Chapter 20

1724 Words
KAHIT gaano ka-gusto ni Amanda na umalis at iwan ang restaurant, hindi niya magawa. Kahit pa gaano kahirap pumasok araw-araw, wala rin itong magawa dahil hindi naman maaaring basta na lamang pabayaan ang Mandy’s. Isang linggo na mula nang maglaho si Justin na parang bula. Naisip ni Amanda na maaaring hindi na ito bumalik, maaaring bumalik pa rin at muli ring umalis. Ayaw na niyang isipin ang mga maaaring mangyari o ang mga hindi mangyayari. Kailangang magpatuloy ang buhay, bumalik man si Justin o hindi. Isang linggo na niyang pinipilit na ibalik ang lahat sa dati at mabuhay na parang walang nangyari. She went to work as usual, did her job as the head chef of the restaurant as usual and tried to live her life as usual. She wanted to forget everything about Justin pero alam niya na imposible iyon lalo na at araw-araw ay may nagpapaalala rito sa dating kaibigan. Malalim na ang gabi nang matapos ni Amanda ang ginagawang menu para sa bagong kliyente sa catering. Halos araw-araw na ang pagke-cater ng Mandy’s at naisip nya na maganda na rin iyon para maging abala siya para wala na siyang panahong makapag-isip pa ng kung anu-ano. “Amanda.” Nilingon iyon ni Amanda at muntik nang mahulog ang mga inilalagay niyang papel sa loob ng kanyang bag. Mula sa kinauupuan sa dulo’ng bahagi ng bar ay nakita niyang nakatayo sa kanyang likuran si Justin. After one long week, nagpakita na uli si Justin. She looked at him as he stood there, staring at her in a way that she wouldn’t know. How have you been?” Suot nito ang brown bikers jacket na kauna-unahan niyang regalo rito noong unang Pasko nilang magkasama. Ilan na lamang ang ilaw na bukas sa bahaging iyon ng bar at pilit niyang inaninag ang ekpresyon sa mukha nito. “Amanda…we need to talk,” mahina nitong sabi. Wala siyang sinabi at iniwasan lang ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ipinagpatuloy lang niya ang pag-aayos ng gamit at tumayo na siya. Hindi pa rin niya ito tiningnan nang lumakad siya palabas ng restaurant. Sinundan siya nito ng tingin at ilang sandali pa bago nito nakuhang sumunod sa kanya. Sinundan siya nito hanggang sa tapat ng Mandy’s at bago pa man siya magtuluy-tuloy ay hinuli nito ang kanyang kanang braso. Mula sa mahigpit nitong kapit sa braso niya ay tumaas ang tingin niya sa mukha nito. “Hey, I’m sorry if I had to leave like that. Kailangan ko lang talagang mag-isip.” “You now have all the time in the world to think, Justin at kung plano mo na bumalik at magtago sa California habang buhay, go ahead, wala na akong pakialam.” Nagsimula nang pumatak ang ulan at sabay silang napatingala. Nanatili lamang sila na natayo sa harap ng isa’t-isa, hindi alintana ang malalaking patak ng ulan sa kanilang mukha at katawan. Pilit na binawi ni Amanda ang kamay mula kay Justin pero mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya. “What are you talking about?” “Noon, sinasabi mo sa akin kung gaano ako ka-unfair at kung gaano ako katakot sa commitment. S-sino ngayon sa ating dalawa sa tingin mo ang takot sa commitment?” Umiling ito at ngumiti ng napakagandang ngiti na parating nagpapalusaw sa puso ni Amanda. “Kailangan ko lang umalis sandali para mag-isip…but now I’m back to talk to you…and to tell you how I really feel about you.” “Alam ko na ang lahat, Justin.” “What do you mean?” Sa wakas ay binitiwan ni Justin ang kamay niya. “Magre-resign na ako.” ~~ “WHAT? You can’t resign just like that, Amanda!” malakas na sabi ni Justin. This is out of his plan. He never thought that Amanda could ever think of quitting her job. Just last week, she told him she loves him. Just last week, she said that she can no longer be just a friend because she had fallen in love with him. It’s been just a week. Ayaw niyang isipin na bigla na lamang nagbago ang isip nito kaya into magre-resign. Tumalikod siya at muling humarap. Pareho na silang basang-basa at pareho silang walang pakialam. “You’re running away, aren’t you? This is your way of running away from me and the situation, isn’t it?” “I am not running away! You are!” Huminga muna ng malalim si Justin bago tuluyang lumapit kay Amanda. “I-I’m here now, Amanda and I’m here to tell you that I’m sorry and…I love you.” Kumunot ang noo niya, tumingala at mabilis na hinubad ang suot na jacket para ipatong sa ulo nilang dalawa. Akmang iiwas si Amanda pero pinigilan niya ito. It has been a week and he had missed her. She still looked beautiful as always and at that moment, he just wanted to hold her in her arms and kiss her and tell her how much he loves her. Kinailangan pa niya ng isang buong linggo para mapag-isipan ang lahat-lahat. Hindi madali ang harapin si Amanda pagkatapos ng lahat pero ngayon, handa na siyang sabihin dito ang bagay na dapat ay noon pa niya naamin. Whatever the consequences are, he’s now ready to take the chance because he’d rather take the risk than to live his whole life wondering what might have been. “I…love you, Amanda. I’ve loved you eversince-“ “Ever since we first met that night at the coffee shop?” mariin nitong tanong. “Mahal mo ‘ko kaya mo binuksan ang restaurant na ‘to? Kinuha mo ako bilang head chef at pinilit na tumira sa condo unit mo dahil mahal mo ko? Bullshit, Justin! Kung mahal mo ako, hindi mo pagpa-planuhan ang buhay ko! Pangarap ko noon na maging chef sa isang cruise ship at maglakbay sa buong mundo…alam mo ‘yon, sinabi ko sa ‘yo ‘yon…pero kinalimutan ko lahat ng pangarap ko para sa’yo, Justin…pinilit kong ibahin ang buhay ko para lang sa’yo. Noon, akala ko ang s’werte ko dahil kaibigan kita pero…niloloko mo lang pala ako.” Si Justin na mismo ang lumayo kay Amanda at hinayaan na niya ang sarili na tuluyang mabasa ng ulan. Hindi niya alam kung paano iyon nalaman ng dalaga at hindi niya alam kung paano iyon maipapaliwanag rito. “At heto ako, hinayaan ko ang sarili kong ma-in love sa’yo!” gigil na gigil nitong sabi sabay bato ng jacket sa dibdib niya. “Amanda, please….please let me explain…“ When he tried to hold her again, she stepped back. “Ayoko nang makinig sa kahit na anong sasabihin mo. Nagsinungaling ka sa ‘kin, Justin. Sa simula pa lang, pinlano mo lahat, pati ang buong buhay ko!” Humahalo na ang luha nito sa pagpatak ng ulan. “Parte pa rin ba ng plano mo ang saktan ako nang ganito? Dahil kung oo, congratulations, Justin…hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon.” Muli niya itong nilapitan at muli niyang pinansukob ang jacket rito. “Sshh…I’m sorry, Amanda…I’m sorry if I made you feel that way…hindi ko sinasadyang saktan ka…I wanted to protect you! You are very important to me and I want to give everything to you, Amanda…I love you so much that I’m willing to do anything for you…” “Bakit hindi mo na lang sinabi sa’kin ang lahat ng ‘yan?” Umiling lang si Amanda, maraming iling. Hindi na nito alintana na magkasukob sila sa maliit na jacket na iyon at ilang pulgada lamang ang layo nila sa isa’t-isa. “Sinubukan ko pero natakot ako…natakot ako na baka hindi mo ako maintindihan…I’m so sorry…I know I should have told you but it wasn’t easy for me…” Niyakap niya nang mahigpit si Amanda at wala na siyang pakialam kung tuluyan na silang mabasa ng malakas na ulan. For a while, he thought that she’d let him embrace her but she immediately pushed him away. “Sa tingin mo ba madali para sa akin ang lumapit sa iyo at sabihin na mahal kita? Alam mo ba kung ilang beses kong inisip kung tama ‘yon o mali? Kung gaano ako natakot sa posibilidad ng pagkasira ng pagkakaibigan natin? Hindi mo alam kung paano ako nahihirapan sa araw-araw kapag nakikita kita pero hindi ko masabi kung gaano kita kamahal dahil alam kong may mahal kang iba…hindi mo alam kung ano ang pinagdaraanan ko sa araw-araw, Justin. Hindi iyon gano’n kadali para sa akin…hindi na naging madali ang buhay ko simula nang makilala kita…hindi ko alam kung bakit kita minahal…kung bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.” Justin was too overwhelmed to utter a word. He just hugged her tight. Patuloy lamang sa pag-iyak si Amanda, kasabay ng patuloy na paglakas ng ulan. Gusto niyang pigilan ang mga luha nito pero hindi niya alam kung paano. To hurt her would be the last thing he’d ever want and he couldn’t believe that it was him who’s making her cry like this. Ilang sandali pa bago nakayanan ni Amanda na kumawala sa pagkakayakap ni Justin at pagkatapos ay humarap ito sa kanya. He cupped her face with his two hands, waiting for her smile, for her forgiveness….for her to say that she loves him too. “Amanda…I’m sorry, I’m really am…I just love you too much…” “No, Justin…you are too selfish, that’s what you are.” Yumuko ito at inalis ang dalawa niyang kamay sa pisngi nito. “I’m filing my resignation first thing in the morning.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD