“TONY! Hindi ka binabayaran dito para makipagkuwentuhan sa telepono!”
Napatingin ang lahat ng staff sa kusina sa malakas na boses ni Justin. May mga nahulog pang mga kawali at kubyertos sa hindi kalayuan. Ilang minuto pa lamang si Tony sa pakikipag-usap sa telepono at hindi lang nito narinig ang pagtawag ni Justin ay sumigaw na ito bigla. Bagay na ngayon lamang nangyari kaya naman gulat na gulat ang lahat ng naroon, lalo na si Amanda, na kasalukuyang kausap si Arthur. Pumasok ito sa kusina nang di oras, kasunod si Arthur.
“Kanina pa kita tinatawag doon sa itaas, hindi mo ba ako naririnig?” malakas niyang. Namumula ang mukha ni Justin at tumutulo ang pawis sa leeg at noo kahit pa nga naka-ipit ang mahaba niyang buhok.
“Sir, pasensiya na po,” mahinang sagot ni Tony na nakayuko lamang at hiyang-hiya sa pangyayari.
“From now on, I don’t want anybody using the phone during working hours!”
Tumangu-tango ang lahat. Tinapunan niya ng tingin si Amanda na halatang nagulat sa nasaksihang eksena dahil hindi ito nakakibo. Nasa likod lang nito si Arthur, nakahawak sa mga balikat ng kaibigan, na halatang nagulat rin.
“At kayong lahat, ayoko’ng may dumadalaw sa inyo dito sa oras ng trabaho. This is a work place, not a hospital!” Muli niyang tiningnan si Amanda bago padabog na umalis. Tumuloy siya sa itaas, sa kanyang opisina at pagalit na naupo.
The passed week had been difficult. With Samantha back from Hongkong, Amanda in his thoughts and seeing Arthur always by her side was making him out of his mind.
He has never been so frustrated all his life. Pakiramdam niya ay parang bulkan na sasabog, lalo na sa tuwing nakikita niya si Amanda na kasama ang lalaki na iyon. Kaya siguro ganoon na lamang ang naging reaksiyon niya kanina sa isang walang ka-kwenta-kwentang bagay. Hindi niya sinasadyang sigawan si Tony at pagalitan ang lahat ng tauhan niya pero nang makita niya si Amanda at si Arthur na magkasama, hindi na niya napigilan ang init ng ulo.
“Justin.”
Napahawak siya sa ulo nang marinig ang tinig na iyon na alam niyang kay Amanda. Sa mga oras na iyon ay si Amanda ang pinakahuling nilalang na gusto niyang makausap o makita. Napailing siyang humarap dito.
“Ano ba ang nangyayari sa’yo? Ano ba’ng problema?” kunut-noong tanong ni Amanda.
Hindi siya tumugon. Amanda was wearing her usual white double-breasted jacket and checkered pants, her hair in a tight bun. Her face was all red and sweaty, probably because of the heat from the kitchen and he couldn’t help himself remember that night and the intense kiss they shared back in her kitchen because her face looked exactly like that – flushed and sweaty. Yumuko siya at itinuon ang paningin sa ibang bagay, huwag lamang sa magandang babae na nasa harap niya ngayon.
“Please, Justin. Kung sa akin ka galit, huwag mong idamay ang ibang tao. Kausapin mo ako, sabihin mo sa akin kung ano ang problema. Kung dahil ito sa nangyari-“
“I don’t want to talk about this,” mahina at umiiling-iling niyang sabi. Hindi pa siya handang pag-usapan ang tungkol sa nangyari. Hindi ngayon, hindi bukas.
“We have to talk about this sooner or later, Justin. Wheather you like it or not, we are going to talk about this, now. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit nang ganyan. Akala ko ba, sabi mo, kalimutan na lang natin ang lahat?”
Hindi siya makapaniwala na nangyayari ang diskusyon na iyon sa pagitan nila. Simula nang magkakilala sila ay ngayon lamang sila nagkaroon ng ganoong pagtatalo. She has never seen him so furious until now. Hindi rin niya alam kung bakit para bang siya pa ang sinisisi nito sa hindi nila pagkakaintindihan?
At inaasahan ba ni Amanda na malilimutan niya ang nangyari nang gano’n-gano’n lang? He couldn’t even sleep at night anymore after feeling her body and tasting her sweet lips, for Christ’s sake! Truth is, he didn’t expect her to just forget about what happened. Ilang sandali pa bago siya muling nakapagsalita. Isinara niya ang laptop at tiningnan si Amanda.
“Tell me, Amanda, how do you do it? How do you act and pretend as if nothing happened?”
“H-ha?” gulat nitong tanong. “Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa’yo n’yan? You are the one who’s pretending that everything’s fine, na wala tayong problema!”
Umiling lang si Justin. “Because that’s what you wanted! You clearly said that it was just a mistake and that you’re sorry, as if you regret kissing me that night!”
“No, Justin. Ikaw ang nagsabi na it was just a mistake, hindi ako. I said I was sorry because I felt so guilty! Na kailangang may mabago sa atin dahil lang sa nangyari. Ni hindi ko naisip na dahil lang do’n, iiwasan mo na ‘ko!”
“What do you expect me to do?” tanong niya sabay tayo. “You kissed me, for Christ’s sake! And after kissing me, you just went on with your life and-“
“I didn’t just go on with my life, Justin!” pasigaw na sabi ni Amanda. “Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin na makita ka sa araw-araw na kasama ng Samantha na ‘yon. Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan na hindi mo pinapansin, na hindi mo kinakausap, na hindi mo man lang ako makuhang tingnan! Justin, kung p’wede ko lang i-rewind ang lahat ng nangyari, gagawin ko!”
Sa buong pagsasalita ni Amanda ay tahimik lang na nakinig si Justin at napansin niya na namumuo na ang luha sa mga mata nito at malapit nang tuluyang umiyak. Pero nanatili itong kalmado, pilit nilalabanan ang pag-iyak.
“Alam kong dapat nag-settle na ‘ko sa friendship pero ang totoo, higit pa do’n ang gusto ko…until one day, I found myself becoming one of those pathetic people who fall in love with their best friends…”
Those where the exact words she said that night when she got drunk. She actually knew what she was talking about. Ngayon, hindi niya alam kung ano ang itutugon, kung matutuwa ba siya sa pag-amin nito sa nararamdaman o matatakot ba siya sa katotohana’ng iyon.
“Justin, ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nangyari. Alam kong kasalanan ko lahat ito, pero hindi ko na kayang magkunwari. Hindi ko na hihingin na maibalik ang friendship natin dahil alam kong imposible na ‘yon at ayaw na kitang maging kaibigan, Justin. M-mahal kita at hindi ko na kayang maging kaibigan mo lang.”
Tahimik pa rin si Justin at sa totoo lang ay wala siyang maisip na itugon sa narinig. Nagulat siya at hindi niya inakala na masasabi lahat iyon ng dalaga. Akala niya ay lalabas na ng opisina si Amanda pagkatapos noon pero hindi pa pala. Bumuntung-hininga si Amanda, yumuko at muling humarap sa kanya.
“Come on, Justin. Wala ka man lang bang sasabihin?”
Muling naupo si Justin sa swivel chair, yumuko at hinawakan ng dalawang kamay ang ulo. “W-what do you want me to say? That I love you too and forget about everything?” And then he looked at her – no, he stared at her. “Paano si Samantha? Si-“
Nagpakawala ng bahaw na tawa si Amanda, na ikinagulat niya. “Samantha is cheating on you, Justin.”
Doon nakuha ni Amanda ang atensiyon niya. “W-what did you just say?”
“She’s cheating on you. ‘Nung mga araw na sinabi mong nasa Hongkong siya? Nakita ko siya sa isang restaurant, may kasamang ibang lalaki.”
“And you are expecting me believe that?” Kumunot ang noo niya at umiling. Siya naman ang natawa.
“Hindi ko na problema kung maniniwala ka sa sinabi ko o hindi. I should have told you about this that night when we…”
“Just leave, Amanda. Please, just leave. Now.”
Hindi na kailangang magdalawang-salita ni Justin at agad na ring lumabas ng opisina si Amanda. Pero ang galit na nararamdaman ay agad ring nawala at bigla, gusto niya itong sundan, humingi ng tawad at magpaliwanag sa lahat ng nagawa at nasabi niya pero hindi niya nagawa.
What’s wrong with him? He should have just said that he loves her with all his heart, period. No more, no f*****g less…