“WHERE’S Amanda? Where is my Amanda?” Napalingon lahat ng nasa kusina sa malakas na boses ni Justin. Napangiti ang lahat at mayroon pang napa-hiyaw dahil sa itsura niya nang gabi’ng iyon. He’s holding a bunch of red roses on his right hand and three red heart-shaped balloons on the other. Maganda ang pagkakangiti nito at halatang sinuklay nang mabuti ang makintab na hanggang balikat nitong buhok. “Where’s Amanda?” ulit nitong tanong habang inililibot ang paningin sa paligid. “Ah, hindi n’yo po ba nakita sa labas? Dumating po kasi si-“ “Shh!” halos sabay-sabay na sabi ng staff ng Mandy’s para pigilan si Tony sa pagsasalita. Napataas ng kilay si Justin at biglang sumeryoso ang mukha. “Sino ang dumating?” Katahimikan. Walang nangahas na sumagot sa tanong nito. Nagkatinginan ang mga i

