“GOOD evening, my Amanda!” Patakbong nilapitan ni Justin si Amanda na noon ay abala sa paghuhugas ng pinggan sa kusina. Hindi na ito naghintay na salubungin niya, bagkus ay bigla na lamang siya nitong niyakap mula sa likuran. “A-ano’ng ginagawa mo rito? It’s basketball night tonight, baka hinihintay ka na nina Paul sa gym!” sabi niya. Nanatili siyang nakatalikod rito. Basang-basa ang dalawa niyang kamay at punung-puno ng bula kaya hindi niya mapigilan si Justin na yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much, my Amanda…” bulong nito sa kanyang tainga. Justin kissed her cheeks, then her neck and his lips lingered there for a while. “Pero…magkasama lang tayo sa restaurant kanina…” putul-putol niyang sabi habang pilit pinipigilan ang sariling madala sa mga halik ng kasintahan. Wala pa

