahera.
"s**t! Sorry ma'am. Pwede bang i-cancel ko yung transaction?"
"K." inirapan ako ng babaeng kahera habang ni-void niya ang transaction namin. Gulat namang napatingin si Harvey sakin.
"Anong nangyari kuya Nathan?"
"Naiwan ko yung wallet sa bahay." Napayuko ako sa hiya.
"Russel? Russel Gabriel!" narinig ko ang isang boses ng lalaki na tumatawag sa akin. Nakapila rin siya kasunod namin.
"Bruce? Ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.
Napa-O naman ang bibig ng kapatid kong si Harvey.
"Miss isabay mo na yung item nila kanina sa item ko." Sabi ni Bruce at siya ang nagbayad para sa amin. Mabilis namang tinanggap ni Harvey ang mga t-shirt namin na si Bruce ang nagbayad.
"Ano ginagawa mo rito sa Cebu?" pagtatanong ko.
"Hinahanap ka namin ni Nathan. Tara nandon sila." Hinila naman ako ni Bruce kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama. Iniisip ko na anong kayang gagawin ko kapag nagkita kami muli ni Nathan. Ano kayang mukha ang ihaharap ko sa kanya matapos kong umalis sa Maynila nang hindi nagpapaalam.
Pumasok kami sa isang restaurant. Sumunod lang ako kay Bruce kasama parin ang kapatid kong bitbit ang binili naming t-shirt. Binili pala ni Bruce para sa amin.
"Guys nandito si Russel!" sigaw ni Bruce.
Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. Nakita ko si Sammie, si Rusty pero si N lang ang iniwasan ko ng tingin. Hiyang-hiya ako dahil mukhang mao-OP ako sa grupo ng bandang ito.
"Nahanap ka rin namin dito." Wika ni Rusty.
"Oo nga, mabuti na lang at nakapagtanong-tanong kami. Nandito ka lang pala sa Cebu." Sabi naman ni Sammie. Nginitian ko ang dalawang bumati sa akin pwera lang sa nag-iisang lalaki sa gilid na katabi ng kapatid ko. Katabi ko si Bruce habang sa tapat naming sila Sammie at Rusty.
"Wow, may boyfriend ka palang kasama." Boses ito ni N.
"Ay hindi po. Kapatid niya ako." Wika naman ni Harvey.
"Si Harvey, kapatid ko pala." Ang sabi ko sa kanilang lahat.
Binati rin nila si Harvey at kinausap nila ito. Ngayon kaming dalawa ni N ang OP. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Gusto kong umalis dito pero mukhang nakakabastos naman ang paraang iyon. Siguro kailangan ko munang makisama sa mga ito kahit sandal lang.
"Harvey sama ka samin, order tayo sa counter." Sabi ni Bruce. Sinama din nila si Sammie at Rusty kaya naman kaming dalawa ni N ang naiwan dito sa table. Tangina! Oorder lang kailangan madaming kasama? At kami pa talaga ang naiwan.
"Ehem." Kunwaring pag-ubo nito. "So kumusta ka naman, ba't bigla kang umalis nang hindi ko alam?"
Di ako sumagot. Iniwasan ko siya ng tingin.
"Magsalita ka naman!" hinampas niya ang table at doon ay nagulat ako sa ginawa niya.
Tumayo ako. "Paki mo ba kung umalis ako? Pinakailaman ba kita nung nakipagkantutan ka kay Raiza nang hindi ko alam?" hinampas ko rin ang table. Mabuti at kakaunti lang ang tao sa paligid at nasa dulong parte kami kaya kampante akong walang makakarinig ng aming usapan.
Hindi na siya nagsalita kaya nagpunta muna ako ng banyo. Nagpunta ako sa banyo para ilabas ang kanina ko pang mga luha. Mga luha na ang tanging dahilan ay ang pagkamiss sa kanya sa kabila ng galit at poot na itinanim ko sa kanya. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya. Eh nandito na siya eh. Ano pang magagawa ko. Kailangan ko siyang patawarin pero kailangan din tapusin ang pagkakaibigang ito.
"Mag-usap tayo." Sumunod siya sa akin dito sa banyo.
Fuck! Napakamarupok ko talaga.
"First, I would like to say sorry for hurting you. Dahil nakipag-s*x ako kay Raiza nang hindi mo alam tapos-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang umepal ako.
"Tapos? Tapos ano? Gagawin mo naman? Sasaktan mo na naman ako? Tapos-" natigilan din ako sa pagsasalita nang bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa aking labi. Pinatahimik niya siguro ako. Kahit masarap pa ang paghalik na iyon ay nagawa ko pa rin siyang itulak ng malakas
"Pakyu Nathan! WAG AKO IBA NALANG! WALA KANG MALOLOKO RITO! TAMA NA MASYADO KA NANG PAKBOY! OO NA NADALE MO NA AKO PERO MABUTI NA LANG TALAGA AT HINDI KO PA SINUKO SAYO ANG PWET KO!"
"Can you just stop blabbering Russel? Let me explain okay!" wika nito matapos ko siyang itulak.
"Isa pang halik mo sakin sasapakin talaga kitang hayup ka!" galit kong sabi. Tama yung ganito. Niloko niya ako at pinaasa kaya tama lang na magalit ako.
"Please Russel. Calm down. Kaya ko lang ginawa yung paghalik ko sayo para masigurado ko ngang tama nga itong feelings ko sayo."
"Feelings? May feelings ka pa pala? Eh titi mo lang naman yata ang tumitibok sayo hindi ang puso." Inis kong sabi.
"Stop okay! Hinalikan kita cause I want to make sure na ikaw ang mas higit kay Raiza. Na mas maghuhuramentado itong puso ko kapag hinahalikan kita. And you know? I was right. I was f*****g right. Ikaw ang mas pinili ko kesa kay Raiza. Ikaw ang mas mahal ko Russel kaya please, bumalik kana sa Maynila." Mangiyak-ngiyak pa nitong sabi.
"Wow. Wala ka nang babalikan ulol! Mas pinili mo siya diba? Mas pinili mo si Raiza, mas pinili mo ang bruhang iyon kaya dun ka. Dun ka! Umalis ka na!" pinagtutulakan ko siyang lumabas ng pinto ng restroom. "Umalis kana! Iwan mo na ako gaya ng pag-alis mo nang piliin mo si Raiza kaysa sakin. Ni-hindi mo lang ako pinaglaban sa babaeng iyon. Mas pinakinggan mo ang sinabi niya dahil alam mong siya ang tama. Dahil sa kanya ka makakabuo at hindi sa lalaking katulad ko." Humagulgol na ako sa iyak.
"Tama naman siya Nathan. Kaya please siya ang piliin mo at siya ang balikan mo. Wag mo siyang iwan gaya ng ginawa mo sakin. Piliin mo siya dahil sa kanya ka mas magkakaroon ng future, hindi sa katulad kong salot ang tingin sa akin ng lipunan." Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Sa wakas ay nailabas ko rin ang hinanakit ko sa pagkawala ni Nathan sa piling ko.
"Bakit ako aalis? Hindi ako nang-iwan Russel. Ikaw ang umalis Russel, ikaw ang umalis ng hindi nagpapa-alam sa amin. Iniwan mo kaming punong-puno ng katanungan. Di mo ba alam na nag-alala kami sayo. Nag-alala sayo ang mga kapatid ko at ang mom ko dahil hindi ka na bumibisita sa bahay." Wika niya.
"Humanap ako ng paraan para mahanap kita. Kinausap ko si Thea para alamin ang address niyo sa Cebu, nakausap ko rin ang tita Adel mo dahil kay Thea. Hindi mo lang alam na hinanap kita Russel. Kaya please wag kana umalis. Liligawan pa kita diba?" aniya. Ang gwapo niya paring tignan kahit naluluha na siya.
"Hindi na pwede Nathan. Paano kung nakabuo kayo ni Raiza? At nagbunga na ang pagbubuntis niya? Syempre mas pipiliin mo siya dahil responsibilidad mo ang maging tatay sa anak niyo ni Raiza."
"Hindi Sel, hindi ko siya nabuntis. Imposible yun. Kung magbunga man ang pagkakamali naming, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kase sayo ako mas sasaya. Ikaw ang mahal ko Sel, alam mo yan." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya habang patuloy kami sa pagluha. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya sa ginawa niya. Pero mahal ko siya kaya papatawarin ko siya. Everybody deserves to give a second chance at iyon ang gagawin ko.
Hindi ko na hahayaang umalis si Nathan sa tabi ko at pinapangako kong hindi rin ako aalis at hinding-hindi ko siya iiwan. Mahal namin ang isa't-isa at siguro'y pagsubok ito upang mas lalong tumatag ang aming pagsasamahan. At ang aming pagmamahalan.
"Sorry. Pangako, hindi na kita iiwan Nathan. Pagtitiwalaan kitang muli. Alam kong pagsubok lang sa atin itong dalawa." Ang sabi ko.
"Panghawakan mo lang Sel. Parehas nating hawakan ang relasyon natin, huwag na huwag tayong bibitaw. Kasi kapag bumitaw ka o ako, isa sa atin ang mahihirapan buhatin ang relasyon natin. Kapag umalis ka o ako, isa sa atin ang masasaktan at tuluyang susuko sa pangako natin."
"I love you Nathan Alvarez. Pangako kong hinding-hindi na ako aalis" Wika ko.
"I love you too Russel Gabriel. Pangako hindi na kita sasaktan." Tugon niya kasabay nang mabilis at mariin niyang paghalik sa aking labi.
At nabuo na naman ang isang kasaysayan na kung saan dalawang lalaki ang nagsumpaan sa isang palikuran. Palikuran na kung saan kami nagsimulang magkakilala. At ang palikuran na magsisilbing ala-ala namin. At ang palikuran na palagi sa aming magpapa-alala na huwag naming iwan ang isa't-isa.
Sa mundong ito, ikaw man o ako umalis. Isa sa atin ang masasaktan. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa biglaang pag-alis? Hindi ba't natatakot tayo sa paglisan ng mahal natin sa buhay?
Nagagawa lang naman nating umalis dahil natatakot tayong masaktang ng paulit-ulit kaya mas pinili nating maging mapayapa. Na maging matahimik. Pero sa isang banda, hindi rin natin naisip ang mga taong nilisan natin, na iniwan natin ng walang paalam. Natatakot din silang mawala tayo sa kanilang buhay dahil natatakot silang mag-isa at malungkot dahil wala na ang nagpapasaya sa kanila.
Parehas lang kaming natakot ni Nathan. Natakot ako sa posibleng mangyari kaya ako umalis. Habang si Nathan naman ay natakot sa aking pag-alis.
Gusto kong bumawi kay Nathan. Gusto kong nasa tabi na niya ako palagi. Dahil alam ko na ang pakiramdam ng isang taong iniwan. At sana alam niya din ang pakiramdam ng katulad ko, na isang taong takot lang naman masaktan kaya nagawa kong umalis.
"Hinding-hindi na ako aalis Nathan."
"Hinding-hindi na rin kita hahahayaang umalis at sasaktan. At kahit ikaw pa ang umalis, hahabulin kita Russel kahit saang lupalop ka pa ng mundo magpunta. Hahanapin kita at sasabihing mahal na mahal kita."
Muli ay naghalikan kaming dalawa. Sobrang namiss na namin ang labi ng bawat isa kaya masyado kaming hayok na hayok sa paghahalikan. Ang sarap pa rin ng kanyang mga labi. Hindi ko akalaing babalik siya rito at hahanapin ako.
Naniniwala na talaga akong sobrang mahal na mahal ako ni Nathan. Ang kailangan ko lang talagang gawin ay pagtiwalaan siya at panghawakan ang pangako namin sa isa't-isa.
"Hoy, nandon na yung order. Nagda-dramahan pa kayong dalawa dito." Sabi ni Rusty nang pumasok siya dito sa restroom. "Umalis na nga kayo dito at baka mainggit ako sa inyo, paghahalikan ko kayong dalawa diyan kita niyo." Panloloko ni Rusty.
"HAHAHA. Gago. Mainggit ka! Ikaw ang umalis!" sabi pa ni Nathan at binalikan niya ulit ang aking mga labi. Nalalasing na ako sa kanyang mga paghalik. Dinikit pa niya lalo ang kanyang katawan sa akin kaya naman naramdaman ko na ang kanyang malaking umbok sa harapan ko.
"Hinding-hindi na talaga ako aalis, daks itong Nathan ko eh." Natatawa kong sabi sa isip ko.