Chapter 16

2004 Words
WALA na ring nagawa si Amanda nang magpumilit si Justin na ihatid siya hanggang sa apartment niya nang gabing iyon. Sabi pa nito, kung ito raw si Arthur ay hindi siya nito hahayaang umuwing mag-isa lalo na sa ganoong oras. Bumaba si Amanda ng kotse nito at sinabayan siya ni Justin papasok sa lobby. Ito pa ang nagdala ng mga bitbit niyang paper bags hanggang sa elevator, hanggang sa tapat ng pinto ng unit niya. Mula sa coffee shop ay iniisip na ni Amanda kung tama ba na sabihin niya sa kaibigan ang totoo tungkol kay Samantha. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa, iniisip pa rin kung paano sisimulan ang sasabihin. Tumalikod siya para buksan ang pinto, pero saglit na natigilan. Nanatili siyang nakayuko, seryosong nakatingin sa doorknob. Kailangan na niyang sabihin ngayon, dahil alam niyang hindi na siya magkakalakas ng loob sa susunod na pagkakataon. Tinanggal niya sa doorknob ang susi at muling humarap sa kaibigan. “Ahm…Justin…gusto mong pumasok muna? Hindi ka pa nagdi-dinner, diba?” Alanganin itong ngumiti. “Okay lang ba? Miss ko na nga ‘yung cheese toast mo, eh.” She couldn’t help but smile. It has always been one of his favorites and she’s glad that he hasn’t forgotten about it. Nilakihan niya ang awang ng pinto at nauna na siyang pumasok sa loob. Pinindot niya ang switch ng ilaw at lumiwanag na ang bahaging iyon ng kusina, na siyang mabubungaran pagpasok na pagpasok sa unit. Nang lingunin niya si justin ay nagkagulatan pa sila nang malaman na sobrang lapit pala nila sa isa’t-isa. Bahagya niya itong nginitian at ibinaba na niya ang dalang bag sa ibabaw ng countertable. “Nice place you got here.” “Thanks.” Iyon ang unang pagkakataon na nakapunta si Justin sa unit niya dahil na rin sa sobrang hectic ng schedules nila sa restaurant, bukod pa sa katotohanan na pilit talaga niya itong iniiwasan. Marahil, kung hindi pa siya nito niyayang magkape kanina ay hindi pa sila magkakaroon ng pagkakataon na tulad ng ganito. Simple lang ang ayos ng studio-type condo unit niya at wala itong gaanong dekorasyon dahil parati rin naman siyang nasa labas. Ang kusina ang may pinakamalaking espasyo at naroon ang halos lahat ng kailangan niya, samantalang mahabang itim na leather couch, coffee table at isang kulay pula’ng bean bag lamang ang naroon sa living area, at ilang hakbang lamang ay kama na niya. Sa halip na maupo sa bar stool ay binuksan ni Justin ang refrigerator at kinuha ang bote ng red wine. Isa-isa nitong binuksan ang cupboard niya at nang makita ang wine glasses ay kumuha ito ng dalawa. Hindi ganoon kalaki ang espasyo ng kusina niya kung ikukumpara sa kusina sa unit ni Justin kaya naman hindi maiwasan na magkatama ang kanilang katawan, lalo pa nang kinailangan nitong abutin ang mga baso sa itaas. Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang pagdikit ng mainit nitong katawan sa kanyang likuran. Sinasabi na nga ba niya, hindi iyon magandang ideya. Hindi dapat niya inimbitahan si Justin sa loob ng tinutuluyan kahit pa nga dapat ay hindi niya iyon binibigyan ng kulay. Pero paano? Nanatili lamang na nakatayo sa tabi niya si Justin kahit pa ilang beses niya itong sinabihang maupo na lamang at hintayin siya sa couch. Binuksan na nito ang red wine at sinalinan ang dalawang baso para sa kanilang dalawa habang abala siya sa paggawa ng cheese toast. Titig na titig ito sa kanya nang iabot nito ang isang baso. “I want to make a toast,” mahina nitong sabi. His long hair was disheveled as always, which made him look so sexy. She wanted to run her fingers through his hair – actually, she’s been imagining how his hair would feel all over her when he’s on top of her. Shit, Amanda. What are you thinking? Napapikit siya at napainom ng wine nang di oras. “Are you okay, Amanda?” natatawa nitong tanong. “G-go ahead…with your toast,” aniya, at muling uminom. “To Mandy’s success. And to our…partnership.” Muling sinalinan ni Justin ang baso niya at itinaas nito ang sariling wine glass pagkatapos. Itinaas rin ni Amanda ang sariling baso at nakipag-toast rito. Sabay silang uminom at sabay na inilapag ang mga baso sa countertop. Partnership. P’wede namang ‘friendship’ ang ginamit nitong salita pero hindi. Partnership ang pinili nito, na lalo lang nagpadagdag sa marami na niyang iniisip. “You know, I never expected that Mandy’s could be this successful. I owe everything to you, Amanda. Hiring you as my head chef was the best decision I’ve made in my life.” In more than just two years, isa na ang Mandy’s sa mga kilalang fusion restaurants hindi lang sa Manila kundi maging sa mga karatig lugar at sa totoo lang ay hindi rin niya inaasahan na aabot ang Mandy’s sa ganoong estado. At ngayon ay plano na ni Justin na mag-branch out sila sa Baguio at Tagaytay. “Thank you, Amanda, for everything. For always being there, for telling me things that I should and shouldn’t do...for keeping me sane.”  Hinawakan nito ang kamay niya, na literal niyang ikina-estatwa. His hand was warm but his stare felt even warmer. With just a few inches between them, she could feel his breath fan her cheek. Napalunok siya. “And thank you for not giving up on me.” She should say her piece now, she should tell him everything about Samantha before it’s too late but she couldn’t even open her mouth. “J-justin…” halos pabulong na sabi ni Amanda. Pakiramdam niya ay bawat segundo ay palapit yata nang palapit sa kanya si Justin – o siya ba ang lumalapit rito? Amanda just looked at him, she just looked at his beautiful dark eyes. Nawala ang lahat ng dapat niyang sabihin, parang bigla niyang nalimutan kung bakit siya naroon, sa harap ni Justin na titig na titig sa kanya. Ngayon lamang niya natitigan nang ganoon kalapit si Justin, nang ganoon katagal. Hindi niya alam kung ano ang nangyari’t nawalan siya ng kakayang magsalita. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, at kung nararamdaman rin ba ni Justin ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Kung matino siyang nilalang at gusto pa niyang ipagpatuloy ang pagkakaibigan nila, dapat na siyang magsalita. But he’s looking at her in such a way she couldn’t explain. Is he going to kiss her? No, of course not. He’d be totally crazy if he’d do that. And so, without really thinking, she did what she believed was crazy. She stood on tiptoe, leaned forward and kissed him. On the lips. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ni Justin pagkatapos, wala na siyang pakialam sa lahat. She intended the kiss to be quick but as her lips touched his, her brain literally stopped functioning. She kissed him tenderly and God only knows what happened next especially when she immediately felt his hands find their way up her slender back. ~~ DAIG pa ni Justin ang tinamaan ng kidlat nang oras na matikman niya ang malambot na labi ni Amanda. He was so busy debating with himself if he’s going to kiss her or not, if it’s right to kiss her that he was startled with what happened next. He had imagined this countless times already, he’s been dreaming about this ever since but he never thought that it would be Amanda who’s going to initiate the kiss. What started out as a soft and gentle kiss has turned into a long and passionate one. They kiss long time, without anything in mind but to just kiss. Amanda’s kitchen was so small that they had to keep still. He wanted to straddle her hips but he couldn’t do anything but to hold her close for dear life. God, he never thought Amanda actually knew how to kiss like that. He must admit that he has kissed lots of women in his lifetime but he’s going to put this one on top of his list. Her lips were soft and sweet and when he daringly plunged his tongue into her mouth, she let out soft and sensual moans, which gave him instant pleasure. He tried his best not to lose control because he didn’t want to do something that might terrify her. “Amanda,” bulong ni Justin. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at nang tingnan niya ang mukha ng kaibigan ay nakapikit pa rin ito, habol ang paghinga. He stared at her seriously, trying to read what’s on her mind. “Amanda…” Hindi niya alam ang sasabihin rito kaya muli na lamang niya itong hinalikan sa labi. Bahagya itong napaurong ngunit nang hawakan niya ang batok nito at hapitin niya ang baywang nito ay agad rin itong nagpaubaya. Naramdaman niya ang mahigpit nitong pagkapit sa kanyang balikat at ang bahagya nitong pagsabunot sa kanyang buhok. Lihim siyang napangiti at lihim na nagdiwang ang kanyang damdamin. He’s certain that she’s enjoying this as much as he was, he thought. Kung alam lang niya na ganito pala kasarap ang mga halik ni Amanda, sana ay hinalikan na niya ito noong una pa lamang nilang pagkikita. Gusto niyang itanong rito kung bakit siya nito hinalikan at kung ano ang ibig sabihin noon pero sa tingin niya ay hindi iyon ang tamang oras at pagkakataon. He’s going to enjoy kissing her now and just deal with the real world later. Mula sa mga labi ni Amanda ay gumapang ang kanyang mga halik sa malambot nitong pisngi, hanggang sa napakakinis nitong leeg. She’s breathing hard and saying muffled words that were pleasurable to his ears. She’s clinging to him, holding him close as if she’d fall if she let go. “Justin…” “Hmm…” he said while planting wet kisses on her soft and supple skin. As if he couldn’t get enough, he licked and nibbled her neck. “Justin…please…” “What, Amanda? Just say it.” He looked at her irresistibly flushed face. He’s ready to carry her to her bed or the couch, or just lift her up, let her sit on this cold marbled countertop and make love to her right there, right now. But he waited for her to tell him what she wanted. “Amanda, tell me, what do you want?” he whispered while nibbling her earlobe. “Justin…I want you to stop, please.” Itatanong pa lang sana niya kung ano ang ibig sabihin ni Amanda doon nang biglang tumunog ang cellphone nito. Mabilis itong umalis sa pagkakayakap niya para kunin ang bag nito na naroon pa rin sa ibabaw ng countertop. Dala ang cellphone ay lumayo ito sa kanya at nagtungo sa sala. The call took longer than necessary and he just stared at her while she’s talking in whispers. Si Arthur ang nasa kabilang linya, sigurado siya roon dahil iyon lang naman ang madalas na tumatawag kay Amanda, lalo na sa ganoong oras. At si Arthur lamang ang dahilan sa tuwing nagiging ganoon ka-hina ang boses ng dalaga. And when the conversation kept on, he realized that it was like she was just using the call as an excuse to avoid him and the entire situation altogether, and it was as if she really wanted him out but just couldn’t have the strength to get rid of him. So he stood up without warning and headed towards the door, leaving her dumb stuck.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD