Chapter 15

1596 Words
NAISIP ni Amanda na habang tumatagal ay lalo siyang naguguluhan sa sitwasyon niya ngayon. Lalo siyang nahihirapan at sa tingin niya ay hindi na niya kakayanin ang mga susunod na araw kung patuloy lang siyang magkukunwari at magbubulag-bulagan sa isang bagay na alam niyang hindi niya maaaring takasan. Pinipilit pa rin ni Arthur na bumisita sa kanya sa Mandy’s dahil abala ito ngayon sa exhibit, pati na rin sa dumaraming schedules ng bago nitong banda. Para kay Amanda ay okay na rin siguro ang ganoon na hindi sila masyadong nagkikita hindi tulad noon dahil sa totoo lang ay ayaw niyang mas maging attached sa binata. Kahit anong pilit ang gawin niya ay hindi talaga niya kayang ibigay kay Arthur ang matagal na niyang naibigay kay Justin. Nakakatawa man, naamin na ni Amanda iyon sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung kailan nagsimula pero nagising na lamang siya isang araw na naiinis at naiirita sa tuwing naiisip niya si Justin. Akala nga niya ay tatamaan siya ng kidlat sa oras na maramdaman niya ang ganoon para sa matalik na kaibigan pero hindi naman pala. Naisip na niya ang maaaring maging reaksiyon ni Justin sa oras na ipagtapat niya ang kanyang pagsintang-pururot. Puwede itong magulat, magalit o matuwa. Alin at lin man, isang bagay lang ang sigurado – hindi magiging madali para sa kanya na sabihin rito ang katotohanan. Mas dumadalas na ang pagbisita ni Samantha sa Mandy’s at kung hindi lang masama na maglagay siya ng karatula sa labas na ‘No Bitches Allowed’, matagal na niyang ginawa. Alam nila na ayaw nila sa isa’t-isa at hindi niya alam kung paano ito nakakapagkunwari na para bang isa siya sa pinaka-paborito nitong nilalang sa balat ng lupa at hindi niya maintindihan kung paano nito nagagawang lokohin si Justin nang gano’n-gano’n lang. Yes, Samantha was cheating on him and if she didn’t witness it firsthand, she wouldn’t have believed it. That was Friday night, she was in a dinner meeting. Nakita niya si Samantha na may kasamang isang matangkad na lalaki. At first, she thought that it was Justin but the guy has shorter hair and a bit chubby. At nang dumaan ang mga ito sa harap niya ay nasigurado niya ang hinala niya na ibang lalaki nga ang kasama ni Samantha. Akala niya sa simula ay kaibigan lamang iyon ni Samantha o kaya ay kasama sa trabaho pero sa nasaksihan niyang pagiging malambing ng mga into sa isa’t-isa, it’s too obvious that what they have was more than friendship. Naisip niyang sabihin kay Justin ang totoo pero ayaw naman niyang siya ang maging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Nagtatalo pa rin ang utak ni Amanda kung tama bang ipagtapat sa kaibigan ang natuklasan nang makita niyang nakatayo si Justin sa entrada ng restaurant. Nakaupo siya sa may bar habang lutang ang utak. Katatapos lang nilang magligpit sa kusina at palabas na rin talaga siya para umuwi. Buong araw niyang hindi nakita ang kaibigan kaya nagulat siya nang bigla itong sumulpot doon. “Hi. Pauwi ka na ba?” Pilit ang ngiti na itinugon ni Amanda. She’s trying to keep distance from him as much as possible but it was damn difficult. Tumango siya at umiwas ng tingin. Suot ni Justin ang iniregalo niyang red tie dye shirt na paborito nito. “Susunduin ka ba ni…Arthur?” Umiling siya at ngumiti. “How about coffee?” Wala namang maisip na dahilan si Amanda para tumanggi sa imbitasyon ni Justin. At isa pa, matagal na nilang hindi nagagawa ang simple’ng paglabas para magkape simula nang magkaroon ng Samantha at Arthur sa buhay nila at sa totoo lang ay hinahanap-hanap niya iyon. Sabay silang lumabas ng restaurant at magkatabing naglakad papunta sa katabing coffee shop. Um-order si Justin ng paborito nilang ino-order na kape at naupo sa paborito nilang lugar. “So, how are you?” tanong ni Justin. “O-okay lang. Ikaw?” Humigop siya ng mainit na kape at tumingin sa labas. Mangilan-ngilan na lamang ang mga sasakyang dumaraan, ganoon rin ang mga tao’ng naroon. Alas-onse na ng gabi at nagsimula nang umambon. Nagkibit-balikat si Justin. “Kayo ni Arthur…kumusta?” Si Amanda naman ang nagkibit-balikat. “K-kayo ni…Samantha?” “Fine, I guess.” She should be happy for him but actually, it’s the contrary. Justin’s relationship with Samantha was just fine and she couldn’t understand why. She looked at him as he looks at those people outside. “Alam mo, na-miss ko ito. Having coffee late at night, talking like this. I miss everything that we used to do.” And Amanda feels exactly the same way. Kung alam lang ng kaibigan niya kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon nila ngayon. “Honestly Mandy, I miss you.” Laking pasasalamat na lang ni Amanda at hindi masyadong maliwanag ang ilaw sa lugar at hindi mahahalata ang pamumula ng kanyang pisngi. He called her Mandy, something he hasn’t done for the longest time. Si Justin lamang ang bukod-tanging nilalang sa mundo na tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan. Hindi dapat niya bigyan ng kulay ang sinabing iyon ni Justin pero hindi niya maiwasan ang baliw niyang utak. “Na-miss ko ‘yung dating ikaw na parating nariyan, p’wedeng istorbohin anytime…’yung p’wedeng gisingin kahit madaling-araw.” Inayos nito ang pagkaka-ipit ng buhok bago muling tumingin sa kanya at ngumiti. “Ako ba, hindi mo nami-miss?” “Hindi masyado, kaunti lang,” biro niya. Nang sumimangot si Justin ay natawa siya. Hindi madali para sa kanya na aminin kung anuman ang totoo niyang nararamdaman dahil hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap sa katotohanang iyon. As Justin looked at her, there was a certain moment when Amanda felt the urge of telling him the truth, that Samantha was cheating on him and that she loves him. “S-si Samantha, hindi ka ba hahanapin ni Samantha?” “She’s in Hongkong. For a week.” Lumaki ang ngiti ni Justin. “H-Hongkong? Kailan pa?” “Two days ago.” Two days ago, she saw Samantha with someone else. Two days ago, Samantha was far from being in Hongkong. Maliwanag pa sa sikat ng araw na niloloko nito si Justin - si Justin na sobrang playboy. Parang bumabalik na yata sa binata ang lahat ng kalokohan nito pero sa tingin niya ay wala pa ring karapatan si Samantha o kahit na sino na gawin ang ganoon kay Justin. “How about Arthur?” narinig niyang tanong ni Justin. “Arthur is a decent and faithful man,” wala sa loob niyang tugon. “I don’t think he’ll cheat on me like that.” “What do you mean he won’t cheat on you like that?” Inubos ni Justin ang laman ng tasa ng cappuccino at tiningnan nang mataman si Amanda. Napainom rin si Amanda ng mainit na kape at medyo napaso. “W-wala, wala…I mean, Arthur is fine…he’s just fine,” sabi niya sabay tingin sa labas. “H-he’s busy with his upcoming exhibit.” “Mukhang seryoso na kayo, ha? You love him already?” Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. “H-ha? H-hindi ko pa alam,” tugon niya, na totoo naman. Hindi pa niya alam dahil hindi naman niya p’wedeng sabihin na hindi naman mangyayari iyon. “Bakit ikaw, masasabi mo na ba na mahal mo na si Samantha?” “Well, she’s really nice and all. Actually, I never thought that I’ll have this kind of relationship with her. Hindi pa ‘ko nagkakaroon ng problema sa kanya, alam mo ba?” Hindi pa ito nagkakaroon ng problema dahil wala naman talaga itong alam. Hindi tuloy niya alam kung matatawa ba siya rito o maaawa. Wala itong kaide-ideya na niloloko na na ito ni Samantha. “So, mahal mo na nga?” Saglit na napaisip si Justin. “Hindi ko rin alam.” “See, hindi mo rin pala alam,” nakangiti niyang sabi. “Ewan ko ba. Kahit okay kami ni Samantha, parang hindi pa rin. Parang may kulang na hindi ko maintindihan. Do you know what I mean?” “I know exactly what you mean,” tatangu-tango niyang sagot. “Parang minsan, hinahanap ko pa rin ‘yung mga ginagawa natin noon. She could be very serious sometimes and it’s difficult to understand her mood swings. At hindi niya makuha ‘yung mga jokes ko.” “Ang corny naman talaga kasi ng mga jokes mo.” “Bakit naman ikaw, napapatawa ko?” “Naaawa lang ako sa’yo kaya kahit corny, tumatawa na lang ako.” Napangiti si Justin. “You see, this is exactly what I’ve been missing.” They were both missing everything about each other at kahit na ano’ng piling nilang itago, hindi nila iyon maikakaila. “Are you happy now? I mean, are you really happy with Arthur?” “Happiness, I think is a matter of perspective. Depende ‘yon sa kung paano mo nakikita ang buhay. Wala naman akong dahilan para maging malungkot, diba?” aniya. Kahit pa maraming nangyayari sa kanya na hindi niya maintindihan ngayon, pinipilit pa rin niyang maging masaya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD