CHAPTER 12 - Impulse

1497 Words
Nagtataka si Anara. Bakit ang mancho dancer na iyon ay sa kaniya talaga tumapat at sumayaw. Nang nagkatitigan sila ay pamilyar sa kaniya ang mga mata nito. Sinundan ni Anara ng tingin ang lalaki. Habang sumasayaw naman ito sa harap ng kabilang grupo. Nagsigawan ang mga ito. "Gusto ko siya makilala!" Tili ng isang babae. "Hoy, ano ba, iuuwe ko na yan!" Habang sumasayaw napapasulyap si Liam sa kinaroroonan ni Anara. Para hindi halata inikutan ni Liam lahat ng babaeng tumitili sa kaniya. At unti-unti sa bride naman siya papunta habang umiindayog. Pero ang mga mata niya ay nakapako kay Anara. Nagtagal si Liam sa harap ng Bride. Sinexehan ang pag indayog. Tili ng tili ang mga babae. Pwera kay Anara. Maya-maya ay pumihit si Liam ng indayog papalapit kay Anara. Halos isang pulgada lang ang layo nila sa isa't-isa. Napanganga na si Anara at napalunok. Dahil bakat na bakat ang alaga ng macho dancer na gumigiling sa harapan niya. Parang sinasabi na gusto mo ba ito? Hawakan mo. Nagsihiyawan ang mga babae. Dahil gusto nila makuha ang atensiyon ng dancer. Mas tumagal siya roon sa harap ni Anara. Mas sinadya ang bawat galaw. Mas naging mapusok ang indayog. Umalingawngaw ang tili ng mga babae. Natapos ang tugtog. At tumigil na rin sa pagiling si Liam. Naghiyawan ang mga babae roon ng more!, More! Pero nag-wave na si Liam at nag-exit na sa likuran. Nagtawanan ang mga barkada niya. "Tangina, Bro! Bagay pala sayo ang mag-macho dancer. Galing mong gumiling ah!" "Gago! Trip niyo to pinagbigyan ko lang kayo!" Nagtawanan sila. HALOS MAG-ALA-UNA NA NG MADALING ARAW nang makauwi si Anara. Pagdating niya sa bahay ay nasa study room pa si Ulysses. Kaya napangiti si Anara. Pumasok siya roon at ginulat si Ulysses ng hinalikan niya ito sa pisngi. "Hey!" Ani Ulysses. Nagulat sa ginawa ni Anara. "Bakit ngayon ka lang? Did you have a good time?" Hinalikan niya rin ang babae sa pisngi. Tapos bumalik ang focus sa ginagawa. Si Anara ay napayakap sa likuran ng lalaki at hinalik halikan ang tenga at leeg nito. Mapusok. Hinahanap ang labi ng asawa. "Anara.....what are you doing?" May inis sa boses ni Ulysses. Patuloy pa rin si Anara. Hinaplos ang dibdib ni Ulysses. Pagkatapos bumaba ang kamay nito sa puson papunta sa harapan ng lalaki pero bago pa mangyari iyon ay nahawakan na naman ni Ulysses ang kamay niya. "Anara.....Stop!" Saway ni Ulysses. Pero patuloy pa rin si Anara. "Ohhhh, Ulysses, please! Im begging you. I'm missed you. Please f**k me!" "Not now. Can't you see? I am busy!" Tinulak niya si Anara. "Ulysses?!" Nabigla si Anara sa ginawa ng asawa. "You know what? We're married for twelve years and you never f****d me! Ano ba meron diyan sa ....."Tinuro ang harapan ni Ulysses. ".....putanginang.....ari mo na yan, na kahit kailan hindi ko nakikita at ni hindi ko mahawakan!" "Anara, cut the drama! Your being so childish!" Tiim ang bagang ni Ulysses. Gusto sana sabihin ni Anara na alam kong isa kang GAY but because mahal kita ayaw kong mapahiya ka. Kaya nanatili ako sa tabi mo. "Ulysses, please....." Lumapit ulit si Anara at niyakap si Ulysses. "Anara, you don't understand!" "E di sabihin mo sa akin Baka maintindihan kita!" Sigaw ni Anara. "Not now." "I hate you!" Tumakbo na palabas si Anara. Bigo sa gusto niyang mangyari. Paglabas niya. Muntik na niya mabunggo si Liam na nasa hallway. Napahinto siya at napatingin sa lalaki. May mga luha sa mga mata ni Anara. Nagtama ang mga mata nila. Tapos umiiwas si Anara at mabilis na pumasok sa silid nila ni Ulysses. Dinig ni Liam ang usapan ni Anara at ng Ninong Ulysses niya. Napadaan lang siya pero he can't help it to eavesdrop. Nakita niya sa singaw ng pinto ang nangyari. Kaya sumilip siya. Nang makita niyang palabas si Anara ay lumayo siya sa pinto. Kaya paglabas ni Anara ay muntik na naman ito mabunggo sa kaniya. Pagkapasok ni Anara sa silid nito ay kumatok na naman si Liam sa study room kung nasaan ang ninong Ulysses niya. TOK! TOK! "Who is it?' "Ninong, it's me Liam." "Come in!" Sabi ni Ulysses. Nasa harap pa rin ito ng laptop niya. "Ninong, it"s already 1am." Sabay tingin ni Liam sa relo niyang suot. "Yeah, I have to finish this. Because I have a business trip tomorrow going to US." "What? Kararating mo lang and then aalis ka ulit? Why don't you give some time with your wife. I'm sure kailangan ka rin niya." Umupo si Liam sa may mini sofa. Nanatili pa rin ang mga mata ni Ulysses sa screen. "No. Sanay na siya na wala ako." "Sure po kayo, ninong?" "Don't mind your tita Anara. Nagdadrama lang iyon." Sagot ni Ulysses. "Siya nga pala, kumusta ang lakad mo?" "Okay lang naman po. Katuwaan." "That's good. Bukas samahan muna kita sa Aviation Corp. Para makapag-start ka na." Tumayo na si Liam. Nagpasalamat sa ninong niya. "Thanks, Ninong. I should be going to my room." "Okay. Magpahinga ka na." Tumango si Liam. Isinara ang pintuan. Nakapamulsa pa siya habang naglalakad papunta sa silid niya na nasa dulo ng hallway. Pipihitin na niya sana ang door knob ng magbukas ang pintuan ng silid ng Ninong Ulysses niya. Si Anara. Lumabas ng silid. Wearing her red nighties. Bumaba ito sa hagdanan. Instead na pumasok si Liam sa kwarto niya ay sinundan niya sa baba si Anara. Tahimik siyang bumaba ng hagdanan. Medyo madilim na rin sa baba ng living room. Dahil tulog na rin ang mga katulong. Tanging mahinang ilaw lamang ang nagbibigay-anino sa paligid. Lumabas si Anara patungo sa likuran ng bahay—sa may pool. Walang kaalam-alam si Anara na may matang nagmamasid sa kaniya mula sa dilim. Huminto siya sa gilid ng pool. Nakatitig lamang sa tubig. Matagal. Parang may dinadala siyang bigat na hindi mailabas, parang may desisyong pilit pinipigil… hanggang sa— Bigla siyang tumalon. Nanlaki ang mga mata ni Liam. Nanatili muna siyang nakamasid, hinihintay na umahon si Anara. Ngunit lumipas ang ilang segundo… naging isang minuto. Wala. Kinabahan siya. Lumapit siya sa gilid ng pool, hinanap si Anara sa ilalim ng tubig. Hanggang sa— May lumutang. Si Anara. Hindi gumagalaw. Walang alinlangan, tumalon siya sa pool. Hinila niya si Anara paitaas, dinala sa gilid, at maingat na inihiga. Walang malay. “Gising… gising, please,” nanginginig niyang sambit habang tinatapik ang pisngi nito. Walang reaksyon. Sa panic at takot, ginawa ni Liam ang alam niyang paraan upang mailigtas si Anara. Nag CPR siya. Pinilit niyang ibalik ang hininga ni Anara, hindi iniinda ang sariling pagod. “Please… huwag… huwag ka munang sumuko,” pabulong niyang dasal. Ilang sandali pa— Biglang umubo si Anara. Nailuwa nito ang tubig at napasinghap ng malalim, sunod-sunod ang ubo habang pilit hinahabol ang hininga. “Okay ka lang… okay ka lang ba?” paulit-ulit na sabi ni Liam habang hawak ang balikat ni Anara. Namutla si Anara, nanginginig, at unti-unting dumilat ang mga mata. Nang makita niya si Liam, napuno ng luha ang kaniyang paningin. “Bakit…?” mahina niyang tanong, halos hindi marinig. “Bakit mo ako inihaon sa tubig. Bakit mo ako iniligtas?” Hindi agad nakasagot si Liam. Bigla siyang sinuntok ni Anara sa balikat. “Isa ka pa!” singhal niya. “Pakialamero ka!” Napaatras si Liam sa gulat. Hindi dahil masakit ang suntok—kundi dahil sa bigat ng emosyon ni Anara na ibinunton sa kaniya. “Hindi mo dapat ako tinulungan!” “T-tita Anara,” mariin ngunit mahinahong sabi ni Liam, “hindi ko naman kayang pabayaan kayong nalulunod.” “Hindi mo alam ang nararamdaman ko!” sigaw niya. “Hindi mo alam kung bakit ko ginawa ’yon!” Tahimik si Liam. “Hindi ko gustong mamatay,” dagdag niya, umiiyak. “Gusto ko lang tumigil ang sakit.” Dahan-dahang umiling si Liam. “Hindi iyon ang solusyon,” sabi niya, mahina pero buo ang loob. “Ang pagtalon… hindi nito pinapawi ang sakit. Pinapasa lang nito sa mga taong maiiwan.” Napatigil si Anara. “Bakit hindi mo na lang ituon ang sarili mo sa iba?” dugtong ni Liam. “...ibig kong sabihin sa mga bagay na puwede pang magbigay sa’yo ng dahilan para gumising araw-araw.” Tahimik si Anara. Ngayon lang siya nakarinig ng mga salitang iyon. “Hindi ko sinasabing madali,” patuloy ni Liam. “Pero marami ka pang puwedeng gawin. Marami ka pang puwedeng maramdaman." Napatingin si Anara kay Liam. Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya ang mga mata nito—diretso. Parang may hinihintay siyang kasunod, parang may sagot siyang gustong marinig pero hindi niya kayang banggitin. Tahimik ang paligid. Mabagal ang paghinga nila. Matagal silang nagtitigan. At sa bawat segundo, parang palapit nang palapit ang mga mukha nila—bigla at hindi maipaliwanag na init, isang pagnanasang sumiklab sa mismong sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang hakbang pa sana. Isang salita pa sana. Nang biglang— “What happened here?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD