bc

My Lovely Chef Amanda by Tamara Cee

book_age16+
460
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
dare to love and hate
sweet
bxg
lighthearted
city
office/work place
sassy
colleagues to lovers
friends
like
intro-logo
Blurb

Imposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki?

For Amanda, living with Justin in the same house was like a rollercoaster ride – mabilis, exciting, scary. But for Justin, it was like living his fantasy. Para kay Amanda, si Justin na ang pinakamagandang lalaki na nakita niya sa buong buhay niya at para kay Justin, Amanda is the girl in every man’s dream.

But they are the best of friends – just friends.

Kaya ba nilang panatilihin ang magandang pagkakaibigan? O kaya ba nilang maamin sa isa’t-isa ang tunay na nararamdaman?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SABI nila, imposible raw na magkaroon ng platonic relationship ang isang babae at isang lalaki. Ang sabi naman ni Amanda, bakit hindi? Dahil sila ni Justin, isang taon mahigit nang magkasama sa iisang apartment, bilang magkaibigan. Platonic ang relationship nila. Kakaiba oo, pero hindi imposible. Nagkakakilala sila ni Justin nang hindi inaasahan. Maraming tao sa loob at labas ng coffee shop nang gabing iyon - ang iba ay para magkape, ang iba ay para sumilong at maghintay sa pagtila ng malakas na ulan. Halos kalahating oras nang naghihintay roon si Amanda at malapit na niyang isipin na baka naligaw at napunta si Jay sa ibang coffee shop dahil ayon sa matalik niyang kaibigang si Phoebe, first time raw ng pinsan nitong si Jay sa Pilipinas. Kung hindi lang masama ang tumanggi ay hindi siya papayag sa pakiusap ng kaibigan na siya ang sumundo rito mula airport... “Good evening. Sorry, I’m late.” That was the most mesmerizing smile that she has ever seen. The man was tall and really good-looking. He’s got this shoulder-length hair, which complemented his overall hunk appeal. “Sorry to keep you waiting. You must be…” “A-Amanda,” wala sa sariling tugon niya kahit pa hindi niya alam kung sino ba ang napakagandang nilalang na iyon. “I’m Justin.” Nakipagkamay sa kanya ang binata at naupo ito nang nakatingin sa kanya. Sa tono ng pananalita nito, sa tingin niya ay matagal na itong nakatira sa ibang bansa. Hindi alam ni Amanda pero para siyang na-hipnotismo ng mga titig nito sa kanya. Tumingin ito sa mamahalin nitong wristwatch at napatingin rin siya sa sariling lumang relo. Mag-aalas siyete na ng gabi. “Is it okay if we have dinner first?” tanong ni Justin. “H-ha?” taka niyang tanong. “I think Paul won’t mind if we have dinner first,” sabi pa nito nang nakangiti. “P-Paul?” Sino si Paul? “He told me to pick you up, hindi ba niya nabanggit sa iyo?” Umiling si Amanda. Wala siyang naiintindihan isa man sa mga sinasabi nito. “Aren’t you Paul’s girlfriend?” kunut-noo nitong tanong. Umiling siya, na nagpangiti kay Justin ng isang napakatamis na ngiti. A mistaken identity. That’s how they first met. Matapos humingi ng paumanhin si Justin ay umalis na rin ito kaagad. Ilang minuto pang naghintay roon si Amanda pero walang Jay na dumating. Ilang beses niyang tinawagan si Phoebe pero hindi rin niya ito ma-contact. Kalahating oras pa ang lumipas at napagpasyahan na niyang umalis at dahil sa malakas pa rin ang ulan, nanatili siya sa labas ng coffee shop, hawak sa isang kamay ang kanyang luma at maliit na payong at isa pa ang ilang libro habang naghihintay ng taxi. At sa dami ng tao roon, tantiya niya ay kinabukasan pa siya makakauwi. Hanggang sa ilang sandali pa ay natanaw niya si Justin na kumaway sa hindi kalayuan. Mabilis itong tumakbo at sumukob sa payong niya. He then invited her inside the shop to have coffee. And that’s how their friendship started. Ano na nga ba ang nangyari kay Jay? Napag-alaman niya mula kay Phoebe na iba ang coffee shop na pinuntahan nito. Ang totoo, hindi si Jay ang naligaw, kundi siya. At si Justin? After having a wonderful conversation over a cup of coffee, nagpaalam na siya. Hindi niya alam kung magkikita pa sila uli. Gusto sana niyang hingin ang numero nito pero hindi naman nito hiningi ang numero niya. Nakakapanghinayang. Pero pagkalipas ng isang linggo, muling nagtagpo ang kanilang landas. Sa parehong coffee shop, sa parehong mesa. Malayo pa lang, tanaw na ni Amanda si Justin at ang maganda nitong ngiti. Nakaputi itong T-shirt, at simpleng denim jeans. Lahat ng babae sa lugar ay napatingin sa direksiyon ni Justin pagpasok na pagpasok nito sa coffee shop. Ganoon katindi ang karisma ni Justin, walang exaggeration. Sa madaling salita, mabilis silang naging magkaibigan. Nagpupunta sila sa mall nang magkasama, nanonood sila ng sine, kumakain sa labas nang magkasama. Hindi rin maintindihan ni Amanda kung bakit sila nagkasundo kaagad. Sabi niya kay Phoebe, ganoon siguro talaga, may chemistry sila ni Justin. Ganoon lang. Ayon naman kay Phoebe, may hidden desire raw si Justin sa kanya pero tinawanan lang niya iyon. Imposible dahil magkaibigan lang sila ni Justin. Sa nakalipas na sampung buwan, mabuti silang magkaibigan. Pero bilang dakilang kontrabida sa lahat, iba ang tingin ni Phoebe dahil ang tipo raw ni Justin ay hindi nakikipagkaibigan sa mga babae at imposibleng friendship lang ang habol nito sa kanya. Parang mas imposible yata iyon, naisip ni Amanda. Pero sa totoo lang, minsan, gusto na niyang itanong kay Justin kung bakit ganoon na lang ito kabait sa kanya, at kung bakit siya nito pinag-aaksayahan ng oras. Pero siyempre, ayaw naman niyang bigyan ng kulay ang mga bagay-bagay. At pagkaraan ng halos isang taon, kinailangan bumalik ni Justin sa California dahil ang totoo, bakasyon lang dapat ang pagbisita ni Justin sa Pilipinas. Pero bumalik rin ito pagkaraan ng anim na buwan. “So, what’s your plan?” tanong ni Justin sa kanya ilang buwan pagkatapos niyang maka-graduate ng Hotel and Restaurant Administration. “Dalawa sa in-apply-an ko sa hotel sa U.S. ang nag-yes…pero ‘yung offer sa International Cruise Line ang tatanggapin ko,” tugon niya. Kasalukuyan pa niya noong tinatapos noon ang ilang klase niya sa culinary school pero halos isang buwan na lamang ay ga-graduate na siya sa wakas. Malaki ang impluwensiya sa kanya ng kanyang ama na isang executive chef sa isang kilalang hotel sa Las Vegas kaya naman nang mamatay ito dahil sa isang aksidente noong nasa high school siya ay ipinangako niya sa sarili na ipagpapatuloy niya ang pangarap ng ama. Ilang sandali pa bago muling nagtanong si Justin. “How about working for me?” Tiningnan niya ito nang mabuti. Kumakain sila noon sa rooftop ng isang hotel sa Makati, ilang oras pa lamang mula nang makalapag ang eroplanong sinakyan nito mula California. “I’m actually putting up a restaurant. You could be my head chef, if you want.” Kinunutan niya ito ng noo at pinaliitan ng mga mata dahil sa tagal ng pagkakakilala nila, ngayon lamang niya nalaman na ang interes nito sa pagre-restaurant. Dahil ang alam niya, computer at football ang hilig nito. “B-bakit?” di niya napigilang tanong. “Bagong graduate lang ako, Justin,” natatawa niyang sabi. “Baka kung ano’ng mangyari sa restaurant mo.” “E di gawin mong training ground ang restaurant.” Muli, tinawanan lang iyon ni Amanda. “N-nagbibiro ka ba?” Umiling si Justin, seryoso ang mukha. “Mukha ba akong nagbibiro?” At hindi nga nagbibiro si Justin dahil totoong inaasikaso na nito ang restaurant. At pinilit siya nitong magdesisyon ng isang bagay na hindi niya inakalang kaya niyang gawin sa buong buhay niya – iyon ay ang tumira sa iisang condominium unit kasama ito. Ilang beses tinanong ni Amanda ang sarili kung bakit gusto nitong tumira silang dalawa sa iisang bubong at ang sabi ni Justin, practicality raw. Masyadong malayo ang bahay niya sa restaurant at bilang ‘head chef’’, dapat ay accessible ang lokasyon niya. Simple, na hindi niya dapat gawing big deal. Pero hindi niya maiwasang hindi gawing big deal ang sitwasyon, dahil sa katotohanang si Justin ang makakasama niya sa bahay. Sabi ni Phoebe, kung talagang kailangan naman raw, bakit hindi? At kung ganoon naman raw ka-guwapo at ka-charming ang housemate, bakit hindi? Well, totoo iyon, na sobrang charming si Justin. Aaminin niya na unang tingin pa lang niya rito ay iba na ang dating nito sa kanya. At siguro, kung hindi niya ito nakilala nang husto ay mababaliw rin siya sa ka-guwapuhan nito tulad ng ibang mga babae. Pero naging matalik niya itong kaibigan at nalaman na niya ang lahat ng tungkol rito, kasama na roon ang katotohanan na panganib lamang ang dulot nito sa kanyang puso. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na pigilan ang anumang ‘feelings’ na namumuo sa kanya para rito at makuntento sa pakikipagkaibigan na kayang ibigay ni Justin. Hindi naging madali ang ginawang desisyon ni Amanda na makitira kay Justin. Maraming tao ang hindi nakaintindi, lalo na iyong mga tao’ng malapit sa kanya, iyong mga tao’ng nakakakilala sa kanya. At sa totoo lang, hanggang ngayon, pagkaraan ng dalawang taon, iniisip pa rin niya kung tama nga ba ang ginawa niyang desisyon. And if it was difficult for her to reach that decision, it was even harder for her to go through it. To live with him in the same roof was like a roller coaster ride. Ups and downs, paikut-ikot, mabilis, exciting. And of course, just like riding on it, it’s fun, but scary. Minsan, hindi pa rin niya maiwasang isipin kung paano siya napasok sa ganoong klaseng gulo, pero wala na rin naman. Naroon na siya, ano pa nga ba ang halaga ng mga reklamo niya sa buhay?  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook