After three months WHEN Justin told her he loved her, she should be the happiest, she should be in tears because of too much joy. Pero hindi niya iyon naramdaman. Hindi alam ni Amanda kung paano siya nakauwi nang gabi’ng iyon. Ang alam lang niya, malakas pa rin ang ulan at masakit pa rin sa kanya ang lahat. Mahal pa rin ba niya si Justin? Oo, madali niya iyo’ng masasagot. Pero ang tanong na mapapatawad ba niya ito sa lahat ng paglilihim at pagmamanipula nito sa buhay niya, hindi pa niya alam sa ngayon. Bago niya makilala si Justin, buo na ang plano niya – makapagtrabaho bilang isang chef sa isang hotel sa ibang bansa, o sa isang international cruise ship, makapag-ipon at hanapin ang kanyang ina na bigla na lamang nawala na parang bula isang taon matapos namatay ang kanyang ama. Pero s

