Chapter 19

1834 Words
AT doon na nagtatapos ang magandang kasaysayan nila ni Justin – at walang ibang dapat sisihin kundi siya. Paglabas niya ng opisina nito, alam niyang wala na siyang babalikan. She blew it. She simply blew everything. Sinira niya lahat ng magaganda nilang pinagsamahan ni Justin. Nang dahil lamang sa isang matamis na halik – okay, fine, hindi lang isa kundi maraming yakap at mga halik – nawala na ang pinakamatalik niyang kaibigan. Pero ganoon siguro talaga ang buhay at kailangan niyang harapin anuman ang kapalit ng kahibangan niya. Hindi alam ni Amanda kung ilang balde ng luha ang nailuha niya pag-uwi niya sa apartment. They say that in those miserable times, you should avoid listening to sad love songs and things that would just remind you of the painful past. But she felt otherwise because for her, those were just a part of the mending the broken heart ritual. Habang tinitingnan ang mga litrato nila ni Justin at pinapanood ang mga video tapes ng masaya nilang pinagsamahan, tumutugtog sa background ang mga makabagbag-damdaming kanta. Masakit sa puso pero alam niyang kailangan niya iyo’ng pagdaanan. Kailangan niyang iiyak lahat ng iyon ngayon, para tapos na. Para bukas, mabubuhay siyang muli at panibagong Amanda na ang haharap sa mundo. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang nararapat gawin kundi ang mag-resign bilang head chef ng Mandy’s. Ayaw naman kasi niyang magmukhang tanga na papasok sa restaurant dahil alam niyang ayaw na rin naman siyang makita ni Justin. Ayaw na niyang ipilit pa ang sarili niya sa tao’ng ayaw naman sa kanya. Kinabukasan, sa opisina agad ni Justin tumuloy si Amanda, dala ang kanyang resignation letter. Hindi na niya iyon kaya pang ipagpaliban. Kailangan na niyang tapusin ang lahat ng kaugnayan niya sa dating kaibigan, ngayon. Pero ang inaasahan niyang si Justin ay wala sa opisina ng restaurant, kundi ang naabutan niya roon ay ang nilalang na ayaw na niyang marinig kahit na pangalan. Si Samantha. “Where is Justin?” nakataas ang manipis nitong kilay na tanong sa kanya. Nakapamewang pa into na para bang isang masungit na guro na pinapagalitan ang isang grade two student. “Wala ba siya sa condo n’ya?” nagtataka niyang tanong. “Pupunta ba ako rito at mag tatanong sa iyo kung nasa unit siya? Natawa siya. “Hindi ba parang dapat ikaw ang nakakaalam kung saan man nagpunta si Justin? Ikaw ang girlfriend, hindi ba?” Saglit itong natahimik at umiling. “We’re over. He broke up with me…at alam kong ikaw ang dahilan. Now, tell me where he is. I need to talk to him.” “Hindi ko talaga alam kung nasaan si Justin,” aniya at nagsimula na siyang mag-alala. Bigla na lamang tumalikod si Samantha nang walang sabi-sabi at sinundan ko siya palabas ng opisina hanggang sa pagbaba at sa labas ng Mandy’s. Nawawala si Justin at kahit si Samantha ay hindi alam kung nasaan ito. Nilapitan niya si Bobby doon sa bar para tanungin kung alam nito ang tungkol kay Justin dahil kung may pagpapaalaman ito sa mga tauhan maliban kay Tony, si Bobby iyon na siyang manager ng Mandy’s. Kasing-tangkad ito ni Justin pero payat into at mukhang sakitin. “Ah, tinawagan po ako ni sir Justin kagabi, mag-aala-una na po yata iyon, Ma’am Amanda…ang sabi po, ako na raw po muna ang bahala dito hangga’t wala siya. Hindi po ba nasabi sa inyo?” Umiling siya. “Saan raw siya pupunta?” “Wala naman pong nasabi, Ma’am Amanda. May importante lang raw po siyang kailangang gawin.” Importante’ng kailangang gawin? Walang maisip si Amanda na anumang importanteng kailangan nitong gawin bukod sa mga trabaho nito sa Mandy’s. “Kailan raw ang balik niya?” “Eh, wala rin pong nasabi, Ma’am Amanda…basta tayo na raw po muna ang bahala dito. Marami nga po’ng naghahanap sa kanya na mga bagong suppliers. Marami rin po yata siyang mga meetings hanggang sa susunod na linggo,” nakasimangot into at kumakamot sa ulo habang nagsasalita. “Hindi ko na nga po alam kung ano ang idadahilan sa kanila, Ma’am…” Wala sa personalidad ni Justin ang basta na lamang mawawala nang walang pasabi lalo na pagdating sa trabaho. Naisip niya, baka dahil iyon sa sinabi niya tungkol kay Samantha. Napailing siya. “Don’t worry, ako nang bahalang makipag-usap sa mga iyon.” At muli siyang napailing nang maalala ang hawak na resignation letter. “Ma’am Amanda, may problema po ba si sir Justin? May problema po ba kayo?” tanong nito. “Para kasing nag-iba si sir Justin nitong mga nakaraang araw. Hindi na siya tulad ng dati na parating nakangiti, parating nakikipagbiruan sa amin. Natatakot na nga po kaming lumapit sa kanya e, parati po siyang aburido. N-nag-away po ba kayo, Ma’am Amanda? Huwag po sana kayong magagalit kung nakikialam po ako sa inyo ha pero…nanghihinayang po kasi kaming lahat dito sa inyong dalawa ni sir Justin, e. Sana po magkabati na kayo ni Sir…” Walang naitugon si Amanda kundi isang tipid na ngiti. Iyon din sana ang gusto niyang mangyari pero ang malungkot na katotohanan ay hindi na iyon mangyayari. ~~ SINUBUKANG tawagan ni Amanda si Paul dahil maaaring may alam ito kung saan mang lupalop naroon si Justin. Ni hindi na niya nakuha pang makapagpalit ng puti’ng uniform at nakipagkita na agad siya rito nang gabi ring iyon sa coffee shop, na muli lamang nagpaalala sa kanya ng nakaraan nila ng dating kaibigan. “Nawawala si Justin?” gulat na tanong ni Paul sa kanya na hindi alam ni Amanda kung natatawa ba ito o ano sa pagkawala ni Justin. “Kailan pa?” “Last night. Hindi na siya umuwi kagabi, sabi ni Samantha. Hindi na rin siya nagpakita sa restaurant kanina. He’s not answering phonecalls and everybody in the restaurant is worried sick about him.” “May problema kayo?” Hindi iyon isang tanong na may sagot na ‘oo’ o ‘hindi’. Alam ni Amanda na hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong na iyon at hindi na niya kailangan pang sabihin kay Paul ang sitwasyon. “A-alam mo ba kung saan siya p’wedeng magpunta?” “Well, he said something about going back to California because he needed time to think things through.” Napataas ang kilay ni Amanda sa narinig. “Think things through? Kailangan pa niyang pumunta ng California para lang mag-isip? Paano ang restaurant?” Nagkibit-balikat si Paul. “Sa tingin ko, dapat siya ang tanungin mo tungkol diyan, hindi ako.” “Ang problema, ayaw niya akong kausapin.” Tumingin si Amanda sa labas ng coffee shop. Malakas na ang ulan nang mga oras na iyon at nagsimula nang mag-uwian ang mga tao galing sa kani-kanilang trabaho. Tumingin siya sa labas para maitago ang nararamdamang lungkot. Sa ganoong panahon ay hindi niya maiwasang maalala ang unang pagkakataon na nagkakilala sila ni Justin. Sa parehong coffee shop, sa parehong mesa, sa parehong maulan na gabi. At hindi niya inaasahan na ang magandang pagkakakilala nila ni Justin ay magwawakas bigla sa ganoong kalungkot na tag-ulan. “Sa tingin mo ba, talagang uuwi na siya sa California?” Ininom ni Paul ang natitirang kape sa tasa nito at saka muling nagsalita. “Sa tingin ko, masyado ka n’yang mahal para umalis. He couldn’t possibly leave you just like that.” “Ha?” Lalo lang yata siyang naguluhan sa sinabing iyon ni Paul. “Huwag mong sabihing hindi mo pa rin alam na mahal ka niya?” Napailing ito at sa itsura nito ay halatang hindi dapat lumabas sa bibig nito ang nasabi. “I shouldn’t be telling you this but…I think it’s about time for you to know. Sa tingin ko nga, dapat noon mo pa nalaman. Sana, hindi na kayo nagkakagulo nang ganyan ngayon. Amanda, Justin loves you. He’s been crazily in love with you ever since he first saw you sitting on this table, in this coffee shop. Remember that night when he mistook you as my girlfriend?” Oh yeah, she clearly remembered that episode but she couldn’t remember anything about Paul being there. “Paano mo nalaman ang tungkol doon?” “I was with him. When he saw you sitting alone, here in this table, he told me that he’s got to know your name. Kaya ka niya nilapitan at nagkunwari na imi-meet niya ang girlfriend ko. I didn’t even have a girlfriend back then. He liked you eversince. Kaya nga siya nagtayo ng restaurant dito sa Manila…Amanda, he didn’t hire you to be his head chef and work for him. He hired you simply because he wanted you to be near him all the time. He asked you to stay in his place because he’s afraid that some guy might take you away from him. He even tried to date a lot of girls just to make you jealous. But you didn’t get jealous and that made him really frustrated.” Napasandal si Amanda nang marinig ang katotohanang iyon. She didn’t get jealous? Parang mamatay-matay na nga siya sa sobrang selos sa mga babae’ng pinapakilala nito sa kanya, lalo na nang dumating si Samantha sa buhay nito. “Nang pumasok ‘yung si Arthur sa eksena, naisip ni Justin na siguro nga, dapat na niyang kalimutan ‘yung nararamdaman niya para sa’yo at mag-settle na lang sa friendship na kaya mong ibigay. Hanggang sa nakilala niya si Samantha. Medyo nakatulong iyon sa kanya para kalimutan ka pero alam kong nahihirapan pa rin siya kapag nakikita niya kayo ni Arthur na magkasama.” “Joke ba ito?” lito niyang tanong. Justin planned everything right from the start. At hindi niya alam kung bakit kailangan nito iyong gawin. Umiling si Paul. “Matagal ko nang sinabi sa kanya na sabihin na lang sa’yo ang totoo pero sa tingin ko, huli na rin ang lahat. He got too scared of what he might find out. But I know he’s more afraid of the possibility that you might just leave him like what you always do to those other guys you’ve dated.” She couldn’t help but laugh no matter how terrible she feels at the moment. Kung meron man sa kanilang dalawa ni Justin ang dapat makaramdam ng takot, siya iyon. She couldn’t even think of Justin being afraid of anything. And worse, he’s afraid that she might leave him just like that, which she knew was an impossibility.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD