Chapter 17

1641 Words
ILANG araw na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ang hindi dapat. Nang imbitahan siya ni Amanda para pa-usapan ang nangyari ay pumayag siya pero nagulat siya nang malamang mas inuna pa nito ang pakikipagkita kay Arthur kaysa sa importante nilang pag-uusap. He started hating himself, for hoping too much and expecting that the conversation that they’re supposed to have could lead to something wonderful. And so he tried to avoid her. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text messages nito, at sa tuwing pupunta siya sa Mandy’s ay sinisigurado muna niyang wala pa si Amanda o nakauwi na ito. Pero hindi iyon ganoon kadali dahil may mga pagkakatao’ng namamataan niya ang kaibigan sa hindi kalayuan at tuwing nangyayari iyon ay parang gusto na niyang magwala. “Justin.” Palabas na siya noon ng Mandy’s nang mamataan niyang patakbo si Amanda sa kanyang direksiyon. Bahagya siyang napailing. Sinadya na nga niyang mas maaga’ng umalis dahil alam niyang nasa meeting si Amanda at hindi niya inaasahan na makikita into sa mga oras na iyon. Saglit niya itong tinapunan ng tingin at muling naglakad patungo sa parking area. Narinig niya ang paghakbang nito na sumusunod sa kanya. Nang makarating sila sa kanyang kotse ay tsaka lamang niya ito muling hinarap. Hawak na niya ang susi ng kotse, handa nang umalis. “Justin…let’s talk, please.” Tiningnan lang niya si Amanda at sa itsura nito ay alam niyang nahihirapan rin ito sa nangyayari. Gusto niyang magtanong rito ng napakaraming tanong. Gusto niyang itanong kung ano ang ibig sabihin ng mga halik nito…gusto niyang itanong rito kung mahal na ba siya nito…at gusto niyang malaman kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pakikipagkita sa Arthur na iyon kung may nararamdaman na nga ito sa kanya. What if she told him that whatever happened was just a spur of the moment thing? What if she told him that it was just a mistake and they’d rather forget about it? Kaya rin ayaw niya iyo’ng pag-usapan dahil hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin ang mga sasabihin sa kanya ni Amanda And what if she told him that she loves him? Kaya ba niya itong paniwalaan? “Justin…’yung nangyari…I’m sorry…it was-“ “A mistake?” mabilis na dugtong ni Justin. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Amanda at pagkatapos ay napayuko ito. Hinintay niya ang pagtanggi nito pero hindi iyon dumating. “M-maybe it’s best if we just forget about it.” ~~ FORGET about it. Walang kaemo-emosyon iyong sinabi ni Justin at panalangin ni Amanda ay madaling gawin. Sana, hindi na lang niya ito kinausap. Ilang araw at ilang gabi siyang hindi pinatahimik sa kakaisip sa nangyari at pagkatapos ay sasabihin nito sa kanya na ‘forget about it’? Pero kung sabagay, at least, nalaman na niya kung ano ang opinyon ni Justin sa sitwasyon. Then maybe, they could start from there and be friends just like before. Pero sino ba ang niloko niya? Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay hindi na niya naramdaman na naging magkaibigan sila. Nagpatuloy lang sila sa buhay sa restaurant – si Justin bilang may-ari at siya bilang head chef, at wala nang iba. Mas masahol pa ang sitwasyon nila ngayon kaysa sa dati nang dumating sina Arthur at Samantha sa buhay nila. “Hay, kasi naman, p’wede mo namang sabihin sa kanya na – ‘Justin, niloloko ka ni Samantha’. Ganoon ka-simple! Hindi mo naman siya kailangang halikan!”  “Mali na nga ako, okay? Inaamin ko naman.” Kinuha ni Phoebe ang inabot niyang tissue at naupo siya kasunod nito sa pandalawahang upuan doon sa restaurant sa tabi ng gusali’ng pinapasukan nito. Nagulat pa si Phoebe nang bigla siyang nagpakita sa pinagtatrabahuhan nitong call center para mag-lunch. Nang tanungin siya nito kung ano ang dahilan ng biglaang lunch na iyon, isa lang ang sagot niya – she’s in a life and death situation. “Bakit naman kasi ginawa mo ‘yon, nakainom ka ba?” Mabuti nga sana kung nakainom siya noon, at least, may excuse siya kung bakit nangyari iyon. Pero kape lang ang ininom niya at kaunting red wine nang gabi’ng iyon at wala na. At sigurado siyang malinaw ang kanyang pag-iisip. “Teka, ano ang feeling, girl? Magaling ba’ng humalik?” biro pa nitong tanong. Napayuko siya at tuluyang iniuntog ang ulo doon sa mesa. Agad na nag-init ang buo niyang katawan nang maalala ang nangyari. Pero sa totoo lang hindi na niya nagawang pagnilayan kung ano ang pakiramdam dahil sa dami ng mas mabigat na problema’ng kasangkot no’n. Bigla tuloy siyang napaisip, ano nga ba ang feeling nang halikan siya ni Justin – a, mali – ano ba ang pakiramdam nang halikan niya si Justin? Nakakahiya. Parang gusto na niyang biglang bumuka ang lupa at lamunin siya nang buhay. “Is he a good kisser?” muling tanong ni Phoebe na noon ay paubos na ang kinakain. Umayos siya ng upo at hinawakan ang dalawang nag-iinit na pisngi. Umiling siya. “Ah, ayoko’ng pag-usapan!” Pero bigla, naalala niya ang lahat – ang pagtugon nito sa halik niya, ang pagyakap nito nang mahigpit…ang malambot at mainit nitong mga labi sa tainga niya at leeg… Shit, Amanda! What have you done? At naisip niya, ang lakas ng loob magsabi ni Justin na kalimutan ang lahat samantalang noong halikan siya nito ay parang wala nang bukas! “So, ano na ang mangyayari sa inyo?” “Iniisip ko na mag-resign na lang. N-nakakailang na e. Araw-gabi kaming magkikita ro’n, mag-uusap tungkol sa trabaho na parang wala lang. Mas gusto ko pang mag-resign na lang kaysa sa habang-buhay kaming gano’n.” “Ang tanong, payagan ka naman kaya niya?” “Bakit naman hindi?” Tiningnan siya ni Phoebe na para bang siya na nag pinaka-tangang tao sa buong universe. “Sige, iisa-isahin ko para sa iyo, ha? Una, ikaw lang naman ang isa sa pinakamagaling na chef sa buong mundo para sa kanya. Pangalawa, baka magsara ang restaurant niya kapag nag-resign ka dahil for sure, mahihirapan siyang kumuha ng kapalit mo. At pangatlo, paniguradong mababaliw ‘yon kapag nawala ka sa paningin niya. At isa pa, ano naman ang idadahilan mo kapag nag-resign ka? Na nahihirapan kang parati siyang nakikita? Na gusto mo siyang i-kiss 24/7 pero hindi mo magawa?” natatawa nitong tanong. “Amanda, sinasabi ko sa iyo, mahihirapan ka diyan sa gusto mong mangyari. And if ever nga na magmilagro ang langit at pumayag siya na iwan mo ang restaurant, ibig sabihin ba, matatapos na ‘yang problema mo? Hindi naman, diba?” Hindi nga. Pero at least, hindi na siya mato-torture nang ganoon. “So, ano ngayon ang plano mo?” tanong ni Phoebe. Uminom into ng tubig at tumingin sa suot na relo. Ilang minuto na lamang at kailangan na nitong bumalik sa trabaho. “Kaya nga kita pinuntahan, hindi ko na talaga alam ang gagawin.” Ngumiti si Phoebe. “Ano ba talaga kasi ang gusto mong mangyari? Ang maibalik ang friendship ninyo? Hay naku, imposible na ‘yon, huwag mo nang pangarapin ‘yon, okay? Mamili ka – letter A. magkaroon kayo ni Justin ng romantic relationship o letter B. tuluyan na kayong magkalayo ng landas habang buhay.” “Wala bang ibang choices?” Naisip na rin ni Amanda ang posibilidad ng dalawang iyon at kahit ano doon ay hindi niya gusto ang kahihinatnan. Umiling ito, kinuha ang pressed powder sa itim na tote bag at nag-ayos ng sarili sa harap niya. “Kung mahal mo naman siya, ano ang pinoproblema mo? Eh di go for letter A!” “Ang problema, ako ba, mahal niya?” “Hay, Amanda naman! Hindi ko alam minsan kung tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang, e. Hinalikan ka na nga, hindi ka pa ba mahal? Matagal nang obsessed sa’yo ang best friend mo na ‘yon, ano ka ba?” Namula siya sa narinig at bahagya siyang napangiti. “Ano na ang gagawin ko?” “Simple. Sabihin mo sa kanya ang totoo, na mahal mo siya at gusto mo siyang maging boyfriend.” Muling natawa si Amanda. “Para namang gano’n kadali iyon.” “Noong hinalikan mo ‘yung tao, hindi ka nahirapan, ito pa na sasabihin mo lang ang totoo, mahihirapan ka?” Kayanin kaya niya? Siguro naman, kaya niya iyon. Ang tanong ay kung paano niya iyon sasabihin. “P-paano? Napakamot ng ulo si Phoebe. “Hay, kulang na lang ako na ang gumawa ng lahat para sa iyo!” Isinara na nito ang bag at handa nang umalis. “Bahala ka na, okay? Diskartehan mo na lang. Haranahin mo, gumawa ka ng love letter, padalhan mo ng bulaklak, bahala ka na.” “Paano kung ayaw talaga?” “Hindi puwede’ng ayaw niya. Sa tingin ko, hinihintay lang talaga no’n na ikaw ang magsalita.” Paano nga kaya niya sasabihin kay Justin na handa siyang subukan na magkaroon sila ng commitment? Commitment. Sa umpisa, nakakatakot. Lalo na kung iisipin ang reputasyon ni Justin bilang ‘playboy’. Sigurado siyang hindi iyon magiging madali at mas malaki ang posibilidad na masaktan lang siya. Pero sa kabilang banda, naisip niya na mabuti na rin siguro iyon kaysa makita niya into araw-araw na kasama si Samantha, na niloloko lang into. Bahala na, do or die. Kasalanan niya, hinayaan niya ang sariling mahumaling sa matalik na kaibigan at ngayon, hindi niya alam kung paano makakawala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD